Carter and i decided na bumili muna ng regalo for Tito Robert para sa birthday niya. Honestly pareho kaming hindi alam ang ireregalo, so it ended up na bumili nalang siya wrist watch habang ako naman uh.. necktie nalang. Wala kasi talaga akong maisip.
Nang makarating naman na kami ni Carter sa bahay nila nang magkahawak ang kamay namin habang bitbit niya yung bag ko at regalo namin for Tito.
Dumiretso kami sa sala kung saan nandun si Claire at ang boyfriend niyang si Carl na nakaupo at nagtatawanan lang.
"Hi guys." I greeted them. Lumapit samin si Claire at bumeso. Si Carl naman tumango lang sakin bilang pag bati habang nakipag kamay siya kay Carter.
"Buti dumating na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay." Claire said.
"Bumili pa kami ng regalo para kay Tito." Sagot ko.
"Mmm.. i see, anong regalo niyo?" Tanong niya.
"Wrist watch kay Carter and necktie sakin."
She laughed. "Oh my god! Same tayo, si Carl wrist watch, ako necktie."
Oh wow! Akalain mo nga naman oh! Hindi kami nag usap niyan ah, nagkataon lang talaga. Haha!
"Iaakyat ko lang sa kwarto tong gamit mo baby." Carter said.
"Okay, thank you." Hinalikan niya lang ako sa ulo tsaka siya umakyat sa taas.
Hinila naman ako ni Claire papunta sa couch at umupo kami. "Hindi ko to natanong kanina nung nasa studio ko kasi alam mo na busy kayo ni Kuya sa paghahalikan.."
"Sabihin mo nalang Claire." Dami pang pasakalye eh.
"Bakit naghahanap ka ng bagong assistant? Nakita kong nakapaskil yun sa labas ng studio."
"Oh!! Uh.. Plano ng mag resign ni Carter kaya naghahanap na ko ng bagong assistant."
"Bakit daw siya mag reresign?"
"Uh.. dahil boyfriend ko na daw siya and-"
"Elli, nandito na pala kayo." Hindi ko natapos sasabihin ko dahil biglang nag salita Tita. Sabay kaming tumingin ni Claire sakanya at kasama niya si Tito.
Lumapit ako sakanila at bumeso. "Happy Birthday po Tito." Bati ko.
"Salamat hija." He said nicely.
"Nasaan pala si Carter?" Tita asked
"Nasa kwarto po niya, nilagay lang yung gamit ko." Sagot ko.
"I see.. Claire, tawagin mo na Kuya mo sabihin mo kakain na tayo."
"Opo." Pagkasabi niya nun, umakyat na si Claire papunta dun sa kwarto ni Carter. Habang kami ni Carl sumunod na kila Tita sa dining room at dun nalang daw namin hintayin yung magkatabi.
Umupo na kami habang wala pa yung dalawa, nasa tapat na upuan si Carl at yung sa empty chair asa tabi niya ay for sure upuan ni Claire mamaya, habang yung nasa tabi kung walang nakaupo ay kay Carter. Nasa magkabilang dulo naman si Tita at Tito.
"We're here." Dinig naming sabi ni Claire, kaya tumingin kami sa direksyon nila. Nakasunod lang sakanya si Carter na direktang nakatingin sakin.
Lumapit agad sakin si Carter at hinalikan ako sa ulo na akala mo ngayon lang kami nag kita, pagkaupo niya hinawakan niya agad yung kamay ko.
Sinimulan na namin ang celebration for Tito, sinindihan muna ni Claire yung kandila tsaka namin kinantahan ng Happy Birthday si Tito na may kasamang pagpalakpak buti nalang bumitaw muna si Carter sa pagkakahawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...