INIP..
Yan ang nararamdaman ko ngayon dahil until now wala pa din ang boyfriend ko mula sa paghahanap niya sa naliligaw niyang ex.
Yung totoo naiinis ako, nawala nga yung antok ko eh. Sinong hindi maiinis kung yung jowa mo pinuntahan ang ex niya, lahat naman siguro maiinis dun. Alam kong kailangan siya ni Margaret pero.. hindi ba siya marunong mag tanong ng way? Hindi ba ginagawa sa States ang magtanong ng direksyon?
Urgh! Bakit ba kasi wala pa siya? Lagpas na lunch gutom na ko at Oo sisisihin ko siya sa hindi ko pa pagkain ngayon!!
"Elli.." I heard Claire's voice. Oh! Anong ginagawa ng best friend ko dito?
Tumingin lang ako sa direksyon niya. "Yun na ba yung bago mong assistant?" Mahina niyang tanong, yung tipong kami lang makakarinig.
"Oo." Walang gana kong sabi.
"Mukhang bad mood ka ah." She comments.
"Oo, ganun na nga."
"Nagaway kayo ni Kuya?" Kumuha siya ng silya at umupo sa tabi ko.
"Mag aaway pa lang." Pagtatama ko.
"Bakit?"
"Alam mo ba kung nasaan si Margaret?"
She rolled her eyes. "Wala akong pakialam kung saan man sumuksok yung bruhang yun."
"Well, kasi yung Kuya mo.. hinahanap ngayon kung saan man sumusok yung bruhang sinasabi mo."
"Whaaaat?!!" Gulat niyang sabi. "Bakit ka pumayag?"
"Naligaw daw kasi si Margaret habang papunta ng Mall."
"At naniwala naman kayo? Ang tanda na niya para maligaw, hindi ba siya marunong magtanong ng direksyon? Ang arte arte niyang magsalita ng english, bakit di niya gamitin yun at sabihin.. Hey im lost, can you help me find a way to Mall?" May pa accent pa siyang tono sa pagsabi niya ng Hey im lost, can you help me find a way to Mall? Kaya di ko maiwasang matawa, mas galit pa siya sakin eh.
"Kalma!" I said laughing softly. "Alam mo, buti nalang dumating ka medyo gumanda ng very light ang mood ko." I added.
"Naku maniwala ka babalik yang bad mood pag nakita mo si Kuya."
"Siguro nga, ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Well, plano ko sanang ipa alam na sa Thursday na yung Airing nung show 8pm, baka gusto niyong manuod."
"Oh-wow! Oo naman manunuod ako, saan mo ba kami gusto manuod sainyo-" Napahinto ako nang maalala kong nandun pala si Margaret tumutuloy sakanila.
"Sa Unit ko nalang siguro ako manunuod." She just nodded and agreed.
"Baby.." We heard Carter's voice, almost echoing inside the Studio. Nakahinga ako ng maluwag dahil finally narinig ko na yung boses niya. Naglakad siya papalapit samin, bumeso siya Claire habang sakin humalik siya sa labi.
"Nasaan na yung ex mo Kuya, nahanap mo ba?"
"Oo, hinatid ko na siya sa bahay." Tumingin sakin si Carter, yung tingin niya parang may gusto siyang sabihin pero syempre di niya magagawa yun dahil nandito si Claire at nasa Studio kami.
"Mukhang may paguusapan kayo, kaya aalis na muna ako." Bumeso lang siya sakin tsaka tuluyan ng nagpaalam samin.
Umupo si Carter kung saan nakaupo kanina si Claire at ang seryoso ng mukha niya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"She.." He paused, breathing in. "..kissed me."
"She what?!!" I almost yelled, shockingly. "Why did you let her kiss you?!"
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
DragosteI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...
