Forty One

119K 2.6K 62
                                    

Nagpasama sakin si Carter sa kwarto niya para daw kumuha ng ilang gamit niya dahil nga plano niyang sa Unit ko muna tumira ng isang buwan.

Ang tanong naman nito ngayon.. ano kayang mangyayari ngayon nito sa pagsasama namin ng isang buwan?

Ang hirap pa naman mag pigil pag nagiging sweet na siya.

Pero mas okay na din to, maliban sa makakasama ko siya makakalayo pa din siya dun sa ex niya. Hindi talaga kasi ako komportable na malaman na magkasama sila sa iisang bahay eh.

Pinanuod ko lang siyang maglagay ng mga damit niya sa bag niya habang nakaupo ako sa silya dito sa side table niya.

Maliit na maleta ang dala niya at isang bag. Napataas kilay ako sa dala niya, wala na ba siyang planong bumalik dito at mag pabahay na sakin?

"What?" He asked.

"Isang buwan ka lang sa Unit." Pagpapaalala ko.

"Oo nga."

"Eh bakit parang dinala mo na laman ng closet mo?"

He chuckled. "Mas mabuti na yung sigurado, tsaka isa pa gusto kong iwasan na bumalik dito para lang kumuha ng damit. Baka kulitin lang ako ni Margaret." So, siya din pala mukhang alam na kung ano talaga ang pakay dito ng ex niya maliban sa pag deliver ng papers niya.

Lumapit siya sakin at sinuot sa leeg ko yung camera niya. "Alis na tayo?" Tanong niya.

I stand. "Sige." Pagsangayon ko.

Hinawakan niya lang ako sa kamay ko at sabay na kaming naglakad papalabas ng kwarto niya. Nag patuloy kami sa paglalakad papunta sa sala dahil dun namin silang lahat nakita.

"Wow! Kuya, may plano ka pa bang umuwi o titira ka na kay Elli? Ang dami mong dala eh."

"Don't worry sis, uuwi pa ko." Carter said.

"Aalis na ba kayo agad? Di na ba muna kayo kakain?" Tita asked.

"Hindi na Ma, sa labas nalang kami kakain. Next time nalang po." Carter said.

"Osige magiingat kayo."

"Aalis na po kami." Pagpapaalam ko kay Tita. Bumitaw muna ako sa pagkakahawak ni Carter sa kamay ko tsaka bumeso kay Tita, sunod naman kay Claire na may kasamang yakap.

"Ngumiti ka nga!" Pabulong na sermon ni Claire sakin.

Bumitaw na ko sa pagkakayakap sakaniya bago pa niya dagdagan ang sermon niya sakin. Tinignan ko lang siya sa mata niya, yung tingin na intindihin-mo-nalang-ako.

Sumunod naman ay si Carter, bumeso din siya kay Tita at Claire tapos tumango lang siya kay Margaret bilang pagpapaalam.

"Sige po aalis na kami." Carter said as he holds my hand. Sinimulan na niya kong hilain palakad ng bahay nila tsaka kami dumiretso sa kotse niya. Inilagay muna niya sa back seat yung gamit niya tsaka kami sumakay at sinimulan ang byahe.

The whole time na nasa byahe kami, tahimik lang ako parang yung byahe lang namin sa taxi kanina.

Hindi ko alam kung bakit ganito kinikilos ko, okay.. siguro dahil sa sobrang selos, never ko naman kasi tong naramdaman noon eh, si Carter lang nag paramdam sakin nito. Grabe! Selosa pala ako.

"Saan mo gustong kumain?" Carter breaks our silence.

"Kahit saan." Matipid kong sagot.

"Sige." Matipid din niyang sabi.

After nun, tahimik na ulit kami hangang sa makarating sa isang kainan. Hindi ko na hinintay na pag buksan ako ng pinto ni Carter basta bumaba nalang ako sa kotse.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon