Nandito lang ako sa kwarto ko ngayon, hindi ko kasama si Carter dahil yung boyfriend ko busy kainuman ang mga kamaganak ko na biglang nagsi dagsaan ng malaman na nandito ako at may dala pang boyfriend.
Syempre yung boyfriend ko nakiijoin lang sakanila at surprisingly ang bilis nilang nakagaanan ng loob ang boyfriend ko. Machika din si Carter sakanila eh, malayong malayo kapag kasama niya sila Tita at Tito dati.. pero noon yun kasi ayos na sila ni Tita ngayon.
Ang kinakatakot ko lang ngayon dahil naglalasing siya baka kung ano anong kapilyuhan lumabas sa bibig niya. Nung huling beses pa naman na naglasing siya nasa pinto palang kami ng kwarto ni Claire eh hinahalikan na ko sa leeg.
Haay! Sana naman gumana ang kapilyuhan niya kapag lasing kapag kami nalang dalawa kasi ako kahit papaano sanay na sakanya eh.
Haay! Carter kahit ngayon lang nag behave ka!
Pero kung si Carter naman kanina ay busy sa pakikipag kwentuhan sa mga kamaganak ko, ako naman syempre busy kanina sa pagtuturo sakin ni Mama sa pagluluto. Tinutoo niya yung sinabi niyang tuturuan niya ko, lahat tinuro niya sakin, paghihiwa, pag gigisa, etc.
Katok mula sa labas ng kwarto ang bumasag sa pagiisip ko. "Ate?" Boses yung ni Lenard.
"Baby.." Boses din yun ni Carter na halatang lasing. Shit! Nagmadali akong buksan yung pinto dahil sa pagpapanick boses palang kasi halatang lasing na lasing si Carter.
Pag bukas ko ng pinto, akay akay lang ni Lenard si Carter. "Baby.." Carter said nang makita ako. Bumitaw siya sa pagaalalay sakanya ni Lenard at niyakap ako. "I love you baby." He murmured.
"Sige na ako ng bahala sakanya." Sabi ko kay Lenard tsaka ko sinara yung pinto bago pa makaisip gumawa ng moves si Carter at makita pa yun ni Lenard.
"Baby.." Carter murmured again, kissing my cheek.
"Matulog ka na." Inalalayan ko siya sa papalapit sa kama at ibinagsak ko siya dahil sa bigat niya.
"Baby.."
I slapped his legs. "Matulog ka na sabi eh." Hinubad ko na yung T-shirt niya para maging komportable siya sa pagtulog.
"I love you.."
I kissed his cheek. "I love you too." Finally natahimik din siya at tingin ko nakatulog na dahil may paghilik ng nagaganap. Thank god!
Tinabihan ko na siya since tulog naman na siya at kinumutan ko kaming dalawa tsaka ako yumakap sakanya at ipinikit ang mga mata ko para sabayan na siyang matulog.
Ako ang unang nagising samin ni Carter, malamang dahil nasobrahan siya sa paglalasing. Bumango ako sa kama dahil naisip kong ikuha na siya ng malamig na tubig bago pa siya magising dahil for sure yun ang una niyang hahanapin maliban sakin. Haha.
Lumabas ako ng kwarto ko habang humihikab pa, dumiretso ako ng kusina at naabutan ko na dun si Mama.
"Morning Ma." I greeted her, sleepy.
"Gising na boyfriend mo?" Tanong niya.
"Tulog pa po, lasing na lasing kagabi eh. Plano ko lang siyang kuhanan ng tubig." Pagkasabi ko nun dumiretso na ko at kumuha ng ice cube, kumuha din ako ng baso tsaka ko nilagay dun yun ice at nilagayan ng tubig.
"I see, alam mo ang sabi ng Papa mo may mga sinabi si Carter sakanila nung lasing siya." Shit!! Napatingin ako kay Mama ng gulat na gulat.
"A'ano po?" Nauutal kog sabi. Gosh! Sana naman hindi niya nabangit na may nangyari na samin.
"Carter told your father that he wanted to marry you."
"What?" I mouthed shockingly, relieved at the same time. So hindi pala tungkol sa may nangyari na samin kundi yung kagustuhan niyang pakasalan ako.
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...