Sixteen

180K 3.6K 78
                                    

Nasa tapat na kami ngayon ni Carter ng bahay nila, nasa loob lang kami ng kotse, kita sa labas na bukas pa ang mga ilaw nila at paniguradong gising pa yung mga tao, for sure pati si Claire.

Bago bumaba si Carter ng kotse binigyan muna niya ko ng matagal na halik sa labi tsaka tumingin sa mga mata ko at ngumisi ng pilyo. "Goodnight, Nerd."

I roll my eyes. "Bumaba ka na lang!" Pagtataray ko.

"Oh bat ang ang taray mo na naman?"

"Naiinis lang ako dahil pumayag akong may mangyari satin sa studio."

He laughed. "Ano naman? Gusto mo naman eh, enjoy ka pa nga eh." Ayokong lokohin ang sarili ko, totoong naenjoy ko talaga yun kaya lang kasi talaga nakakahiya eh. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, basta pag nahahalikan na niya ko parang nawawala na ko sa sarili.

"Tumahimik ka nga!" Irita kong sabi. He was about to kissed me again when we heard Claire's voice. Sabay kaming napatingin sa direksyon niya at bigla akong nakaramdam ng kaba, shocks buti nalang hindi kita sa labas ng kotse ko kung anong nangyayari dito kung hindi paniguradong lagot kami kay Claire.

Sabay kaming bumaba ni Carter ng kotse at nilapitan si Claire. "Bakit kanina pa kayo nasa loob ng kotse lang?" She asked both me and Carter.

"Uh.. may iniinstruct lang ako sakanya about sa gagawin namin bukas." Pagpapalusot ko.

"Bakit lumabas ka pa? Gabi na ah." Carter scolded her sister, making smile secretly. Kung mag salita na siya ngayon parang kapatid na talaga ah.

"Gusto ko lang makipag chikahan pa kunti kay Elli.." Hinawakan niya yung kamay ko at hinila papasok ng bahay nila. Nilingon ko sandali si Carter, nakangiti lang siya sakin.

Dumiretso kami ni Claire papunta sa kwarto niya at pagpasok na pag pasok namin sabay kaming umupo sa kama niya. "Ano bang pag chichikahan natin? Gabi na kailangan ko ng umuwi."

"Sandali lang to. Nawiwirduhan kasi ako kay Carter eh."

I raised my right eyebrow, confused. "Paanong weird?"

"Kung kumilos na kasi siya at mag salita tulad kanina parang Kuya na Kuya ang dating. Alam mo ba nung hinatid ako ni Carl kagabi dito sa bahay na pinagbantaan niya yung tao na wag akong sasaktan kundi hahuntingin niya. Never kong naimagine na gagawin niya yun, kasi parang wala naman kaming pakialamanan dito sa bahay eh. Kahit nga di siya umuwi nung isang araw di ko pinakialamanan eh."

I cleared my throat, remembering he was with me that night.

"Uh.. baka naman, gusto na niya lang talagang kayong mag kaayos." Ibig din siguro sabihin nun, ginagawa na ni Carter yung kondisyon ko sakanya. Marunong naman pala siyang tumupad eh.

"Bakit parang biglaan naman?" Pagtataka niya.

"Ewan ko." I said shrugging.

"Anyways.. nakita ko kagabi na binigay mo yung number mo kay Vince, tinawagan ka na ba niya?" Malisyosa niyang tanong.

"So hindi lang pala to tungkol sa wirdong kilos ni Carter, pati pala samin ni Vince."

She laughed. "Mag kwento ka na lang!"

"He texted me, actually i went to a dinner with him sa restaurant niya."

"Oh my God! I knew it he's into you."

"Mmm.. maybe, he actually called it a dinner date."

She claps her hands showing of her.. kilig? "Magkaka boyfriend ka na! Finally! And sa gwapong guy pa ha!" She teases.

"Boyfriend? Agad agad? Grabe siya." Tumayo na ko. "Uuwi na ko." I don't think na magiging boyfriend ko yun si Vince, he's a nice guy, yes. Gwapo, no question and also a gentleman, double check. Pero.. sa mga nangyayari samin ni Carter i don't think na mapupunta kami sa ganung relasyon. Lalo na't inaangkin ni Carter ang katawan ko. Urgh! I feel so liberated.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon