Forty Nine

109K 2.6K 45
                                    

Nakauwi na kami ni Carter mula sa dinner namin with his family na soon syempre magiging family ko din. Hihi! Mag katabi lang kaming nakaupo ngayon sa couch habang nakasandal ang balikat ko sa ulo niya at siya naman pinaglalaruan lang yung kamay ko.

Nawala na ngayon yung bad mood ni Carter dahil sa pag kausap samin at pagsamapal sakanya ni Margaret dahil sa kapatid niyang si Claire na sobrang excited sa darating na kasal namin. Nag sa'suggest na nga siya ng mga lugar eh. Pero wala pa kaming napag didesisyunan ni Carter dahil di ko pa nga nababangit sa magulang ko ang plano naming mag pakasal habang si Carter naudlot ang pagsabi niya sa Papa niya.

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong niya.

"Mmm.. hindi pa." Inienjoy ko pa balikat niya eh. Ewan ko ba, mamaya naman nasa bisig niya ulit ako pag matutulog na pero gusto ko paring ganito muna kami.

Inalis ko ang pag kakasandal ko sa balikat niya, ipinatong ko yung chin ko sa balikat niya at pinag masdan ang side view ng mukha niya. Ang gwapo talaga nitong, Carter na'to.

"Bakit ka naka titig?" Tanong niya.

I pout. "Masama ka bang titigan? Ginagawa mo naman yun lagi sakin ah."

He chuckled. "Baka lang kasi may iniisip ka."

"Mmm.. wala naman, gusto lang kitang titigan."

"Gwapong gwapo ka na naman sa future husband mo." Punong puno ng kompyansa niyang sabi.

I grinned. "Ang yabang talaga, pero sige aaminin ko na tutal ikakasal naman na ko sa'yo. Oo, gwapong gwapo ako sa'yo Carter."

"Swerte mo, diba?"

I laughed. "Ewan ko sa'yo!"

Tumayo na nalang ako. "Mabuti pa nag shashower na ko."

"Pwedeng sumabay?" Pilyo niyang tanong.

"Na-Uh! Nice try, baby." Umiiling ako sa pag tawag ko sakanya ng baby at medyo sinesexy'han ko ang voice.

He laughed. "Baby, wag kang magpapacute sakin alam mo namang hindi ako marunong mag pigil pag dating sa'yo."

"Okay." Mabilis kong pag sangayon. Gusto ko kasing matulog ng mahaba ngayon eh, kaya no making love muna for tonight lang naman.

Nag lakad na 'ko papasok ng kwarto at di na niyaya pa si Carter na pumasok na din mahirap na nag pacute kasi ako ngayon baka nga di na niya mapigilan sarili niya.

Inilapag ko lang sa lamesa yung eyeglass ko tsaka ako nag lakad papalapit kung saan naka sabit yung tuwalya. Pumasok ako ng bathroom at sinimulan ko na ang malamig na pag sha'shower.

Sa pag tapos kong mag shower, naabutan na ang mahal kong boyfriend na tila may kausap sa cellphone kaya nakinig nalang muna ako sa usapan nila, kung sino man yung kausap niya habang pumipili ng masusuot sa closet ko.

"..opo, aalagaan ko po siya.. makakaasa po kayo... kakausapin ko po sila Mama kung kailan kami makakapunta.. maraming salamat po Tito, salamat po talaga." Natapos ang pakikipag usap niya sa cellphone at humarap sa'kin, yung ngiti niya parang nanalo siya sa isang patimpalak.

"Nakuha ko na permiso ng parents mo para pakasalan ka, baby!" Laking ngiti niyang sabi habang may pasuntok suntok pa sa hangin.

I giggled. "Nakausap mo na sila?" Tumango lang siya habang kagat kagat ang lower lip niya at naglalakad papalapit sa'kin.

"Oo, tumawag ka daw sakanila bukas, mukhang plano kang kausapin." Mmm.. bigla akong kinabahan dun ah, ano kayang reaksyon nila Mama?

Bigla akong niyakap ni Carter na di ko naman na din masyadong ikinabigla, dahil alam kong masaya dahil nakuha niya yung permiso ng magulang ko para pakasalan siya. "Sobrang saya ko, baby." Bulong niya.

"Halata nga eh." Yumakap din ako sakanya. Naramdaman ko ang mabilis na pag halik balikat ko tsaka bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Mag sha'shower na 'ko. Pag natapos ako, dapat tulog ka na dahil kung hindi.. alam mo na." Pilyo niyang sabi na may pakindat pa.

Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib niya. "Tumigil ka nga Carter."

He laughed. "Biro lang." Humalik muna siya ng mabilis sa labi ko tsaka tuluyang pumasok ng bathroom. Ako naman, pinag patuloy nalang ang pag bibihis ko.

Nakuha ko ang T-shirt ni Carter kaya yun nalang ang plano kong suotin. Bahala na kung anong magiging reaksyon niya dito. Sunod ko namang ginawa ay yung pag papatuyo ng buhok ko gamit ang blower nang matapos naman ako, humiga na ko ng kama at nag kumot.

Tumingin ako sa direksyon ng bathroom dahil narinig kong nag bukas ito. As usual ang hot na naman niya dahil nakatapis lang sa bewang niya yung towel kaya kitang kita ang perfect niyang abs, ano bang bago sa ka'hotness'an niya? Wala naman.

Tinggal niya yung towel sa waist niya at isinabit ito sa sabitan, ngayon naka boxer nalang siya. Nag lakad siya papalapit ng kama at umupo muna siya sa gilid ng nito habang pinupunasan yung buhok niya ng maliit na towel.

"Gusto mo ba ng tulong?" Tanong ko.

"Hindi na baby." Okay, wag na daw pag mamasdan ko nalang muna siya sa kung ano pa ang gagawin niya.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama at isinabit din yung towel na ginamit niya, siguro kuntento na siya sa pagkakatuyo ng buhok niya.

Nag lakad siya papalapit ng salamin para chinicheck siguro kung gaano siya ka'gwapo.

Ganito pala feeling ng pinapanuod mo bawat kilos ng mahal mo, enjoy pala. Haha! Kaya pala lagi niyang ginagawa eh.

Tumingin siya sakin mula sa salamin at ngumiti. "Bakit di ka pa natutulog?" Tanong niya.

"Kasi di mo pa ako tinatabihan dito." Sagot ko.

Humarap siya sakin tsaka sinimulan ang mag lakad papalapit ng kama. Gumapang siya mula sa dulo ng kama hanggang paibabaw sa'kin habang naka ngisi. Hinalikan niya lang ako ng not-so-mabilis tsaka humiga ng kama.

Kinumutan niya din yung sarili niya kaya ngayon nakita na niya yung T-shirt na suot ko. "T-shirt ko lang suot mo?"

"No, may suot akong underwear." Pabiro kong sagot.

He smirked salaciously. "Alam mo bang may advantage kapag yan lang ang suot mo?"

"Advantage?" Pagtataka ko.

"Oo.." Naramdaman ko ang daliri niya gumagapang sa hita ko kaya hinampas ko yun.

"Yung kamay mo, lumilikot na naman. Itatali ko yan."

He laughed loud. "Nag suot ka kasi ng ganyan eh, yan tuloy ang likot na naman ng kamay ko."

I just rolled my eyes. Ako pa talaga sinisi sa malikot niyang kamay ah. Paltukan ko 'to eh.

Nag cuddle nalang ako sakanya. "Matulog na tayo."

"Sige." Naramdaman ko ang pag halik niya sa forehead ko. "Goodnight baby." He whispered.

"Goodnight baby." I whispered back.

I heard him chuckled. "I love you Ellison Mae.

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko para makatulog na at enjoyin ang amoy niya. "I love you too, Carter."

--

Babies, sorry maiksi yan lang kinaya ng utak ko eh. ✌😁

Please like the Facebook page of Nerd with Benefits and also my page my_love_letter.

Kung may Twitter kayo follow niyo po ako: @Akingliham

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon