Thirty

146K 2.9K 44
                                    

Nasa Studio ako ngayon, si Carter naman wala. Kasi inutusan ko siyang ipadala yung prenup photos na kinuhanan namin noon sa Baguio para sa dati kong schoolmate, kaya alone ako ngayon dito sa Studio.

Dahil wala naman akong walk in clients at gagawin, nag social media nalang muna ako.

As i open my account, there's a lot of Notifications and five friend requests. Tinignan ko yung mga nag friend request sakin at di ko maiwasang mapangiti na isa si Carter dun na ang profile picture ay, picture namin together kagabi na  kinuhanan niya sa kwarto niya nung nag clubbing kami para sa celebration ni Claire. The last time na nakita ko yung account niya siya and yung Margaret pa yung profile pic niya ngayon kami na. Haha!

Ang sweet talaga ng boyfriend ko.

Syempre, inaaccept ko na yung friend request niya at ganun din naman yung iba, isa na dun si Vince. Yup, he added me to.

"Baby.." I heard Carter yelled, almost echoing inside the studio.

Tumingin ako sa direksyon at tumayo na para lapitan siya. Bigla niya kong niyakap pag kapalapit ko na akala mo isang taon niya kong hindi nakita.

"Namiss kita baby."

"Grabe ka naman, isang oras ka lang ata nawala na miss mo agad ako?" Natatawa kong sabi.

"Mm..hmm!" He hummed saying yes. "It feels like, years." He added.

I giggled. "Okay," Bumitaw na ko sa pag kakayakap sakanya at hinawakan siya sa mag kabilang pisnge na may halong pang gigigil. Hinalikan ko mun siya ng mabilis sa labi niya tsaka nag salita. "Back to work now, Carter."

He chuckled. "Yes, Ma'am."

Gustuhin man namin o hindi, kailangan naming maging professional ngayon dahil nasa trabaho kami.

Pagkasabi ko nun nag kanya kanya na kaming balik ng desk namin.

Nang matapos ang working hour...

Hinayaan ko lang si Carter ang magsara ng Studio, ayaw din naman niya ko patulungin kaya ang ginawa ko nalang nag hintay sa tabi ng kotse niya at panuorin siya sa pagsasara.

Nang matapos siya sa pagsasara, nag lakad na siya papalapit sakin.

Inilagay niya ang mga kamay ko sa bewang ko. "Anong gusto mong kainin ngayon?" Tanong niya.

"Mmm.. ano kaya kung mag take out nalang tayo ng foods at sa Unit natin kainin?" I suggest.

"Okay, yun nalang." He touches my both cheeks and kisses my forehead.

Pagkatapos niya kong halikan sa noo hinawakan na niya ko sa kamay at nag lakad kami papunta sa passenger seat at inilalayan niya kong sumakay.

Pagkasakay ko, siya naman ang sumakay sa driving seat. Tahimik lang kami habang nasa byahe, buti nalang at naalala kong may pinakiusap pala sakin si Claire kaya may mapag uusapan kami.

"Carter.." i called him.

"Hmmm?" He just hummed.

"Uh.. ayos lang bang mag tanong about sainyo ng Mama mo?"

Tumingin siya sandali sakin at ibinaling din naman agad ang tingin sa kalsada. "Ayos lang."

Ayos lang ba talaga? Pero parang hindi eh, kasi naman ang seryoso ng mukha niya.

"Ayos lang naman kung wag muna, naiintindihan ko naman."

"Mag tatanong ka din soon, kaya ngayon mo nalang itanong kasi baka pag ipinagpaliban pa to baka tamarin na kong sumagot."

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon