Fourteen

172K 4.1K 75
                                    

Maaga akong gumising dahil babyahe pa ko papunta sa Studio, mag tataxi lang ako ngayon dahil nasa bahay pa nila Claire yung kotse ko at yun ngayon ang gagamitin ni Carter. Ngayon na alala ko na naman siya, para akong nawalan agad ng mood.
Until now affected pa din ako sa sinabi niya, and sincr di naman pala siya interesado sakin.. ipapakita ko din sakanya na di ako intresado sakanya. Maliban sa maging assistant siya ngayong araw.

Kakatapos ko lang mag bihis at mag ready sa pag alia nang may marinig akong nag doorbell mula sa labas ng Unit ko. Kinuha ko lang yung bag ko atsaka pinag buksan na ng pinto yung nag bell. Di ko maiwasang mabigla ng makita ko si Carter..

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Susunduin ka, nasa bahay yung kotse mo kaya naisip kong sunduin ka nalang para di ka na mag taxi." Aba akalain mo nga naman oh! Akala ko kasi tatanghaliin siya sa pag gising eh. Pinakiusapan ko pa naman si Claire na sabihan siyang maagang gumising.

"Okay, tara na." I said not-in-mood. Nag simula na kong mag lakad at hindi na nag abala pang hintayin pa.

"Ayos ka lang?" Carter asked habang naghihintay kami na magbukas yung elevator.

"Oo." Walang gana kong sagot.

"Nalasing ka ba kagabi? Sabi ni Claire hinatid ka nung.. sino nga ulit yun?"

Finally nag bukas na ang elevator kaya di ko na sinagot yung tanong niya. Wala din naman akong planong sagutin yun. Hindi ako obligadong sagutin mga tanong niya tungkol kay Vince na napaka layo ng ugali sakanya. Si Vince kasi napaka gentleman, di tulad niya na puro kamanyakan ang nasa bibig.

"Elli.." He called. Hindi ko siya pinansin. Paninindigan kong hindi siya papansinin, sana mag success ako. "Elli!" He called again.

Tsk. Ang tagal namang mag bukas ulit nitong elevator, gusto ko ng makaalis dito.

"Elli pag hindi mo pa ko pinansin, i swear kahit may CCTV dito may mangyayari parin satin!" He warns impatiently, making me look at him in shocked.

"Pwede ba kahit minsan lang hindi puro sex ang nasa isip mo!" I said, angrily.

"Kanina pa kasi kita kinakausap pero parang hangin lang yung kausap ko dahil hindi ka sumasagot!"

"Hindi ako obligadong sagutin yang mga tanong mo! Dahil hindi naman tayo!!"

Finally nag bukas na din yung elevator, dali dali akong lumabas at nag lakad papunta sa kotse ko. Hindi ko na siya hinintay, dahil nakaka bwiset talaga siya!!

Dahil wala pa naman sakin yung susi at nasa kanya, wala na kong choice kundi mag hintay dito sa tapat ng kotse ko.

"Elli, pwede ba tayong mag usap ng kalmado lang?" Tanong niya.

"Wala tayong dapat pag usapan! Akin na yung susi ng kotse ko!"

He sighed heavily. "Ako na ang magmamaneho, hindi na kita kukulitin na mag usap tayo kung yan ang gusto mo."

Pag kasabi niya nun, binuksan na niya ang pinto ng kotse para sakin. "Sakay na!" Sumunod na ko dahil ayaw ko ng makipag talo pa sakanya. Ayokong mag aksaya ng energy, dahil magiging mahaba pa tong araw namin.

Nang makasakay siya sa driver seat, nag simula na ang byahe namin papunta sa studio dahil nandun pa yung mga kailangan namin para shoot. Kaya ang ginawa ko nalang ay, nagtulog tulugan sa byahe para iwas usap kahit na simula naman na mag simula kaming bumyahe hindi na kami nag usap.

Nakarating kami sa Studio at kinuha lahat ng kailangan ng hindi kami nag uusap, ni hindi nga nag titinginan. Ito ang gusto ko kaya salamat naman at nakikisama siya.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon