Nagising ako mula sa pagkakatulog at wala akong Carter na katabi. Siguro maaga na naman siyang gumising.
Bumangon nalang muna ako ng kama at nakita ko sa gilid ng kama yung T-shirt ni Carter kaya sinuot ko muna to, itinali pataas ang buhok ko tsaka ako lumabas ng kwarto.
Sa paglabas ko ng kwarto hinanap ko agad si Carter, hindi ko siya nakita sa sala kaya dumiretso ako ng dining area kung saan nandun siya at inaasikaso ang pinadeliver niyang breakfast namin. Hmm.. seseryosohin ko na talaga ang magaral magluto para di na siya mag padeliver at syempre ayaw ko lang talagang mag patalo kay Margaret.
"Good morning, baby." He greeted as he sees me.
"Good morning." I greeted back.
"Ang sexy mo dyan sa suot mo." Hindi na ko nabigla na sabihin niya yun dahil, kahit nga naka jeans ako lagi niya yang sinasabi ngayon pa kayang T-shirt niya lang suot ko.
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa bewang ko tsaka ako hinalikan sa labi. "Kain na tayo?" Tanong niya.
"Okay." Pagsangayon ko sakanya. Nasa bewang ko lang yung kamay niya, bilang pag alalay sakin sa paglalakad papalapit sa upuan.
"Kailan ka pa naging morning person?" Tanong ko pagkaupo namin.
"Simula ng malaman kong hindi pala marunong mag luto ang mahal ko." He jokes kaya siniko ko siya sa tagiliran. "Aww!" He mouthed at me.
"Maghintay ka lang matututo din akong mag luto."
Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito. "Hihintayin ko yun baby, sa ngayon kumain ka na muna dahil ihahatid pa kita sa studio. Sa ngayon hindi lang ako ang gwapo mong boyfriend, kundi magiging driver din." Mmm.. tama, starting kasi today hindi na siya ang assistant ko kundi si Louie na.
"Anong pagkakaabalahan mo habang wala pang pasukan?" Tanong ko tsaka nag simulang kainin yung pinadeliver niyang foods.
"Hindi ko pa alam, pero plano kong kausapin si Tito Robert na baka sakaling mabigyan niya ko ng Part time sa Travel Agency niya."
"Mmm.. i see."
"Sa ngayon, ako na muna ang gwapo mong boyfriend/driver."
I grinned, teasingly. "Ipagmamaneho mo lang ba talaga ako o babantayan lang sa studio para makasiguro kang hindi ako gagalawin ni Louie?"
"Yah part of it." I knew it! Haha.
"Wag ka na ngang masyadong mag alala dyan, walang gagawin sakin yun."
"Subukan niya lang talagang may gawin sayo, sisirain ko talaga mukha niya!"
I chuckled. "Kumain ka na nga lang dyan."
Sinabayan na niya kong kumain at pinagsaluhan namin ang pancakes na pinadeliver niya at coffee na tinimpla niya. And nang matapos kaming kumain Carter offered na siya na ang maglilinis ng pinagkainan namin at nag asikaso nalang daw ako sa pagpasok.
Sumunod nalang ako, bumalik ako ng kwarto ay kumuha ng towel tsaka pumasok ng bathroom.
Nang matapos naman akong maligo, nakita ko si Carter na nakaupo lang sa kama ko habang may tila malalim na iniisip. Ano kayang iniisip ng ugok na to?
Lumapit nalang muna ako sa closet ko at naghanap ng masusuot. "May problema ba?" Tanong ko habang naghahalukay ng damit.
"Wala naman, nagtext lang si Margaret at nagpapasamang mag Mall mamaya."
Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. Bakit siya magpapasama sa boyfriend? Bakit ba tinatanong ko pa yun? Eh halata namang ginagawa niya yun dahil plano niyang makipag balikan sa boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...