Forty Seven

114K 2.4K 33
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog at as expected wala sa tabi ko yung boyfriend ko na paniguradong nag padeliver na naman ng breakfast namin. Kailangan ko na talagang bilisang mag aral sa pagluluto para di na niya kailangan gawin yun, lalo na ngayon dahil niyaya na niya kong magpakasal.

Napangiti ako ngayong naalala ko ang pagyaya niya saking magpakasal. Hindi yun romantic kung iisipin dahil minumolestya niya ko nun- i mean, nasa uh.. pagsisimula kami nun ng making love namin tsaka siya nag proposed. Haha! Ibang klase talaga siya. Pero kahit ganun ang importante sakin niyaya na niya kong magpakasal, wala pa nga lang singsing.

Hmm..

Bumangon na ko ng kama at sinuot ang nakita kong damit sa dulo ng kama, T-shirt niya to kaya medyo malaki sakin.

Kamay ko lang ang ginamit kong panuklay sa buhok ko tsaka ako lumabas ng kwarto para puntahan si Carter sa dining area dahil di ko naman siya nakita sa sala.

Pagdating ko dun, nag crossarms ako at pinanuod siyang nagtitimpla ng coffee para samin habang nag hu'hummed sa di ko malamang kanta. Meron na ding pancakes na nasa plate at may nakatabi na ditong dalawang tinidor.

Nang matapos siya sa pagtitimpla, finally napansin na niya ko. "Good morning." Pagbati ko sakanya nang magtama ang aming mga mata.

He pouts. "Baby, bakit ka na bumangon agad? Plano ko pa namang mag breakfast in bed tayo."

I chuckled. "Too late for that Carter nakabangon na ko. Tsaka nilalamig ako sa kama dahil wala ka."

"Gusto mo ng yakap?" I open my arms and nodded to him saying yes. Naglakad siya papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Ibinalik ko lang yung yakap niya at nag pasimpleng halik sa chest niya.

"Nilalamig ka pa?" Tanong niya.

I giggled. "Hindi na."

"Good, kasi ako nakakaramdam na ng init sa paghalik sa dibdib ko." Haay! Heto na naman kami. Haha!

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. "Kain na tayo? Nagugutom na ko eh." Pagiiwas ko ng topic, baka kasi makaisip na naman siya ng kapilyuhan eh.

He grinned. "Okay." Hinawakan niya ko sa kamay tsaka kami naglakad papalapit sa silya at umupo kaming magkatabi.

Una kong tinikman yung coffee pangpainit ng sikmura then yung napaka sarap na pancakes. Sa pag papatuloy naming kumain, i noticed na pakunti kunti lag ang kinakain ni Carter.

"Diet ka?" I asked chewing.

He shakes his head, grinning. "No."

"Eh bakit ang kunti mong kumain?"

"Kasi naman parang bitin pa sayo yung kinakain natin."

I pout. "Grabe ka!" Parang sinasabi niyang ang takaw ko, kung sabagay ang dami ko nga namang nakakain ngayon. Bigla tuloy akong nahiya and nasense niya yun.

"Don't mind me baby, kain ka lang." Okay, sabi niya kain lang.. edi kain lang.

"Sige, pero damihan mo din ang pagkain mo." Tumango lang siya bilang sagot.

Sinimulan na ulit namin ang kumain, kung kanina medyo madami akong nakakain ngayon pakunti kunti nalang para naman makakain din si Carter.

Nang matapos kaming dalawa sa pagkain namin, Carter offered na siya na ang maghuhugas pero tinangihan ko na kasi siya kahapon ang naghugas kaya ako naman. So, habang naghuhugas ako siya naman nag shower na. Hindi rin naman nag tagal natapos ako sa paghuhugas dahil kunti lang naman yun.

Pumasok na ko ng kwarto ko at humiga muna ng kama habang hinihintay matapos si Carter sa pagligo niya.

Heto na naman ako, nakakaramdam ng katamaran palibhasa nakahiga. Tsk!

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon