Forty Eight

112K 2.5K 73
                                    

Papunta na kami ngayon ni Carter sa bahay nila para nga iparating sakanila ang plano naming magpakasal. Nakaka kaba at nakaka excite at the same time. Nakakaba dahil iniisip ko palang na sinasabi na namin sila tila ako titiklop. Nakaka excite naman dahil, iniisip ko na yung magiging reaksyon ng best friend ko at soon magiging sister in-law ko.

Ha! Sinong mag aakalang magiging sister in-law ko pala siya. Tadhana nga naman oh!

Nang makarating kami sa bahay, yung kaba ko medyo dumoble ng very light lang naman. "Ready?" Carter asked excitedly.

"Uh.. yah i guess, ikaw ba?"

"Kanina pa." Nauna siyang bumaba ng kotse dahil sa excitement niya, i mean para pala apg buksan ako ng pinto. Sa pagbaba ko ng kotse, kinuha niya lang yung bag ko tsaka ako hinawakan sa kamay.

Nag simula na kaming pumasok ng bahay at dumiretso kaming dalawa sa sala at dun nakita namin si Claire na seating pretty with her boyfriend Carl.

Sabay silang tumingin samin nang makita kami, tumayo si Claire at lumapit samin. "Napabisita ata kayo?" Pagtataka niya.

"Ayaw mo ba?" I asked, grinning.

She rolled her eyes. "What i mean is, nandito yung bruha kaya bakit kayo nandito?" Oh! Oo nga pala, nawala panandalian sa utak kong nandito pala si Margaret dahil sa plano naming gawin ngayon ni Carter. Hmm.. nasaan kaya siya ngayon?

"I just misses Mama's dishes." Pagpapalusot ni Carter. Ang daming pwedeng ipalusot o ipaiwas sa dahilan kung bakit kami nandito about dishes pa talaga. Tss.

"Sakto nagluluto na si Mama." Claire said.

"Pupuntahan lang namin siya." Carter said, tsaka ako hinila papuntang kusina kung saan nandun nga si Tita at nagluluto.

"Ma.." Carter called her. Tumingin siya sa direksyon namin at ngumiti. Lumapit kami sakanya at bumeso. "Dito po kami kakain ngayon, kaya pakidamihan tumatakaw na kasi si Elli eh." Grabe siya! Uupakan ko na to eh.

Palihim ko nalang siyang siniko sa tagiliran niya.

"Tumataba ka nga Ellison." Tita comments making Carter laughed. Oh my gosh! Napatingin tuloy ako sa katawan ko, talaga ba? Grabe naman! Dati naman wala akong paki kung tumataba ako, ngayon ewan ko ba nakakainis. Tsk.

"Don't worry, sexy ka padin sa paningin ko." Carter whispered at me. "Pupunta muna kami ng sala, Ma." Pagpapaalam ni Carter kay Tita. Tumango lang to samin tsaka namin sinimulan ang maglakad papunta sa sala pero habang naglalakad kami nag tanong ako kay Carter.

"Talaga bang tumaba ako?"

He chuckled. "I don't know baby, lagi kasi tayong magkasama kaya di ko napapansin." Tinignan niya yung katawan ko para siguro icheck kung tama nga yung sinabi ni Tita. "Sexy ka padin, baby." He reassured.

"Paano kung tumaba ako?"

"I don't care."

"Tss.. sinasabi mo lang yan dahil di pa nangyayari o pwedeng nangyayari na di lang halata."

He laughed. "Sigurado akong ikaw ang pinaka magandang mataba pag nangyari yun." Siniko ko siya sa tagiliran niya dahil na naman sa sinabi niya. "Aww!" He mouthed, grinning.

Sinamaan ko siya ng tingin in a very sweet way naman, kaya itong mokong nag pacute naman bigla para amuhin ako.

Nakarating kaming dalawa sa sala kung saan nandun yung lovers at nakiupo muna kami. "Bakit nakanguso ka?" Natatawang tanong sakin ni Claire pagkaupo namin.

"Tumataba na daw kasi siya." Natatawa ding sagot ni Carter kaya mas lalong lumakas yung mapangasar na tawa ni Claire. Grabe, nag join force pa sila sa pangaasar.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon