Eleven

186K 4K 25
                                    

Nasa studio na kami ngayon ni Carter. Yung totoo, nakakailang to lalo na't may nangyari samin kanina. Tingin ko talaga, mali tong idea kong gawin siyang assistant pero dahil napasubo na wala na kong magagawa.

Medyo tinuturo ko muna sakanya kung nasaan yung mga gamit dito sa studio. Hindi ko nga lang alam kung nakikinig siya dahil naka akbay lang siya sakin at sakin nakatingin, hindi sa mga tinuturo ko.

"Mag focus ka nga!" I scolded him.

"Alam mo kasi, yang mga tinuturo mo alam ko na."

"Bakit di mo sinasabi?" Sabi ko sabay tangal nung braso niya sa balikat ko pero binalik din naman niya agad.

"Hindi ka naman nag tanong, bigla bigla ka nalang nag sasalita."

Tinangal ko ulit yung pagkaka akbay niya. "Edi sana pinahinto mo ko."

Umakbay na naman siya. "Di ko na naisip yun."

"Wag mo nga kong akbayan!" Irita kong sabi. Paulit ulit nalang kami, tatangalin ko yung braso niyang nakaakbay sakin tapos ibabalik din naman niya agad.

Itinaas na lang niya yung mga kamay niya na parang sumusuko. "Icheck mo yung schedule natin bukas, for sure nasa table ni Macky yung sched. kopyahin mo lahat. Pagkatapos mo, ipakita mo sakin para may idea din ako sa schedule. Then linisin mo yung lamesa kasi ikaw na yung gagamit nun. Itapon mo na yung mga di kailangan, pero yung tingin mong baka importante at pwedeng balikan ni Macky itabi mo." I instructed.

"Bakit ko pa itatabi yun? Hindi na babalik yun dahil babasagin ko mukha niya pag bumalik pa siya."

"Ako ang boss kaya makinig ka nalang!" Mukhang di niya nagustuhan yung pag bulyaw ko dahil biglang sumama yung mood niya. Umalis nalang siya sa harap ko at ginawa yung inutos ko.

Mas okay na din siguro tong bad mood siya para maiwasan niyang humarot na naman sakin. Nasa trabaho pa naman kami ngayon. Akala ko pa naman totoo yung sinabi niyang pag work, work lang.

Umupo nalang ako sa table ko at inilagay ang mga kamay sa ulo ko. Wala pang kalahating araw feeling ko stress na ko, mahaba habang oras pa to. Shocks!

Nag focus nalang ako sa trabaho and surprisingly, hindi ako ginugulo ni Carter. Mukhang tutuparin na niya ngayon yung sinabi niyang pag work, work lang.

"Knock knock!" Boses yun ni Claire. Shocks! Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko boses niya, hindi ko pa pala nababangit na assistant ko na kapatid niya. Diyos ko, paano ko ieexplain to ngayon?

Tumingin ako sa direksyon niya at nakita ko siyang nakatitig sa direksyon ni Carter. "What are you doing here?" Claire asked, in shocked.

"I'm working here." Casual lang na sabi ni Carter.

"You're what?!!" Tumingin sakin si Claire na halatang nagulat. Naglakad siya papalapit sakin. "He's working here? How? Where's Macky?" Sunod sunod niyang tanong.

"Uh.. may nangyari kasi kahapon eh."

"Ano?"

"Macky tried to rape Elli, he even slapped Elli." Pagsisingit ni Carter.

"Oh my GOD! Ginawa yun ni Macky?" Gulat niyang tanong.

"Not actually tried to rape, he just forcing to kissed me."

"Anong pinagkaiba nun? Tsaka bakit pinagtatangol mo pa yung freak na yun?" Carter asked.

"Di ko siya pinagtatangol."

"Pinagtatangol mo!"

"Hindi nga!"

"Teka nga!" Pagpuputol ni Claire saming dalawa. "Okay, wala paring nag eexplain kung bakit nag tatarabaho na dito ngayon si Carter?" Dagdag niya.

"He helped me from Macky and i urgently needed a assistant, and Carter knew a little about photography, he applied so.. i hired him." I explained.

"Yun na yun?" She asked again, looking straight at my eyes. Kita sa mukha niya na hindi siya convinced.

"Yup, ano nga palang ginagawa mo dito?" Pagbabago ko ng topic, sana effective tong pagbabago ko ng topic.

"Pupunta tayo ng Club mamaya, remember?"

"Oh!! Uh.. mutikan ko ng makalimutan yung tungkol dun, buti pinaalala mo."

Carter laughed. "Ikaw magka'clubbing? Parang di bagay." Natatawa niyang sabi sakin, kaya medyo na offend ako. Oo, nerd ako eh ano naman kung magka'clubbing ako? Bakit tingin ba niya hindi ako marunong magsaya?

"May nakakatawa? Mag trabaho ka na nga lang!" I scolded him.

"Tapos na Ma'am!" May pagkasarkastiko niyang sabi. Pinakita niya yung notebook at inilapag ito sa table ko, pag katapos niyang gawin yun umupo na ulit siya sa table niya.

"Kailan pa kayo naging close ng kapatid ko?" Mahinang tanong ni Claire, yung tipong kaming dalawa lang makakarinig.

"Biglaan lang." Pagpapalusot ko. Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at tinitigan ako sa mga mata kaya napaatras ako ng ulo.

"Elli, wag mong sabihing may gusto ka kay Carter?" Pabulong niyang sabi. Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at napatingin kay Carter kung narinig ba niya yun o hindi and luckily mukhang hindi naman. Ayokong marinig niya yun dahil baka gamitin pa niya sakin yun para asarin ako.

"Wala nu!" Pagtatangi ko.

"Good! Alam mo wala naman saking problema kung maging kayo ng kapatid ko pero magiging okay lang yun kung matino siya kaso hindi eh. Ayaw kong saktan ka niya, dahil para na kitang kapatid. Mas tinuturing pa nga kitang kapatid kesa sakanya eh, kaya pag sinaktan ka niya o may ginawa siya sayo.. i swear humanda siya sakin."

Uh.. ano bang dapat sabihin ko dun? Siguradong magwawala siya sa galit kapag nalaman niyang dalawang beses ng may nangyari samin ng kapatid niya. Paniguradong mas lalo siyang magagalit sa kapatid niya pag nalaman niya yun, baka imbes na mag kaayos sila mag away pa sila ng dahil sakin. Pambihira naman oh!

Siguro dapat tigilan ko na ang madala sa halik ni Carter para wala ng sumunod na mangyari tulad kanina.

"Don't worry, wala akong gusto kay Carter para patunayan ko sayo.. makikipag usap ako dun sa lalakeng isasama nung kadate mo."

She looked at me amused. "Gagawin mo yun?"

"Susubukan ko, alam mo namang hindi ako magaling mag maganda eh."

"Good, agahan mo ang pagsasara dahil papagandahin kita ng bonga mamaya." She winks playfully.

--

Please vote. 😊

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon