Thirty Seven

121K 2.7K 25
                                    

Nasa paliparan kami ngayon ni Carter.. nandito na kami sa Cebu at nag hihintay kami ng sundo.

Ngayon na kasi kami nabigyan ng pagkakataong makapunta, we decided na bumyahe ng friday para whole weekend nandito kami sa Cebu at masulit ang ilang araw na bakasyon.

Baka din kasi magtampo sila Mama kung sandali lang kami dun. Isang closed van ang huminto sa harap namin at bumaba mula sa loob sila Mama, Papa at ang pinsan kong si Lenard na sila Mama na din ang nagaalaga dahil maagang naulila sa magulang.

"Ellison!" Excited na bati sakin ni Mama kaya napangiti ako. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng sooooobrang higpit.

Bumitaw din naman agad si Mama sa pagkakayakap sakin at tumingin kay Carter mula ulo hangang paa. "Siya ba yung boyfriend mo, anak?" Tanong niya sakin habang nakatitig kay Carter na akala mo nakakita siya ng artista or ngayon lang nakakita ng tao. Grabe!! Ganun ba kagwapo si Carter para mapatitig ng ganyan si Mama? Kung sabagay gwapo nga naman kasi talaga si Carter.

"Opo siya nga po."

Yumakap din naman ako kay Papa at pabuhat niya kong niyakap. "Mabuti naman at nagka boyfriend ka na."

"Gwaping pa Ate ah, parang ako lang." Pagmamalaki ni Lenard.

I chuckled. "Sige push mo yan!"

"Magandang araw po Ma'am, Sir." Bati ni Carter sa magulang ko tsaka nag mano bilang pag galang.

"Carter po pala." Pagpapakilala niya.

"Okay, sumakay na tayo ng van para makauwi na at mag gagabi na din para makapag pahinga na silang dalawa." Mama said. Sumunod kami sa sinabi ni Mama at pumwesto sa kami sa likod ni Carter ng magkatabi. Hindi ko naman kinikitaan siya ng nerbyos na makita niya ang parents ko. I wonder why, samantalang ako nung malaman ni Tita na nagdidate kami medyo kinabahan ako kahit na matagal ko na silang kilala.

Pero itong si Carter mukhang walang ka kaba kaba sa katawan.

The whole time na nasa byahe kami si Mama makwento, chumichika lang siya about sa mga pinsan kong nagsiasawahan na. Kulang nalang sabihin niyang napagiwanan na ko.

Di naman ako nagmamadali eh, tsaka may Carter na ko. Hihi. Kasal nalang ang kulang.

Nang makarating kami ng bahay sa pagpasok namin di ko maiwasang mamiss dito.  Iba pa din pag nasa bahay ka talaga ng magulang mo, dumiretso kami sa sala pero sila Mama at Lenard dumiretso sa kusina para maghanda siguro ng kakainin.

"Baby.." Carter whispered.

"Bakit?" I asked looking at him.

"Ipilit mong sa same bedroom tayo ah." He whispered again. Siniko ko siya ng mahina sa tagiliran niya. Buti nalang di siya narinig nila Mama sa kapilyuhan niya. Gusto ko rin naman siyang makatabi kaya lang depende pa rin yun kilala Mama.

"Mabuti pa ipasok niyo muna sa kwarto mo yung gamit niyo habang naghahain ang Mama mo sa kusina." Papa said. So, anong ibig sabihin dun ni Papa same bedroom lang kami ni Carter? Oh wow! Wish granted agad si mokong.

"Opo." Sagot ko. Binuhat ni Carter yung dala naming bag at ako naman ang nag lead ng way papunta sa dati kong kwarto na for sure malinis na dahil bibisita nga kami.

Sa pagpasok ko ng kwarto ko, ibinagsak ko agad yung katawan ko sa kama dahil namiss ko dito. Si Carter naman pagkalapag niya nung bag namin sa sahig tumabi sakin pero siya nakaupo lang, kaya view ng likod niya ang kita ko.

"Happy?" I asked making him looked at me.

He grinned. "Yes." Ibinagsak din niya yung katawan niya sa kama kaya ang ginawa ko ay ginamit kong unan yung braso niya at niyakap ang braso ko sakanya.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon