Nag simula na cooking lesson ko with Claire dahil yun naman talaga ang pinunta niya dito, ayaw niya sana akong pakilusin dahil nga daw buntis ako. Pero di naman pwede yun dahil paano ako matututo kung di ako kikilos tsaka gusto matikman ni Carter yung pinag praktisan kong luto kaya di pwedeng hindi ako kumilos.
Sa totoo lang ang dali lang pala nang proseso ni'tong pancakes. Pag perfect nalang ang kailangan kong gawin.
Sa pag tapos ko namang mag luto, tikiman ang sunod naming ginawa. As we started to eat the pancakes that i made, it was.. uh.. good? I guess. Tumingin ako kay Claire at inalam kung kumusta sakanya yung lasa ng pancakes.
"Not bad for a first timer, sis." She compliments chewing. Oh thank god!
"Are you sure? Hindi mo ba sinasabi yan dahil lang buntis ako?" Paniniguro ko.
She laughed. "Elli nag sasabi ako ng totoo."
"Mmm.. thank you." I smiled.
"Since nabagit mo na rin naman ang tungkol sa pag bubuntis mo, paano mo sasabihin ang tungkol dyan kay Kuya?"
Hmm.. paano nga ba? Wala akong maisip, mas inaalala ko kasi ngayon yung magiging reaksyon niya pag nalaman niyang buntis ako eh.
"Hindi ko pa alam." Nakarinig kami ng doorbell kaya imbes ang paguusap tungkol sa kung paano ko ipa'alam kay Carter na buntis ako nabaling yung focus namin sa nag doorbell. Si Carter na ba yun? Bakit parang ang bilis naman ata niya?
"Ako na ang mag bubukas." Claire offered. Tumayo siya at nag lakad papuntang pinto. Dahil gusto kong salubingin si Carter, kung siya nga talaga yun, tumayo din ako at sumunod kay Claire.
Sa paglapit ko ng sa direksyon nila nakapasok na si Carter, tumingin siya sa direksyon ko.. yung tingin na namiss-kita kahit na magkasama lang naman kami kanina. Lumapit agad siya sa'kin at niyakap ako.
"Ang bilis mo naman atang nakauwi?" Pagtataka ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin. "Hinatid ko lang siya hanggang Airport, di ko na hinintay na makaalis yung flight niya ayaw niya din kasi na nandun ako kaya umuwi nalang ako after ko siyang maihatid."
"Mm.. i see." Paniguradong nasasaktan pa yun kaya ganun, di ko rin naman siya masisisi ang tagal kasi nila ni Carter kahit na naging on and off ang relasyon nila.
"Kumusta cooking lesson mo?" Tanong niya.
I smiled. "Hindi na natin kailangang mag pa'deliver ng kakain every morning." I proudly said.
Tumingin siya kay Claire na tila na intriga sa sinabi ko. "Marunong na siyang magluto ng pancakes." Claire informed him.
"Nasaan na? Patikim ako." Atat na sabi ni Carter.
"Nasa dining." Pagkasabi ko nun nag madali siyang pumunta sa dining area na akala mo bata na may nag hahantay sa chocolate sakanya dun.
"Sasabihin mo na ba?" Bulong sakin ni Claire pagkaalis ni Carter. I think tungkol sa pag bubuntis ko yung sinasabi niya.
"Mamaya na siguro."
"Ganito, aalis na 'ko para masabi mo na."
"Sige, pero paguwi mo wag mo munang ibalita 'to kela Tita ah. Hayaan mong si Carter ang gumawa." Knowing her kasi pag excited siya bigla bigla nalang lumalabas sa bibig niya yung kung ano mang dahilan kung bakit siya excited.
She laughed softly. "Alam ko, sinira ko na yung diskarte n'yo sa pagsabi kay Mama ng about sa pagpapakasal n'yo kaya di ko sisirain diskarte n'yo sa part na 'to."
I smiled. "Salamat."
"Welcome, mag papalam na muna 'ko kay Kuya." Sabay na kaming nag lakad papuntang dining area kung saan nakita namin si Carter na napaka takaw halos maubos na niya yung pancakes na niluto ko. Gutom lang ang peg niya.
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...