Three..

214K 4.3K 135
                                    

Natapos ang Audition ni Claire nang nakapasa siya sa first screening so babalik pa siya for the second screening, ang dami talagang ka-ekekan ng mga model search buti nalang talaga nag photographer ako. Kung sabagay 'di rin naman ako papasa bilang model. Hindi na 'ko nabiglang makakapasa siya sa first screening kasi naman itsura palang kapasa pasa na, siya lang masyado siyang kabado.

Pabalik na kami ngayon sa bahay nila kasi nando'n ang kotse ko at nag request siyang do'n na 'ko matulog dahil wala siyang ibang kasama sa bahay kundi 'yong kapatid niya.

So wala na 'kong nagawa kasi paniguradong kukulitin niya pa din naman ako pag humindi ako.

Sabay kaming pumasok sa bahay nila kung saan nakita namin ang kapatid niyang si Carter na umiinum sa sala habang nanunuod ng Basketball, Miami vs. SPURS ang laban kaya medyo nagka-intrest ako dahil maliban sa hilig ko ang Basketball favorite team ko ang Miami Heat.

Kaya nakinuod ako ng kunti, nasa third quarter na 'yong game at lamang ang Spurs ng five points. Badtrip naman oh!

"Elli!" Tawag ni Claire na dahilan para tumingin sa direksyon ko si Carter at lumabas ang napaka hot na smirk sa labi niya. Bakit ba lagi nalang siya gwapo sa paningin ko? Madami na 'kong nakitang gwapo pero minsan pangit sila sa paningin ko pero itong mayabang na 'to, hindi. "ELLISON MAE TUAZON!" Claire called again.

"What?" I asked. She grabbed my hand straight to kitchen.

"Seriously girl? Makatitig ka sa kapatid ko wagas."

"Hindi nu! Nanunuod ako ng Basketball, alam mo namang favorite team ko 'yong naglalaro eh." Totoo naman eh, may halo nga lang kunting kasinungalingan.

"Ah talaga, eh parang tumutulo laway mo kanina eh."

"Grabe ka!"

"Elli, winarningan na kita tungkol sa kanya 'di ba? Magkagusto ka na sa lahat wag lang sa kanya baka masaktan ka lang."

"Wala akong gusto sa kapatid mo!" Pagmamatigas ko. Gwapo siya, pero gusto agad? No! No! Alam kong wala akong karapatang magpaka choosy kasi 'di naman ako maganda pero, hindi ko naman talaga siya gusto.

Siguro crush lang. Haha.

"Good. Ngayon, pumunta ka ng kwarto ko pumili ka ng pang tulog mo habang ako magluluto dahil alam kong wala kang talent sa pagluluto."

"Yah yah, ikaw na biniyayaan ng talents." I sarcastically said making her laughed. "Pa shower na din ah!" I added. Tumango lang siya.

Sinunod ko na 'yong sinabi niya. Pumunta ako ng kwarto niya, syempre 'di maiiwasang mapadaan sa sala kaya nakita ko na naman si Carter na akala mo walang kasama sa bahay dahil hindi manlang kami binati no'ng makarating kami.

Pag pasok ko ng kwarto ni Claire, naghanap na 'ko sa closet niya ng comfi para pang tulog ko at dahil magkaibang magkaiba kami ng taste sa damit wala akong mapili dahil puro pang sexy 'yong damit niya.

Pambihira naman 'tong kaibigan ko oh, wala manlang ba siyang jogging pants?

Okay no choice na 'ko, kinuha ko nalang 'yong maong short at T-shirt na may naka print na Boring is sexy. Kinuha ko na 'yong tuwalya niya 'tsaka lumabas ng kwarto niya pumunta ng bathroom.

Hindi naman na bago sa'kin ang kumilos sa bathroom nila dahil madaming beses na 'kong nakitulog dito, kulang na nga lang apunin na nila 'ko. Haha.

Natapos ako sa pag shower at palabas na 'ko ng bathroom nang makita ko si Carter na papasok ng kwarto niya kaya sinarado ko muna ulit 'yong pinto ng bathroom. Halos ganito kanina kami nagkakilala kaya ayaw ko ng maulit 'yon. Baka kung ano na namang kabaliwan ang gawin niya sa'kin.

Nag stay lang ako siguro ng mga isang minuto lang naman kasi for sure nakapasok na 'yon sa kwarto niya. Haay! Bakit ba kasi nasa labas ng kwarto nila 'yong bathroom?

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong sarado na 'yong pinto sa kwarto ni Carter kaya tuluyan na 'kong lumabas, dahan dahan kong sinara 'yong pinto 'yong tipong 'di niya maririnig.

"Wow fresh!" I froze as i heard Carter's voice. I saw him in the corner of my eye. Dahan dahan ko siyang tinignan, nakasandal siya sa pader at nakangisi na naman.

What the hell?

Tumingin siya sa'kin from head to toe. "Hmmm.. bagay pala sayo ang walang salamin eh."

Hindi ko na pinasin 'yong sinabi niya at nag patuloy nalang sa paglalakad palayo sa kanya pero bago pa 'ko makapasok ng kwarto ni Claire naramdaman ko ang pag hawak niya sa braso ko at pilit na pinaharap sa kanya 'tsaka isinandal sa pinto.

"Wait there, Nerdy."

"Ano bang kailangan---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya 'kong hinalikan sa labi.

Oh shit!

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon