Thirty Two

141K 2.8K 54
                                    

Nasa kusina ko ako ngayon, nagluluto.

Nandito si Claire at tinuturuan na niya kong mag luto. Yung pagtuturo niya may kasamang pangaasar, kasi pinag tatawanan niya talaga ko lalo na kapag mali yung ginagawa ko.

Buti nalang talaga at nasa sala si Carter nanunuod lang at di nakikitawa at nakikiasar sa kapatid niya.

Natapos ako sa pagluluto ng adobo, kung itsura ang pag uusapan pwede na. Lasa nalang susubukan.

"Tatawagin ko na yung taga tikim." Claire said. She's referring her brother. Tumango lang ako sakanya bilang pag sangayon. Kumuha na ko ng plato para pagkainan namin at naghain.

Akalain mong nagamit ko sa pagluluto tong kusina ko.

Pagdating nung dalawa umupo agad sila si Carter nakatitig sa niluto ko habang may nakakainis na ngisi sa labi niya. Bigla akong kinabahan kasi naman baka di masarap yung luto ko.

"Tikman ko na?" Tanong niya sakin.

"Y'yah!" Naglagay siya ng rice sa plato niya sunod naman yung niluto ko.

Sinimulan niyang kumain at sa bawat nguya niya parang di ako makahinga sa kaba.

Tumingin siya sakin nung malunok niya kinakain. "This is good." He comments.

"Really?" Paniniguro ko.

"Ako ang titikim." Claire said. Kumuha siya ng isang laman sa plato niya at tinikman din ito sabay tingin sakin at kay Carter.

"Kuya hindi matututo si Elli mag luluto kung bobolahin mo. Ang alat kaya!" Claire frankly said.

"This is good for me." Carter said. Tinikman niya ulit yung niluto ko at walang bahid sa mukha niya na di masarap ang niluto ko.

Napaupo ako sa silya at tinitigan ang niluto kong mukha lang masarap.

"Don't worry Elli, first try palang naman yan nu." Pagpapalakas ng loob ni Claire. I just pout, disappointingly at her.

"Don't pout, baby." Carter said smirking. Sinamaan ko ng tingin si Carter habang naka nguso. Disappointed na nga ako sa niluto ko mukhang kapilyuhan pa ang iniisip niya dahil sa ngisi niya.

Tumayo siya sa upuan niya habang kagat kagat niya yung lower lip niya na tila nag pipigil ng tawa. Lumapi siya sakin at pumwesto sa likod ko, then hinalikan niya ko sa pisnge.

"Subukan mo nalang ulit magluto, masarap man yan o hindi titikman ko yan."

I looked up at him. "Thank you." He touches my chin and presses his lips to my mine.

"Welcome." He kissed me again.

"Maghalikan daw ba sa harap ko." Sabi ni Claire na ang pahinto sa paghahalikan namin.

"Natatandaan mo pa yung process nung pagluluto?" She asked me.

"Yah." Madali lang yun tandaan, actually.

"Good, ulit ulitin mo nalang hangang maperfect mo. Uuwi na ko kasi naman di kayo mapigilan sa paglalambingan eh."

"Blame Carter!" I said pointing her pervert brother.

"Why me?" Carter said making a fake innocent face.

"Ewan ko sainyong dalawa, pareho lang kayo." Tumayo na si Claire at bumeso samin. "Pag naperfect mo na yung adobo, tawagan mo ko para sa gusto mo pang matutunang lutuin or pwedeng mag YouTube ka nalang din madami na dun."

"Okay, thanks."

"Welcome." Pagkasabi niya nun nag lakad na siya palabas ng Unit at iniwan na kami ni Carter.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon