Katatapos ko lang kuhanan ng litrato ng family pictures ang City Mayor, inaayos na ngayon ni Louie yung gamit namin pabalik ng kotse ko, habang ako kinkausap yung Assistant ng Mayor para lang alamin kung kailan ko maipapadala yung pictures nang mabigyan ko sila ng date, umalis din naman agad kami ni Louie.
Hindi na kami sinamahan ngayon ni Carter dahil may tiwala na daw siya kay Louie pero syempre labas sa ilong niya yung sinabi, ang totoo di lang siya makasama dahil pumunta siya sa Travel Agency ni Tito Robert dahil pinapunta siya dun para sa part time job na ibibigay sakanya. Kaya wala na rin siyang choice kundi magtiwala kay Louie.
And to honest too, nakakapanibagong walang Carter sa Studio ko ngayon.
Si Louie ang nag dadrive ngayon ng kotse habang pabalik kami ng Studio, inutos yun ni Carter na siya ang mag maneho at wag daw akong pagurin na akala mo siya yung boss ni Louie. Pero itong assistant ko naman sumusunod lang sa sinasabi ni Carter.
Nang makarating kami ni Louie sa Studio, pinark lang niya yung kotse tsaka ako bumaba. Ako ang nag bukas ng Studio habang siya iniisa isa na niya yung mga ginamit namin sa shoot kanina na ibaba sa kotse.
Nauna na kong pumasok sa Studio at umupo sa silya ko tsaka ipinikit ang mga mata ko. Hmm.. nakakapagod, pag ganito.. gusto kong nasa bisig ni Carter. Urgh! Ang tagal niyang bumalik.
"Ma'am Elli.." Pormal na tawag ni Louie. Sinabihan ko na siyang Elli lang itawag sakin dinaragdagan padin ng Ma'am.
I open my eyes and napatayo ako sa gulat na makita ang isang babaeng nakatayo katabi niya. Si Margaret yun at tayo palang niya parang nagsasabi na mas maganda ako sayo.
"May client po." Louie said. Client? Imposibleng maging client siya, sigurado akong hindi siya magpapakuha ng litrato kahit na mukhang model siya ngayon. Anong ginagawa niya dito? Anong kailangan niya? Paano niya nalaman kung nasaan ang Studio ko?
"Louie, iwan mo muna kami."
"Opo." Nakatingin lang kami sa mata ng bawat isa ni Margaret habang naglalakad palabas si Louie. Hindi ako bumitaw sa eye contact namin dalawa at sobrang proud ako sa sarili ko dahil nagagawa kong makipag eye contact sa ex ni Carter.
"Wala dito si Carter." I started to speak pagkaalis ni Louie. For sure si Carter ang pakay niya dito.
She showed me her smirked. "Hindi si Carter ang pinunta ko."
"Kung ganun ano? Imposbile namang nandito ka para lang ipakita ang pang model mong damit."
She forces a laughed. "You're funny." I'm tempted to roll my eyes but i refused. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"So, bakit ka nga nandito?" Tanong ko.
"I wanted to talk to you."
"About what?" I asked kahit na alam ko naman na kung tungkol sa saan.
"About my Carter." She emphasize the word my, para siguro iparating sakin na sakanya si Carter.
"Carter is mine now."
"Na inagaw mo sakin!" Okay, expected ko naman na ipapamukha niya sakin na inagaw ko lang si Carter sakanya pero ewan ko ba parang ang sakit padin sa pride. Humakbang siya papalapit sakin at hindi ko maiwasang maintimidate sa tingin niya sakin pero kahit ganun di ko yun ipinapahalata sakanya.
"Tingin mo ba seryoso talaga sayo si Carter? Tingin mo tatagal pa kayo? Alam mo ba na hindi ito ang unang beses na hiniwalayan niya ko at sumama siya sa ibang babae dahil gusto niya lang akong inisin at pagselosin. Pero pag sinabi kong bumalik siya sakin, bumabalik siya sakin ganun siya kabaliw sakin. Ngayon tatanungin kita, confident ka ba na ikaw padin ang pipiliin niya ngayong nandito na ko?"
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...