Forty Six

115K 2.6K 66
                                    

Hinintay ko lang dito sa kotse niya si Carter habang busy pa sila ni Louie sa pagsasara nung Studio.

Nang matapos naman sila sumakay agad si Carter ng driver seat at tumingin sakin. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng di inaalis ang tingin sakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Yung totoo, hindi. Medyo nasa utak ko pa yung paguusap namin ng ex mo at talaga namang apektado pa din ako."

"Akala ko ba naniniwala ka na sakin?"

"Oo naniniwala ako, bago lang kasi sakin ang lahat at.." Huminga ako ng malalim. "..pagod lang din siguro."

"Okay, umuwi na tayo para makapag pahinga ka na." He kissed my forehead.

Inistart niya lang yung makina ng kotse niya tsaka namin sinumalan ang tahimik na byahe. Tahimik dahil pareho kaming hindi nagsasalita. Pagod nga talaga ako dahil maski ang magsalita parang wala ako sa mood.

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko habang nasa byahe tutal base sa nakikita kong traffic, matatagalan kaming makarating ng Unit ko.

Naramdaman ko ang paghaplos sa pisnge ko na naging dahilan para magising ako.

I open my eyes and i saw my boyfriend. "Hi, we're here." He softly said.

"Hmm.." I just hummed, sleepy.

He smiled. "Gusto mong buhatin kita?"

"No." I said shaking my head.

He kissed forehead. "Pumunta na tayo ng Unit mo para maituloy mo na yung pagtulog mo." Tumango lang ako sakanya bilang sagot.

Sabay na kaming bumaba ng kotse niya. Sa pagbaba ko, hinintay ko siyang lumapit sakin at inakabayan ako. Humawak nalang din ako sa bewang niya tsaka namin sinimulang maglakad papuntang Elevator.

Pagsakay namin ng Elevator, tahimik lang ulit kami pero kahit ganun yung hobby niya na halikan ako sa ulo ay hindi nawala habang ako inieenjoy ang pagsandal sa balikat niya at pakingan ang malumanay na tibok ng puso niya. Then, biglang pumasok sa isip ko yung pag punta niya sa Travel Agency ni Tito Robert.

"Ano palang balita sa pagpunta mo sa Travel Agency?" Dahil sa mga nangyari ngayon pag biglaang pag punta ni Margaret sa Studio ko, nawala na sa isip ko yung tungkol sa part-time job na ibibigay sakanya ni Tito. Buti nalang bigla kong naisip.

"Ayos naman, by next week gusto na niyang magsimula ako."

"Mmm... i see." Kung ganun simula pala next week hindi ko na talaga siya makakasama lagi sa Studio. Dapat pala sanayan ko na sarili kong hindi na siya makikita dun ng madalas.

"You, okay?"

"Kanina lang namiss kita sa Studio ko tapos simula pala next week tuluyan na pala talaga kitang hindi makakasama dun."

He chuckled. "Magkakasama naman tayo sa Unit mo kaya bakit parang nalulungkot ka?"

"Nasanay lang siguro ako na buong araw tayo laging magkasama."

"Don't worry dahil susulitin natin ang pagsasama natin tuwing gabi." Pilyo niyang sabi.

"Haay! Kailan ka kaya hindi magsasabi ng kapilyuhan?"

"Pag sinasabi kong mahal kita, hindi kapilyuhan yun." I looked up at him, view ng perfect niyang jaw ang una kong natignan papunta sa makinis niyang cheek. Tama nga naman siya hindi nga naman kapilyuhan kapag sinasabi niyang mahal niya ko.

He looked down at me and smiled. "I love you baby."

I smiled back. "I love you too Carter, sooobra!"

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon