Fifty Three

114K 2.6K 107
                                    

Papunta na kami sa bahay nila Carter para ipa'alam na namin sa pamilya niya ang tungkol sa pag bubuntis ko. Natapos ang check up namin sa doctor na may ngiti sa labi ni Carter hindi dahil sa result kasi kahapon pa yung pag sasaya niya na yun. Sobrang laki ng ngiti sa labi niya dahil good to go pa daw siya sa making love namin. Ganun siya kasaya.

Hindi lang din ang plano namin ni Carter ang ipa'alam sa pamilya niya ang tungkol sa pag bubuntis ko, plano na din namin silang kausapin tungkol sa pamamanhikan dahil yun na ang gusto ni Mama.

Sana lang masettled agad ng maayos kasi naman gusto ko ng mag pahinga, matulog sa kama ko at humiga sa bisig ni Carter.

"Napagod ka ba sa byahe baby?" Carter asked nang makapark kami sa tapat ng bahay nila.

"No." I said shaking my head.

"Sige, mabuti pa pumasok na tayo." Una siyang bumaba ng kotse para pa gentleman na pag buksan ako ng pinto.

Sa pagbaba ko naman ng kotse, nasa bewang ko lang yung kamay ni Carter para alalayan maglakad papasok ng bahay nila.

Sa pag pasok namin, inilibot namin ang tingin sa paligid ng sala pero wala kaming nakita.

"Baby, pahinga ka nalang muna dito sa sala tatawagin ko lang sila Mama." Utos ni Carter habang pinapaupo ako sa couch.

"Di ba kita pwedeng samahan?"

He smiles. "Baby, i want you and our baby to rest, so stay here, okay?" Tss.. parang sasama lang eh.

Hinalikan muna niya 'ko sa forehead bago siya tuluyang pumunta sa kusina siguro. Ako naman nandito lang nakaupo hanggang sa marinig ko ang boses ni Claire nang makita niya 'kong seating pretty dito sa sala nila.

Tumakbo siya papalapit sa'kin na akala mo di kami mag kasama kahapon. "Bakit nandito ka mag isa?" Pagtataka niya.

"Ayaw ata akong pagurin ng Kuya mo kay mas gustong nandito lang ako."

"Mas gusto ata ni Kuya na sa kama ka lang pagurin." She jokes.

"Ewan ko sayo Claire!"

She laughed. "Plano niyo ng sabihin kela Mama ang about sa pamangkin ko?"

"Yah, yun ang plano sana naman di mo pa sinisira." I joke.

"Grabe ka!" Pag aangal niya.

"Ladies.." We heard Carter voice, sabay kaming tumingin sakanya ni Claire. Nag lalakad lang siya papalapit samin. Sa pag lapit niya, pumwesto siya harap ko at lumuhod.

"Baby gusto mo ba munang mag pahinga sa kwarto ko habang nag luluto pa si Mama?" Carter asked.

"Di naman ako pagod kaya ayos lang na dito muna tayo."

He pouts. "Pero ako pagod."

"Asus, Kuya pumaparaan ka lang eh." Pag sisingit ni Claire sa usapan namin na nag patawa sa'kin. Pareho pala kami ng iniisip ni Claire sa kapatid niya.

"Sige na, papahinga na tayo sa kwarto mo parang gusto ko ding matulog eh." Panggagatong ko sa kapilyuhang iniisip ni Carter, yung totoo gusto ko rin naman na siyang makatabi eh.

Inalalayan na 'ko ni Carter na tumayo para makaakyat na kami sa kwarto niya. Nag paalam lang kami sandali kay Claire na nakangisi lang ng makahulugan samin.

Nasa bewang ko lang yung kamay ni Carter habang paakyat kami ng kwarto niya at sa pag pasok namin, humiga agad ako ng kama na akala mo pagod na pagod ako. Siguro ganito lang talaga pag buntis, parang pagod ka pero di naman. Masarap lang din humilata kaso yung boyfriend ko di pa ko tinatabihan. Akala ko pa naman maeenjoy ko na bisig niya.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon