Twenty Four

148K 3.5K 38
                                    

Isang malaking luwag sa dibdib ko ng sa Mall kami ni Carter pumunta. Haay! Buti naman at hindi sa Hotel para mag check in, akala ko papairalin na naman niya ang pagiging pilyo niya eh.

Hawak hawak lang niya ko sa kamay ko na para kaming mag jowa, kaya yung girls na humahanga sa kagwapuhan ni Carter di maiwasang pag tinginan kami- i mean, siya lang pala.

"Ano palang gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Bibile muna ako ng camera."

"Camera? Para saan?"

"Para may camera din ako, nasa States kasi yung camera ko."

"Wait!! Camera ka sa States? Were you really into, photography?" Naalala ko kasi bigla na, noong bago palang siyang assistant ko eh may alam na agad siya pag dating sa mga tools at kailangan sa isang shoot. Tapos ngayon, bibile pa siya ng camera.

"Yah i was, actually nag aral ako nun ng isang semester. Bumalik lang ulit yung hilig ko dahil sa pagtatrabaho sayo."

"Bakit isang sem lang?"

"Uh.. do you really want to know?" He asked. Kita sa itsura niya na nag hehesitate siyang ikwento yun.

"Yah i do."

"Well uh.. Margaret wants me to stop."

"Margaret? Yung-"

"Siya nga." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Bakit naman siya pinahinto nung Margaret na yun? At bakit siya sumunod? Wait- gaano na ba sila katagal?

"Gaano na kayo katagal nung Margaret na yun?"

"Six years." My mouth fell, shockingly. Like seriously? Playboy siya pero may six years girlfriend siya? Kaya naman pala niya sinunod yung sinabi ni Margaret na itigil ang pag kuha ng Photography, dahil ang tagal na nila at pwedeng malalim talaga ang relasyon nila.

Paano nga kaya kung idemand ko ng hiwalayan niya yung babae? Gagawin ba talaga niya? Sa tagal nilang yun i don't think na gagawin nga niya.

Shit! Masyado ata akong natuwa sa nalaman kong gusto din naman niya ko at nawala na sa isip ko kung gagawin niya ba talaga yun. Gusto nga naman ba niya ko or baka sinabi niya lang yun dahil wala naman dito si Margaret? Playboy siya kaya posibile yun.

Shit! Parang bigla akong nawala sa mood. Gusto ko nalang umuwi.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at huminto sa paglalakad. Huminto din siya at tumingin sakin. "May problema ba?" Tanong niya.

"Actually gusto ko nalang umuwi, ikaw nalang bumile." Plano ko na sanang mag lakad palayo pero bigla siyang humarang sa daan ko para pigilan ako.

"Hindi pa nga nag sisimula date natin uuwi ka na?" Pagtataka niya. Hindi nalang ako sumagot, ayaw ko nalang din talagang sumagot. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Dahil ba to kay Margaret?" He asked, sensing my thoughts. Hinawakan niya ko chin at pilit na pinatingin sa mga mata niya. "Elli, she's just now part of my past. We're done."

I blinked at him, shockingly. "W'wala na kayo?"

"Yah!" Oh my GOD! "You asked me before, pag nag demand ka na hiwalayan ko siya gagawin ko ba? Sinabi kong Oo diba? Kaya ginawa ko na bago mo pa tuluyang idemand sakin."

Oh my GOD!!

I don't know what to say, masyado akong kinikilig para makapag salita. Masyado akong masaya para makapag salita. Oh Gosh!! Ginawa talaga niya, kahit di ko pa tuluyang sinasabi!

"Tuloy pa ba date natin o uuwi ka na?" Tanong niya ulit.

"Well since.." I bite my lower lip, leche talaga kinikilig ako. "..since mukhang gusto mo tong matuloy edi sige, ituloy na natin."

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon