Nineteen

148K 3.3K 63
                                    

Two weeks after..

"Elli, naayos ko na lahat ng gamit para bukas sa preup pictorial natin sa Baguio. May kailangan ka pa ba? Kung wala, uuwi na ko." Carter said.

"Wala na sige, pwede ka ng umuwi, salamat." Tumango nalang siya sakin bilang pag papaalam.

It's been two weeks simula nung naisip kong patigilin siya sa pangungulit sakin, sa mga ginagawa namin. Dalawang linggo ng ang tratuhan lang namin sa isat isa ay boss to assistant and assistant to boss. Hindi kami nag uusap, maliban nalang kung para sa trabaho yun. Wala na rin kaming eye to eye contact, skin to skin or kung ano pa mang intimate na pwedeng gawin.

I'm completely avoiding him and he's doing the same.

Dapat masaya ako sa mga nangyayari dahil yun ang gusto ko at sinabi ko sakanya pero, ewan ko ba pero hindi talaga ako masaya. Itong nararamdaman ko parang lumalala ngayong nag iiwasan na kami.

"Ellison.." I heard Vince calling my name. Tumingin ako sakanya at yung cute na ngiti niya agad ang nakita ko. "Magsasara ka na ba o ipapakita mo muna sakin ang cute mong side kapag nag tatrabaho?" He said grinning.

I chuckled. "Cute ka dyan! Mag sasara na ko."

Vince is... well he's still him. Gentleman, sweet, and sincere as always. Two weeks na din simula ng sabihin niyang gusto niyang manligaw, two weeks ma ding wala pa din akong sagot. Hindi naman siya nag tatanong ulit tungkol dun kaya di ko rin sinasagot.

Pero kung sakaling tanungin niya ulit yun, baka hindi ko parin alam ang isasagot ko sakanya.

So far, gusto ko ang friendship namin.

Tinulungan ako ni Vince sa pag sasara, siya na lagi ang tumutulong sakin sa pag sasara kasi nga nag iiwasan kami ni Carter.

Nang makapag sara kami, dumiretso naman kaming sumakay sa kotse niya.

"Anong gusto mong kainin ngayon?" Tanong niya.

"I honestly don't know."

"Gusto mong sa ibang restaurant naman?"

"Nalulugi na ba yung restaurant mo dahil lagi mo kong pinapakain dun?" I joke.

He laughed. "No, simula nung kumain ka dun naging malakas ang kita ko. Baka lang kasi nag sasawa ka na sa pagkain dun."

"Okay, let's try sa ibang restaurant. But this time, my treat!"

"No!" He snapped, shaking his head. "Ako ang lalake kaya ako ang mag babayad."

I grin. "Ngayon lang naman, para lang alam mo yung lasa ng libre."

He laughed again. "Sige na nga."

Sinimulan na namin ang byahe pag katapos masettle kung saan kami kakain. Saan nga ba kami kakain? Basta sa ibang restaurant.

Habang nasa byahe kami, narinig kong nag ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun sa bag at tinignan kung sino yung tumatawag. It's Claire..

"Hello?" I answered it.

"Elli, pumunta ka ngayon sa bahay birthday ni Kuya." What? Birthday ni Carter? Bakit di niya binangit? Bakit nga naman niya babangitin eh, di naman kami nag uusap maliban nalang kung tungkol yun sa trabaho.

Pero kahit ganun sana sinabi manlang niya, or pwedeng kaya di niya sinabi dahil di niya ako iniimbita. Pwede ring, talagang dahil nag iiwasan kami kay di niya sinabi. Tingin ko, di magandang pumunta ako.

"Hindi ako pwede eh, paki sabi nalang happy birthday."

"Bakit naman?"

"Uh.. mag didinner kami ngayon ni Vince."

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon