Forty Four

110K 2.4K 54
                                    

Oras na ng pagsasara.. mas maaga naming pinauwi si Louie tutal si Carter naman daw ang tutulong sakin sa pagsasara. So i just watch my boyfriend na sinasara ang Studio habang ako nakasandal lang sa kotse niya.

Nang matapos siyang magsara lumapit siya sakin. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Uh.. about dyan, gusto kong subukang magluto ngayon."

He chuckled, amusingly. "Really?"

I rolled my eyes. "Bakit, may nakakatawa ba sa sinabi ko?"

He shakes his head, biting his lower lip. "Wala, anong lulutin mo?" Sus! Wala daw eh halata namang di siya bilib sa luto ko.

"Noong nasa Cebu tayo, Mama taught me to cook Tinola so, yun ang susubukan ko."

"Okay, support kita dyan." Hinawakan niya ko sa kamay at naglakad kami papunta sa passenger seat. Pinag buksan niya ko ng pinto at very gentleman na inalalayang makaupo.

Siya naman ngayon ang sumakay papuntang driving seat at nang makasakay siya nag salita ako. "Carter, diretso tayong market ah mamimile ako ng ingredients."

He grinned. "Okay." He started the engine.

"What are you thinking?" I asked.

"I think you're cute."

"Carter yung totoo!"

"Totoo yun, baby." Nag cross arms nalang ako at ibinaling ang tingin sa bintana dahil sinumulan na naming ang byahe. "Bakit mo pala naisip na magluto ngayon?" Tanong niya.

"Wala lang, naisip ko lang na.. isang buwan ka sa Unit at ayoko namang puro padelivery foods ang kainin natin tsaka isa pa gusto ko na din talagang matutong magluto para.. sa uh.. future uh.. natin."

"Can you kiss me." Sabi niya na hindi maman relate sa topic namin.

"Why?"

"I really wanted to kiss you now dahil sa sinabi mong future natin, kinilig lang ako kaya nagrerequest ako ng kiss dahil di ko magawa yun dahil nag dadrive ako."

I laughed. "Kinilig ka?"

"Oo, marunong din naman kiligin ang lalake."

Since he requested it.. "Okay." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at mabilis na hinalikan siya sa labi. Mabilis lang dahil nagdadrive siya. "Happy?" I asked.

"Very."

I shake my head chuckling. Mahihilig ba talaga sa kiss ang mga lalake? Haha.

Nakarating kami ni Carter ng Market at sabay kaming bumaba ng kotse nung maipark niya ito tsaka kami nag simulang mamile na ng ingredients for my Tinolang Manok.

Haay! Goodluck talaga sakin sa pagluluto na to. Sana naman hindi masyadong palpak ang gagawin ko, kahit kunting palpak lang ayos na.

Nang matapos naman kami sa pamimile ni Carter, sumakay na ulit kami ng kotse niya para masimulan ko na ang magluto, i mean.. ang byahe pala pauwi ng Unit.

Nang makarating naman kami ng parking.. sabay ulit kaming bumaba ng kotse at as usual ang malambing kong boyfriend nasa malambing mode na naman. Habang nakasakay kami sa Elevator, may mga pahalik siya sa ulo ko. Yan na siguro ang ginagawa niya pangpalipas inip dito sa elevator.

Nakarating kami ng Unit ko at sabay kaming dumiretso sa kusina, siya kasi ang may bitbit nung pinamile naming ingredients. "Sige na, iwan mo muna ako dito para makapag luto na ko."

"Okay, nasa sala lang ako pag may kailangan ka." Hinalikan niya lang ako sa forehead tsaka siya naglakad papunta ng sala.

Breath in..
Breath out..

Game, time to cook.

Una syempre, hinugasan ko muna yung mga ibang ingredients then after nun, sinimulan ko na sa paghihiwa ng bawang, sibuyas at luya. Tsaka ginisa ito sa kawali na may kunting mantika at sinimulan ang pag gigisa. Ha! I'm so proud of myself. Haha!

Then isinunod ko sa pag gigisa ang manok, lalagyan na ng tubig diba? Sana lang tama tong ginagawa ko.

Focus lang ako sa pagluluto at hindi ako nagpaistorbo kay Carter, ang totoo hindi rin naman talaga ako inistorbo talaga ni Carter. Behave lang siya dun sa sala, i wonder kung anong ginagawa niya habang naghihintay.

Since kailangan pakuliin muna tong niluluto ko, sinabayan ko na rin ng pagsaing.

Nang sa WAKAS matapos akong magluto. Sinimulan ko na ang paghahain at nang matapos naman ako, tinawag ko na yung taga tikim.

Nag lakad ako papuntang sala at nakita ko siyang nakaupo lang sa couch habang nanunuod ng basketball. "Carter.." i called. Nilingon niya ko. "Let's eat."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pinatay yung tv tsaka siya naglakad papalapit sakin. "Anong lasa?" Tanong niya.

"Ikaw nalang ang mag judge."

Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge. He bends down and presses his lips to mine. "Mmm.. masarap." I slapped him on his chest.

"Siraulo ka talaga! Yung niluto ko ang tikman mo hindi yung labi ko!"

He laughed. "Sabi ko nga eh." Haay! Pambihira talaga!

Inakbayan niya nalang ako at sinimulan na namin ang maglakad papunta sa dining area. Umupo agad siya sa silya niya at inamoy yung niluto ko. "Pwede ko ng tikman?" Tanong niya.

"Yah, sure."

Nagsandok lang muna siya ng kanin sunod naman yung tinolang niluto ko tsaka niya sinimulang tikman. Shit! Kinakabahan ako na parang nasa isa akong cooking show, urgh! ang O.A ko na nito.

"How is it?" I asked Carter.

He smiled. "This is good, baby."

"Carter yung totoo."

"Totoo naman eh, well this is not really that good compared sa niluluto ni Mama pero okay padin siya."

"Sure ka?" Paniniguro ko.

"Oo, very sure baby. Sabayan mo na kong kumain dito."

Umupo na ko sa tabi niya para sundin yung sinabi niyang sabayan ko siya at tinikman na din yung luto ko. Totoo nga yung sinabi niya, okay lang yung luto ko. Pero atleast hindi ganun kafailed na hindi na pwedeng kainin, ito kasi makakain pa. Haha!

I must say, hindi ganito ang iniexpect ko sa first try kong pagluto ng tinola.

Nang matapos naman kami sa pagkain namin, Carter offered na siya na ang mag hugas kasi wala naman daw siyang ginawa so ako.. payag na din para makapag shower na, lagkit na lagkit na din ako sa katawan ko eh.

Pumasok ako ng kwarto ko, naglakad muna ako papunta sa side table at inilapag dun ang eyeglass ko.

Tsaka ako kumuha ng towel at pumasok na ng bathroom para makapag shower na.

Nang matapos naman ako sa pag shower ko, sa pag palabas ko ng bathroom nakita ko si Carter na nakahiga lang ng kama. Di ko na muna siya tinawag at nag bihis nalang muna. Kumuha ako ng pajama at isinuot ito.

Then humarap ako sa salamin at pinunasan ang basa kong buhok.

"Baby.." He called. Tumingin ako sa reflection niya sa salamin, ngayon ay nakaupo na siya at nakatitig sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

Tumayo siya sa kama at naglakad papalapit sakin tsaka niyakap niya ko mula sa likod. "May problema ba?" Tanong ko.

"Wala gusto ko lang maglambing."

I chuckled. "Lagi ka naman naglalambing ah."

"Hmmm." He just hummed, kissing my shoulder. "Mag shashower na ko para maihiga na kita sa kama." He whispered.

"Tama mag shower ka na para matulog na tayo." Inemphaize ko ang salitang matulog para ipaalam sakanya na yun lang ang gagawin namin ngayong gabi.

I heard him chuckled. "Oo, matutulog lang tayo." Abat akalain mo nga naman oh! Ang bilis pumayag ah. Baka lang din kasi ako lang nagiisip na may gagawin siya. Kasalanan din naman kasi niya puro siya kapilyuhan.

--

Keep voting babies. ☆

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon