Humihikab ako habang ina-unlock ang pinto ng studio ko, hindi ako masyadong nakakatulog nitong mga nakaraang araw ayaw kasing maalis sa isip ko yung mga nangyayari sakin.. samin ni Carter.
"Good morning, Elli." Macky greeted.
"Mmm.. morning." I greeted without looking at him. Sabay na kaming pumasok sa Studio at pumunta sa kanya kanya naming table, yumuko agad ako sa table ko dahil talaga namang inaantok pa ako.
"May sakit ka ba?" Macky asked.
"Wala bitin lang sa tulog." Inangat ko yung ulo ko at tumingin sakanya.
"Okay, paalala ko lang sana na may client tayo sa makalawa."
"Okay, thank you for reminding me that." Yumuko ulit ako.
"Gusto mo ng coffee, pang pa gising?" Tanong niya.
"No, don't bother." Narinig ko yung mga yabag ng sapatos niya na palayo sa'kin, siguro babalik na siya sa table niya. Buti naman, gusto ko talagang umidlip pa kunti.
"Elli.." Dahan dahan kong minulat ang mga mata ng marinig kong may gumigising sakin at tumingin sa nag salita, i saw Claire. "Tama ba namang matulog sa trabaho?"
"I'm the boss, who cares?" Mahina kong sabi. "May kailangan ka nu?" Dagdag ko.
She laughed. "Paano mo nalaman?"
"Bumibisita ka lang naman kung may kailangan ka." Sabi ko habang inaayos ang sarili ko, grabe ilang oras kaya akong nakatulog?
"Parang ang sama kong pakinggan dun ah." Umupo siya sa tapat ng table ko at ngumiti ng napakalaki sa'kin.
"Sabihin mo na, ano ba yun?" Tanong ko.
"Pwede ba 'kong samahan sa Club b-"
"No!" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya nung marinig ko palang yung salitang Club. "Alam mo naman ayaw ko sa maiingay na lugar eh."
"Samahan mo na 'ko, hindi kasi pumapayag si Mama na pumunta ko ng Club nang wala akong kasama."
"Edi isama mo si Carter."
She rolled her eyes. "Seriously? Una sa lahat alam mong hindi kami magkasundo, pangalawa niyaya ako ni Carl kaya di ko isasama yun nu."
"Sino naman si Carl?"
"Diba nabangit ko na sayong may humingi ng number ko dun sa Audition? Siya yun."
"Oh!! Still no!"
"Elli, please!!" Pagpapaawa niya na may kasamang pouting at puppy eyes.
I sighed. "Anong gagawin ko dun? Chimay niyo?"
"May isasama si Carl, ipapakilala daw niya sayo."
"Para namang matitipuhan ako nun, haler.. ang pangit ko kaya!"
"Pwede ba tigilan mo ang kakasabing ang pangit mo, tatamaan ka na talaga sakin!" She warned. "Maganda ka, you just have to be confident about it."
Ilang beses ko ng narinig yan, di effective.
"Yah, yah.. fine." Walang gana kong sabi.
"Fine? Means.. sasama ka na?!" Laking ngiti niyang sabi.
"Oo na sige na." Napilitan kong sabi. She stands and hugs me, giggling.
"I love you talaga!"
"Oo na, sige na.. sige na!"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mukha. "Kanina ko pa 'to gustong sabihin.. blooming ka."
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...