Eighteen

154K 3.5K 37
                                    

Natapos ang dinner ko kasama si Vince at on the way na kami ngayon sa studio ko para ihatid niya ko. Ang saya nitong gabing to dahil ginagawa talaga niya ang lahat para makita daw ang maganda kong ngiti, siya nag sabi nun hindi ako.

Hindi yung mga korni jokes niya yung nakakatawa kundi yung mga pilit niyang pagpapatawa. Buti nalang talaga naging businessman siya at hindi comedian kasi siguradong di siya bebenta.

"Salamat sa pag hatid." Sabi ko pag kadating namin sa studio.

"Anything for you Ellison." Siya ang unang bumaba ng kotse, yun ang gusto niya para pag buksan niya ko ng pinto. Bumaba din naman agad ako at sinamahan niya ko sa paglalakad papunta sa kotse ko.

Bago ako sumakay ng kotse ko, humarap muna ko sakanya. "Salamat, i enjoyed this night."

"Welcome." Hinawakan niya yung mga kamay ko. "Ellison ayokong isipin mong nagmamadali ako, gusto kita Ellison kaya sana.. sana pumayag kang ligawan ko."

I blinked at him, shockingly. Did i just hear it right? He likes me? He wants to court me?

Hindi ako makapaniwalang nangyayari to, kung magkakataon siya palang ang nag sabi saking gusto akong ligawan.

Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi dahil sa choosy ako kaya di ko alam ang isasagot ko. Haler papakachoosy pa ba ko sa itsura kong to? Sadyang may Carter na playboy lang na gumugulo sa utak ko kaya ang hirap sagutin.

"Ellison?" He called, interrupting my thoughts. "Ayos ka lang? Hindi mo ba nagustuhan yung-"

"No, it's not what you think Vince." Pagsisingit ko. "I thank you for liking me, though hindi ko alam kung bakit mo ko nagustuhan. Hindi sa nagiging choosy ako, wala akong karapatang magpaka choosy dahil hindi bagay sakin yun. Sadyang hindi ko palang alam ang isasagot sayo, sa ngayon."

"I understand, hihintayin ko yung sagot mo." He sincerely said. I just smile weakly at him.

"Goodnight, Ellison." He kissed my cheek.

"Goodnight, Vince." I said waving my hand on him then sumakay na ko ng kotse ko pero kahit ganun hindi parin siya umaalis siguro hihintayin muna niya akong makaalis bago siya tuluyang umuwi.

Sinimulan ko na ang byahe, para makauwi na at makapag pahinga. Luckily, sarado ang shop bukas. Sa wakas makakapag pahinga ng mahaba haba.

Nang makarating ako ng condo, dumiretso na ko ng Unit ko pero bago pa ko makapasok, nakita ko si Carter na nag hihintay sa tapat ng pinto habang nakasandal at naka cross arms.

"Alis dyan, nakaharang ka sa pinto." Inis kong sabi pag kalapit ko sakanya. Iniangat niya yung ulo niya para tumingin sakin.

He stares at me blankly, i just stared back. Nakipag titigan ako sakanya at hindi ako bumitaw, hindi ko akalaing magagawa kong makipagtitigan sakanya.

"Ano bang problema, Elli?" Seryoso niyang tanong.

Hinawi ko siya pinto para mabuksan ko na ito. "Wala!"

"No, meron alam ko! Nagkakaganyan ka lang naman kapag may nasabi akong di mo nagustuhan, so please tell me."

"Pwede ba Carter, gusto ko ng mag pahinga!" Na buksan ko na yung pinto at dali dali na kong pumasok, i was to closed it pero pinigilan niya. "Ano ba? Di ka ba makaintindi na gusto ko ng mag pahinga?!!" Bulyaw ko.

"I'm sorry to whatever it is." He sincerely said.

Huminga ako ng malalim, ipinikit ang mga mata ko at inilagay ang mga kamay sa bewang ko. I open my eyes again and stared at his eyes. "Gusto mo talagang malaman ang problema? Sige, sasabihin ko sayo.." I paused.

"Gusto na kita Carter at hindi ko na gusto tong nararamdaman ko sayo dahil may girlfriend ka sa States. Nawala sa isip ko yun dahil.. ewan ko, siguro nga dahil nagugustuhan na kita at nagugustuhan ko na yung mga ginagawa natin. Until, para akong sinampal ng katotohanan kanina ng marinig kitang kausap mo siya sa cellphone mo."

I pointed my heart. "Ito ang problema Carter, itong nararamdaman ko sayo at lahat ng ginagawa natin. Gusto ko ng matigil yun at lalong lalo na tong nararamdaman ko sayo dahil alam kong masasaktan lang ako."

Humakbang siya ng isang step paabante sakin pero umtras ako. "No! Stop! Wag mo ng subukang lumapit sakin." Nawawala ako sa sarili ko pag nahahawakan at nahahalikan niya ko, kaya ngayon palang iiwasan ko na.

He sighed heavily. "Elli, I don't want to stop this." He seriously said, shaking his head.

"But i do. want. to stop this!" Pagdidiin ko.

I suddenly feel his hands on my both cheeks, pressing his lips to mine. Hindi ko hahayaang magtagal pa tong kiss na to, dahil masyadong malakas ang impact sakin nito.

I pushed him with all my strength and slapped him on his face. "Don't ever try to do that again!" I warned, angrily.

"Elli-"

"Carter, this is the last time na gagawin mo yun, understand?!!! Sa susunod na halikan mo ko ulit, sesante ka na!" I seriously said. I forced/pushed him para makalabas siya ng Unit ko tsaka ko padabog na sinara yung pinto.

I stared at my door, blankly. Hangang yung paningin ko ay tila nag b'blurd na at bigla kong naramdamang tumulo yung luha ko. Tsk. Bakit ko ba iniiyakan yung kumag na yun? Eh wala naman akong mapapala sakanya, kung ngayon pa nga lang nasasaktan na ko sakanya.. sigurado akong pati pag tumagal pa to. Tama lang na ihinto na to.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko habang pinupunasan yung mga luha ko, tinangal ko yung eyeglass ko at inilapag to sa sidetable. Then kinuha ko yung towel ko tsaka dumiretso sa bathroom para makapag shower. The whole time na kumikilos ako, tumutulo din yung mga luha ko. Nakailang punas na ko pero di epekto, maski nga sa pag sha'shower ko umiiyak padin ako.

Syete naman oh! Bakit ba kasi sa dami ng magugustuhan sa Playboy pa.

Lumabas ako ng bathroom ko at nag bihis ng Pajama ko, nag patuyo lang ako ng buhok tsaka ako humiga na ng kama ko. Nag taklob ng ng kumot at niyakap ang unan ko.

This is my first heartbreak! And this feel's... sucks!

Naramdaman ko ang bigat ng ulo ko sa pag gising ko, feeling ko din namamaga yung mga mata ko. Bumangon ako ng kama ko at pumunta sa harap ng salamin para makita ang itsura ko. Tama nga namamaga nga yung mga mata ko.

Umupo nalang ulit ako sa kama ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa pag upo, basta parang bigla nalang akong bumalik sa katinuan nang marinig kong mag ring yung cellphone ko.

Kinuha ko yun mula sa side table at tinignan kung sino yung tumatawag.. it's my best friend. Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan mo ng kaibigan pero.. anong sasabihin ko sakanya?

Hoy girl, brokenhearted ako.. gago kasi yung kapatid mo eh.

I answered it. "Hello?"

"Elli, sarado ngayon yung studio diba? Gala tayo!"

"I can't medyo masama pakiramdam ko."

"Bakit masama pakiramdam mo? Anong pinaggagagawa mo?" Umiyak!

"Over work, maybe." I lied.

I heard her sighed. "Okay, ipahinga mo nalang yan." Then i heard her talking with someone. "It's Elli, no, may sakit daw siya eh.. i don't know kayo magkasama lagi eh."

"Sino kausap mo?" Pagtataka ko.

"Si Kuya." She answered. Kuya! Wow! Tinawag na talaga niyang Kuya si Carter? Mukhang okay na okay na nga sila.

"Okay, ibaba ko na to."

"Sige, pahinga ka na." Pagkasabi niya nun, ibinaba ko na yung tawag. Tsaka ibinagsak yung katawan ko sa kama ko. Mukhang yung pagsisinungaling kong masama pakiramdam ko magkakatotoo pa.

--

Vote po. ★

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon