Forty

114K 2.7K 80
                                    

Nasa taxi na kami ngayon papunta sa bahay nila Carter. Ang byahe namin sa airplane na ata ang pinaka mahabang byahe sa lahat dahil hindi ko siya pinapansin. Sinusubukan niya kong kausapin pero dedma ako, ang init pa din kasi talaga ng ulo ko. Nagseselosa ako, sooobrang magseselos ako.

Lumipad ng milya milya yung ex niya para lang sa papers. Babae ako kaya alam kong hindi lang pag deliver ng papers na yun ang pakay niya kung bakit siya nandito. Ang mas worst ay baka kaya siya nandito ay hilingin niyang bumalik si Carter sakanya at baka di ko matangap na baka pumayag si Carter.

Ang tagal nila kumpara samin at kung iisipin mong mabuti ako nga ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay kumbaga ako lang naman ang nakisingit. Di na ko magugulat mamaya kung sasampalin ako ni Margaret dahil hiniwalayan siya ni Carter dahil sakin.

Haay! Habang papalapit na kaming makarating sa bahay nila, mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko.

Takip silim na ng makarating kami sa bahay nila Carter. Sabay kaming bumaba sa taxi nang makapag bayad siya ng fee. Nang makaalis yung taxi lumapit sakin si Carter at hinawakan ako sa kamay at hinalikan ito ng di inaalis ang tingin sakin.

"I love you Elli."

Tinangal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at niyakap siya sa bewang. "Wag mo kong iiwan ah." I whispered. Isipin palang naiiwan niya ko sobrang kumkirot na yung puso ko. Di ko kakayanin kapag iniwan niya ko at balikan ang ex niya.

"No! Never." He whispered back.

"Okay.." Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan siya sa mata. "I love you too Carter."

He smiles weakly. Hinalikan niya lang ako sa forehead tsaka kami pumasok ng bahay nila ng magkahawak kamay.

"Nandito na kami.." Carter said pagkapasok namin ng bahay. Dumiretso kami sa sala at dun nakita namin si Claire na nakaupo lang sa couch at nakatingin sa magazine. Nang makita niya kami tumakbo siya papalapit samin.

"Buti nandito na kayo, naiirita na ko dahil sa bwiset ko sa Margaret na yun dahil feeling at home biro mo naman sinabihan kong mag stay lag dito sa sala abat nag pumilit na pumasok sa kwarto ni Kuya, at tinaasan pa ko ng kilay ah. Kung wala lang dito si Mama naku kinalbo ko na yun." Mahinang sabi ni Claire pero nandun yung inis.

"Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Carter.

"Nasa kusina nag fefeeling at home at nag offer na tulungan si Mama na magluto." Sagot ni Claire.

"Pakitawag naman sabihin mo nandito na kami." Carter said.

"Okay." Tumingin sakin si Claire. "Ayos ka lang?" Tanong niya. Paano ako magiging ayos, maliban sa alam ko na maganda siya, marunong pa pala siyang magluto.

Tumango lang ako sakanya pero di siya convince kaya hinawakan niya ko sa magkabilang balikat.

"Matangkad lang siya kunti at marunong magluto yun lang lamang niya sayo, sa beauty naman mas maganda ka." Pagpapalakas niya ng loob.

I forced a smile. "Salamat." Bumeso lang siya sakin at naglakad na siya papunta sa kusina.

Naramdaman ko naman ang pag akbay sakin ni Carter at hinalikan ako sa pisnge. "Maupo muna tayo." He said.

"Okay." Pag sangayon ko.

Naglakad na kami papalalapit sa couch and we were about to seat nang marinig naming may tumawag kay Carter..

"Carter?" Sabay kaming tumingin sa direksyon ni Margaret. She's standing perfectly, not far from us. She's much beautiful sa personal at sexy din, tayo palang alam mo ng confident na sa sarili niyang beauty, unlike me. Talaga bang iniwan ni Carter ang ganyang kagandang babae para lang sakin?

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon