EPILOGUE

156K 3.2K 258
                                    

It's a busy day and now time to rest.. paano ko nasabing busy? Simple lang kasi kakagraduate lang ng mahal kong asawa kaya todo asikaso ako sa bisita namin. Dito kami nag ce'celebrate sa Apartment namin ng asawa ko na wedding gift ng Papa ni Carter para sa'min. Kaya noong simula nang makasal kami, dito na kami tumira.

At dahil nabangit na rin naman na ang kasal di ko maiwasang maalala na naman yung kasal naming dalawa.

Flashback..

"You may now kiss the bride." Sa hudyat ng pari, excited na itinaas ng mahal kong asawa ang belo ko, Yes! Asawa ko na si Carter ngayon at sobrang saya ko, ganun din siya kitang kita yun sa mukha niya at mga labi niya.

"Sa wakas mahahalikan ko na yung asawa ko." Laking ngiting sabi ni Carter. Unti unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko para ibigay ang first official kiss namin as Married couple.

"I love you, baby." He said after the kiss. May luhang nag babadyang tumulo sa mga mata niya. Tears of joy yun, alam ko.

"I love you too, baby." This time ako naman ang humalik sakanya tsaka ko siya niyakap.

"Hindi ko na mahintay yung honeymoon natin." Pilyo niyang bulong kaya di ko maiwasang matawa. Bukang bibig nalang kasi niya lagi yan.

"Baby, ang laki na nga ng tyan ko honeymoon padin nasa isip mo."

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko sakanya. "Bakit sexy ka pa din naman ah?" Sabi niya habang nakatingin sa tummy.

I slapped him on his chest. "Tumigil ka nga nasa simbahan tayo." I scolded.

"Sorry." He mouthed, grinning. Nakarinig kami ng palakpakan kaya yung atensyon namin napunta sa bisita namin.

"Pwede na ba namin kayong batiin o maglalambingan muna kayo dyan?" Tanong ni Claire.

Lumapit ako sakanya at nagyakapan kaming dalawa ng mahigpit. "Yung wedding gift ko ah, suotin mo." Bulong niya. Yung tinutukoy niyang wedding gift ay yung sexy pajama dress na gusto niyang suotin ko para sa honeymoon namin ni Carter.

Bumitaw ako sa yakapin naming dalawa. "Sira ka ba, ang laki na nitong tyan ko di na bagay sa'kin yun nu." Mahina kong sabi yung tipong siya lang makakarinig kasi kaming dalawa lang ang nakakaalam ng regalo niyang yun.

"Asus, eh sa paningin ni Kuya lagi ka namang sexy." Tama siya, kakasabi lang ni Carter yun kanina.

"Sweetheart.." Mama called. Tumingin ako sa direksyon niya, halatang kakagaling niya lang sa pag iyak. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Congratulations, Sweetheart. I'm happy for you."

"Thank you, Ma." Next ko namang niyakap ay si Papa.

"Congrats, sweetheart."

"Salamat po, Pa."

Sunod naman na lumapit sa'kin ang mga parents ni Carter para batiin at i'congrats din kami and also i'welcome ulit sa pamilya nila.

Lumapit na ulit ako sa asawa kong busy din sa mga bumabati sakanya. "Ito na ang pangalawang pinaka masayang araw sa lahat." Sabi niya pagka angkla ko ng kamay sa braso niya.

"Ano yung una?" Pagtataka. Kung may pangalawa syempre dapat may una.

"Nung makilala kita." He winked.

End of Flashback..

Biglang nag bukas ang pinto ng kwarto na dahilan para mawala ako sa alala ng wedding ko. I saw my handasome husband.

"Tulog na si Ellise?" Tanong ko. Siya kasi nag patulog sa baby girl namin eh. Yup, ang pinapangarap niyang babaeng anak ay nakamit niya kaya lang spoiled naman lagi sa Tita Claire niya. Mahilig talagang mang spoiled yung si Claire, pati nga nung buntis palang ako sa spoiled niya din ako eh at noong humilab ang tyan ko siya din ang kasama ko kasi nasa school nun si Carter. Akala ko nga noon hindi na maabutan ni Carter yung panganganak ko but thankfully naabutan naman niya.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon