Fifty One

106K 2.5K 97
                                    

Nakarinig ako ng doorbell mula sa labas ng Apartment na bumasag sa pakikinig ko ng music. Nag stay lang kasi ako dito pagkaalis ni Carter para sa paghatid niya kay Margaret sa airport, nakakatamad kasing kumilos eh. Rest day kaya bet ko talaga magpaka chill today.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagbuksan kung sino man yung bisita ko. Sa pag bukas ko ng pinto si Claire ang nakita ko. Wait? Anong oras na ba? Matagal ba kong nakaupo at nakikinig ng music ni Yeng? Parang di naman, ni di ko pa nga natatapos yung buong CD.

"Ang aga mo naman ata?" Tanong ko.

"Kasi narinig ko yung pag payag mong pag hatid ni Kuya kay Bruha kaya naisip kong agahan nalang ang pag punta dito, wala din naman akong gagawin sa bahay eh."

"Pero wala pa 'kong nabibileng kailangan natin para sa ipapaturo ko sayong pagluluto ng pancakes."

"Edi mamaya nalang, mag kwentuhan muna tayo." Sabi niya habang nag lalakad papasok ng Unit kaya bigla kong naamoy yung matapang niyang pabango.

"Nag bago ka ba ng pabango?" Tanong ko.

Humarap siya sakin at inamoy yung suot niya. "Hindi, bakit?"

"Parang mas matapang yung amoy ngayon kesa dati, nakakahilo."

"Yun pa rin naman yung pabango ko, di naman ako nagbabago ng brand." Ganun? Eh bakit ako nahihilo? Samantalang noon gusto ko amoy ng pabango niya, nakiki spray pa nga ko eh.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo, medyo nahihi-" Di ko natapos yung sasabihin ko dahil nakaramdam ako ng pagka duwal, na naman! Nag madali akong pumunta sa lababo para dumuwal na naman! Haay!

Naramdaman ko ang pag haplos ni Claire sa likod ko habang maduduwal ako pero wala namang lumalabas.

"Ayos na pakiramdam mo?" Tanong niya.

Napahawak ako sa labi ko at tumango sakanya pero umiling din naman agad ako. "Ewan di ko alam, kanina pa 'to pagkagising ko eh."

"Oh gosh! Wait.. Elli, are you pregnant?"

"What?!!" Gulat kong tanong. Me? Pegnant? Shit!! Wait wait wait, oh fuck delayed na pala ako.

"Buntis ka ba?" Paguulit ni Claire.

"Hindi! Hindi... ko alam." Shit!

"Pero delayed ka na?" Tumango lang ako habang kagat kagat ang lower lip ko.

She slowy grins. "Gosh! Buntis ka nga Ellison Mae!" She jumps, excitedly and hugs me.

"Te'teka.." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa'kin. "Di pa tayo sure, baka delayed lang talaga ako." Sino bang niloko ko? Eh nagpaparamdam na nga sakin yung mga symptoms.

"Sige ganito, bumili tayo ng ng pregnancy test para sigurado." Haay! Mukhang yun na nga lang ang paraan para mag kaalaman na.

Huminga ako ng malalim. "Sige.. samahan mo kong bumile, maliligo lang muna din ako bago umalis para makabili na din tayo ng mga kailangan natin sa ipapaturo ko sayong pag gawa nung pancakes."

"No ako nalang, mamaya mahilo ka pa sa daan di kita mabubuhat nu."

"Are you sure?"

"Yah, no worries. Babawi nalang ako sayo kapag ako naman ang nasa ganyang stage pero syempre.. matagal pa yun."

I smiled, chuckling a little. "Okay, salamat. Kukunin ko lang yung credit card ko."

Nag simula akong mag lakad papunta sa kwarto ko habang si Claire nakabuntot lang sakin. Sa pag pasok namin ng kwarto kinuha ko agad yung wallet ko at inabot sakanya yung card.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon