Nakaupo ako ngayon sa silya ko habang hinihintay si Carter na kinukuhanan ako ng tubig. Until now medyo shaky padin ako sa ginawa ni Macky, wala kasi sa awra niya na gagawa siya ng ganung kalokohan.
Haay, ngayong wala na siya paano na 'tong shop ko ngayon? Wala na 'kong assistant, may kliyente pa naman kami sa makalawa. Di lang pala pangbabastos ang problema niyang binigay sa'kin kundi pati sa trabaho.
"Eto tubig, inumin mo." Sabi ni Carter habang inaabot sakin yung tubig. Kinuha ko yun at sinimulang inumin.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Mabuti na kesa kanina." Sabi ko habang nakayuko. Hinawakan niya ko sa chin at pilit na pinatingin sakanya. Tinignan niya yung parte na nasampal ni Macky.
"Buti di ka nagkapasa." Buti nalang talaga.
"Salamat pala sa tulong mo kanina, kung di ka bumalik baka kung ano ng ginawa ng lokong yun sa'kin."
"Wala yun." Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ako kamay. "Gusto mo bang ihatid na kita?" Seryoso niyang tanong. Kung di ko siya kilala bilang playboy baka isipin kong nice guy siya, kasi naman simula nung nangyari kanina wala pa siyang kapilyuhang sinasabi. Siguro talagang minsan inilulugar niya yung pagiging playboy niya.
"Sige, salamat." Tumayo siya at inalalayan naman ako sa pag tayo. Inilagay niya sa likod ng bewang ko yung kamay para siguro alalayan din ako sa paglalakad.
"Kaya ko ng mag lakad, wag mo na 'kong alalayan."
"Are you sure?"
"Yes."
Si Carter nag asikaso sa pagsasara ng shop, gustuhin ko mang tumulong hindi naman siya pumayag ang sabi niya kaya na daw niya yun at tumayo nalang daw ako at ituro kung anong mga gagawin niya.
Nang matapos siya sa pag sasara, nag lakad na kami papunta sa kotse ko. May dala siyang kotse pero he decided na kotse ko nalang ang gamitin since ihahatid niya ko sa Unit ko.
Sinimulan namin ang byahe ng tahimik, wala ako sa mood mag salita. Kung napunta ka na sa sitwasyon ko siguro maiintindihan mo 'ko kung bakit ako tahimik. Nagkakausap lang kami kapag tinatanong niya yung direction papunta sa Unit ko after nun, tahimik na ulit.
Nakarating kami sa Condominium, at nag paka feeling gentleman siyang pag buksan ako ng pinto sa kotse. Marunong naman pala siyang maging gentleman eh, bakit di niya dalasan to?
Dumiretso kami ni Carter sa unit ko, kung kanina pinakingan niya yung sinabi kong wag na 'kong alalayan sa pag lalakad ngayon di niya pinakingan yun. Nasa bewang ko lang yung kamay niya, pero dahil parang ang nice ng kinikilos niya hinayaan ko na.
"Nice place." Sabi niya habang pinapalibot ang tingin sa Unit ko.
"Thanks." Walang gana kong sabi. Umupo nalang ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan nito.
"Kanina ka pa tahimik, ayos ka na ba talaga?" Tanong niya.
"Oo medyo, hindi naman madaling mabubura yung ginawa ni Macky eh kaya di ko maiwasang isipin. Feeling ko nga nararamdaman ko padin yung pilit niyang pag halik sa'kin."
Pumwesto siya sa harap ko, yumuko siya sa'kin at inilagay yung mga kamay sa sandalan ng sofa. "Buburahin ko yun para sayo." Pagkasabi niya nun, bigla niya kong hinalikan. Pero iba 'tong halik na 'to, ito ang unang beses na hinalikan niya 'ko wala masyadong uh.. paano ba? Di ko maexplain. Walang lustful feelings, parang ganun. It's more on sweet and gentle.
I kiss him back, meron kasi talaga sa labi niya na paniguradong mapapa respond ka at suklian yung halik niya.
And tingin ko dahil sa pag respond ko sa halik niya unti unti na siyang nadala. He deepen our kiss, his tongue playing softly in my mouth, moaning. But suddenly he stops the kiss and stared at my eyes. "Let's stop, if i continue this baka ihiga na naman kita sa kama. Ayaw kong gawin yun ngayon dahil sa nangyari kanina."
"Oh! Uh-" I don't know what to say. Ayaw niyang gawin ngayon? So may plano siya gawin next time? Oh Gosh!
I cleared my throat. "Sige, umuwi ka na. Salamat sa pag hatid at.. pagalalay."
He smirked. "Elli, tingin mo talaga uuwi ako? No I'll stay here with you."
"Ano namang gagawin mo dito?"
"Mmm.. matutulog, babantayan ka."
"Bakit mo ko babantayan?"
"Baka pumunta dito yung gago mong assistant, mahirap na."
"Uh.. tingin mo gagawin niya yun?" Pagtataka ko.
"Ewan ko, malay mo!"
I sighed. Sana naman hindi, binigyan na nga niya 'ko ng problema dahil wala na 'kong assistant eh. Sana naman wag na niya 'kong guluhin, pasalamat pa nga siya at di ko na ipinaalam sa pulis yung kalokohan niya eh.
Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang isa niyang kamay sa legs ko. "Anong iniisip mo?"
"May client ako sa makalawa at wala na kong assistant ngayon."
"Hire a new one."
"Sana ganun lang kadali, sa makalawa na yun, mahirap humanap ng assistant ngayon."
"Ako! I'm a job seeker and may alam ako kunti sa photography."
Tumingin ako sakanya ng gulat na gulat. "Ikaw magiging assistant ko?"
"Oo, ayaw mo nun? Inspired ka na laging pumasok dahil may gwapo kang assistant." Pagmamalaki niya.
"Hindi ko kailangan ng gwapong assistant, kailangan ko ng matinong assistant!" Gosh! Iniimagine ko palang na siya ang assistant ko siguradong magiging sakit siya sa ulo baka hindi puro trabaho ang ifocus niya kundi ang lumandi sa'kin.
"Matino naman ako ah." I make a not-convinced face. "Hey Hey, i know im too hot to be assistant, but when it comes to work.. work lang nothing more. Pero pag break time, iba na yun so expect.. more and pag uwian time.. much more."
My mouth fell. Grabe siya sa pagkahonest ah. "No, i won't hire you!" Lalo pa sa mga sinabi niya, tingin ba niya kukunin ko siya? Kung nasa totoong job interview siya paniguradong bagsak siya.
"Okay, ikaw din.. kulang ka na sa oras para humanap ng assistant. Baka mawalan ka pa ng kliyente."
I hate to admit this but, damn it! He's right!
"Okay, iha'hire kita pero may mga kondisyon!"
He smiled widely. "Sige ano yun?"
"First, wag mo 'kong guguluhin habang nasa studio tayo lalong lalo na pag nag tatrabaho ako."
"Except break time?"
"Kasama ang break time or uwian time!" I snapped. He was about to complained pero pinigilan ko agad.
"Second, makipag ayos ka kay Claire." Okay, malayo yun sa work pero malay mo pumayag. Gusto ko kasi silang mag kaayos eh.
Mukhang di niya bet yung isa kong kondisyon base sa kunot noo niyang reaksyon.
Huminga siya ng malalim. "Sige susundin ko yung second condition mo at susubukan kong maging nice kay Claire pero, sa kondisyon na wala na yung first condition mo."
"H'Ha?" Bakit parang biglang naging pabor pa sakanya lahat?
He smirked. "Ano? Deal na ba tayo sa usapan? Assistant mo na ba 'ko?"
"Teka parang lugi ako eh."
"Okay.." He stands. "Wag nalang."
"Teka, sure kang makikipag ayos ka kay Claire?"
"Susubukan ko, hindi naman magiging madali yun nu." Kung sabagay di nga naman agad agad na magkakasundo sila, step by step siguro.
"Okay.. fine sige, payag na ko. You're hired."
--
Please vote. 😘
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...