Thirty Six

129K 2.9K 51
                                    

Nang matapos akong mag shower. Palabas palang ako ng bathroom, sakto din ang pag labas ni Claire sa kwarto niya na kagigising lang.

"Morning, Elli." She greeted.

"Good morning." I greeted back.

"Nag enjoy ka ba?"

"Ha?" I asked confused.

"Nag enjoy ba kayo ni Kuya?" She teases.

I rolled my eyes. "Puntahan mo nalang boyfriend mo sa sala!" Pagkasabi ko nun nag lakad na ko papasok ng kwarto ni Carter at iniwan na siyang tumatawa. Magkapatid talaga silang dalawa.

Sa pag pasok ko nakita ko si Carter na nakaupo lang sa side table niya habang nakaharap sa laptop niya. Di ko na muna siya inistorbo baka kasi matagalan pa ko sa pag asikaso sa pagpapatuyo ng buhok ko.

Umupo ako sa gilid ng kama habang pinupunasan yung buhok ko. Naramdaman ko ang pagtingin sakin ni Carter habang nagpupunas ako ng buhok kaya napatingin ako sakanya.

Nakatitig lang siya sakin na akala mo ngayon lang ako nakita. "What?" I asked.

He shakes his head. "I just love staring at you."

I smiled. "Tumigil ka na nga sa pagpapakilig Carter, kota ka na!"

He grins. Tumayo siya at naglakad papalapit sakin. He bends down his face and kisses my lips, softly.

"Hihintayin nalang kita sa sala."

"Okay." I agreed. Pinanuod ko lang siya hangang sa makalabas siya ng kwarto niya. Pinag patuloy ko nalang ang pagpupunas ko ng buhok na inabot ng ilang minuto dahil wala namang blower dito, dapat pala nanghiram ako kay Claire. Bakit ba di ko naisip yun kanina?

Nang matapos naman ako sa pag pagpapatuyo ng buhok. Sinuot ko lang yung eyeglass ko tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa sala kasi dun daw ako hihintayin ng boyfriend ko.

Pag dating ko dun, nakita kong kasama at kakwentuhan ni Carter si Claire at Carl. Umupo din naman agad ako sa tabi ni Carter.

Umakbay naman siya agad sakin at hinalikan ako sa ulo. "Anong pinaguusapan niyo?" Tanong ko.

"Yung taping mamaya ng show, bigla kasi akong kinabahan eh." Sagot ni Claire.

"Keri mo yan, ikaw pa ba?"

She chuckled. "Sinasabi mo ba yan bilang kaibigan o bilang sister in-law?"

"Bilang kaibigan!" I cleared. Haay! Baliw talaga tong si Claire, ipush daw ba yan? Kung magiging sister in-law nga niya ako paniguradong matagal pa yun dahil mag aaral pa si Carter.

"Guys.." We heard Tita called. Sabay sabay kaming tumingin sa direksyon niya. "Kakain na."

Naunang tumayo si Carl at Claire, nung plano kong tumayo bigla akong hinila ni Carter paupo kaya napatingin ako sakanya. Problema nito?

"Bakit?" Tanong ko. Tumingin lang siya sandali sa kela Tita, Claire at Carl na papunta na sa dining area samantalang kami nandito pa sa sala.

"Pwede ba kong humingin ng favor?" Seryoso niyang tanong.

"Oo naman pwedeng pwede, ano ba yun?"

"Uh.. gusto ko sanang yayain mag lunch si Mama mamaya pero nahihiya akong magsabi, ayos lang bang ikaw ang magyaya para sakin?"

"You mean ako ang magyayaya kay Tita na magla'lunch kayo?" Tanong ko.

"Uh.. sabihin mo tayong tatlo ang magla'lunch."

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon