Pamamanhikan Day..
Nandito kami ngayon sa bahay namin sa Cebu, araw na kasi nang pamamanhikan nila Carter sa bahay.
Naguusap usap na sila tungkol sa kasal namin, pero syempre desisyon pa din namin ni Carter kung kailan talaga ang kasal and he decided na bago mag pasukan magpapakasal na kami kasi nga di na daw niyang mahintay na makasal sa'kin. Di rin naman nag dalawang isip na pumayag sila Mama dahil buntis na 'ko.
Nang matapos naman ang usapan nila tungkol sa kasal namin, ang boys nag decide na mag inuman muna.
"Wag ka na namang iinum ng sobra ha." Pagpapaalala ko kay Carter, puro nalang kasi paghalik sa'kin ang nasa isip niya pag nalalasing siya eh.
"Don't worry, baby." He reassured.
"Elli.." Claire called making me looked at her. Yung mata niya nangungusap na parang nagsasabing gusto niya akong makausap.
Plano ko na sanang maglakad papalapit kay pero bigla akong pinigilan ni Carter. He pouts asking for a kiss. Grabe talaga, kung maka request siya ng kiss akala mo wala dito pamilya namin. Pero dahil uto uto ako sige, pagbibigyan ko na 'to. Haha.
Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi niya tsaka ko nilapitan ang kanina pang nakasimangot na si Claire. "Bakit?" Tanong ko pagkalapit ko sakanya.
"Samahan mo 'kong uminum, kasi mukhang ako lang ang babaeng iinum dito."
"Bakit ka iinum?"
Tumingin siya sa direksyon ni Carl. Yup, kasama namin si Carl sa pamamanhikan ng pamilya ni Carter at kasama siya dun sa mga lalakeng magiinuman. "Badtrip ako kay Carl eh."
"Bakit?"
"Basta!"
"Ay, ano 'to lihiman?" Pangungunsensya ko.
"Nag salita ang di malihim dati sa relasyon nila ni Kuya."
"Inamin naman namin ah."
"Oo, nung nahuli ko na kayo." Sabi ko nga eh. Loka 'to, ako ang nangungunsenya siya 'tong biglang nangunsensya.
"Alam mo wag ka nalang uminum gusto mo bang pagalitan ka ni Tita? Ang mabuti pa dun nalang tayo sa kwarto ko ikwento mo yang away niyo habang kumakain."
"Bakla ka, kain na naman? Kakatapos lang nating kumain ah."
"Buntis ako, nakalimutan mo na?"
She rolled her eyes. "Sabi ko nga eh."
"Kuha na muna tayo ng kakainin." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila papunta sa kusina kung saan nandun si Mama at Tita na nag chichikahan lang.
"Ma, pwedeng makahingi ng uh.." hmm.. ano bang masarap kainin? "Wait, parang gusto ko ng pizza."
"Pizza?" Sabay na tanong ni Mama at Claire.
"Hindi naman tayo nag handa ng pizza, beb." Claire said.
"Hindi din ako marunong gumawa ng pizza, sweetheart." Mama said.
"Yun ang hinahanap ng baby ko."
"Mukhang paglilihian mo din sa pizza yung apo ako ah, sa pizza ko din kasi pinaglihi si Carter." Natatawang sabi ni Tita. Oh-wow! Akalain mo nga naman oh!
"Naku beb, mukhang magmamana kay Kuya yang anak niyo pati pinaglihian namana eh." Claire jokes. Not a good joke, paano kung babae nga anak namin tapos naging playgirl? Naku! Paniguradong sakit sa ulo yun.
"Claire, tawagin mo muna si Carter at pabilhin ng pizza para kay Ellison." Utos ni Tita kay Claire.
"Opo." Mukhang maiistorbo si Carter sa pag iinum niya ah, well wag niya 'kong sisihin anak niya naghahanap ng pizza di ako. Haha!
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...