Twenty Six

149K 3.2K 54
                                    

Nagising ako sa masarap na yakap ni Carter sakin. Yung pag tanday niya sakin halos ipalupot niya yung paa niya sa mga binte ko. Halos icover na ko ng katawan niya. Kaya naman pala nahihirapan akong kumilos eh, grabe ang pagkakayakap niya.

"Carter.." I started to wake him up. I softly touched his cheek using the back of my hand.

"Mmm.." He just hummed, sleepy.

"I can't move."

"Mmm.." since mukhang wala pa siyang alam sabihin maliban sa pag hummed, tinangal ko nalang muna yung pagkaka tanday at yakap niya sakin para maka bangon na ko sa kama.

"Stay." He said sleepy, grabbing my hand.

"Tanghali na Carter."

"What time is it?"

Sinuot ko yung eyeglass ko at tumingin sa oras ng cellphone ko. "It's 7:34." I answered. Napahaba pala kami ng tulog, kung sabagay sarado naman ang studio ngayon.

He finally opens his eyes, and stared at me. "Good morning."

I smiled. "Good morning." I bend down to kissed his lips, softly.

"Mmm.. i want more deeper."

I giggled. "No! Nice try." Tinangal ko ulit yung  eyeglass ko at nag lakad na papuntang bathroom.

Wala kaming pasok sa trabaho ngayon pero dahil pareho kaming di marunong mag luto, for sure sa labas kami kakain. Tsk. Ngayon lang talaga ako natauhan na dapat matuto akong mag luto at hindi kasanayan yung mga pagkain sa restaurant, fastfood, delivery foods and street foods. Noon naman kasi sapat na sakin ang mga ganung foods, until makilala ko tong si Carter, parang nakakahiya na di ako marunong magluto though wala naman siyang sinasabi na mag aral ako.

Nang matapos akong mag shower, Carter is still laying on my bed. "Hindi ka pa mag shashower?" Tanong ko.

Tumingin siya sa direksyon ko at tinignan ako mula ulo hangang paa na akala mo hindi pa niya nakikita ang buong katawan ko ng hubad.

Hindi siya nag salita, basta bumangon lang siya sa kama at naglakad papalapit sakin. Nang makapwesto siya sa harap ko huminto siya. He bends down akala ko hahalikan niya ko pero hindi naman pala, parang bigla akong nadisappoint.

He kissed my forehead, making me felt more disappointed. I want his lips on my lips, not on my forehead! Urgh! Ang demanding ko na ngayon ah!

Pumasok na siya ng bathroom para siguro makapag shower na. So ang ginawa ko nalang nag bihis ng jeans, gray T-shirt and rubber shoes. Then nag patuyo na ko ng buhok gamit ang blower. Natapos na ko sa pagpapatuyo ng buhok ko pero nasa bathroom padin si Carter so ang ginawa ko muna ay sinuot yung salamin ko kinuha yung camera niya at tinignan ang lahat ng kuha niya sakin. Pero laking gulat ko na may lirato kaming dalawa habang nasa kahimbingan ako ng tulog tapos nakahalik pa siya sa pisnge ko at nakayakap habang topples siya.

Shit! Bakit di ko namalayang ginawa niya to? Pambihira talaga! Trip ba niya kong gawing model dahil halos puro ako laman nito? Well bago pa din naman kasi to at kagabi lang nagamit kaya siguro puro ako palang.

But still ang daya niya, dapat ginising niya ako nung kinuhanan niya to.

"Wala ka naman sigurong binura dyan diba?" Carter asked making me looked at him.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon