Twenty Five

151K 3.2K 27
                                    

Papunta na kami ngayon ni Carter, pauwi ng Unit ko after ng dinner naming dalawa kasi nga naipangako ko na din sakanya kagabi na sa Unit ko siya matutulog ngayon. Kaya no choice kundi patulugin siya ngayon sa Unit ko, pero I'll make sure na tulog lang gagawin namin.. okaaaay, maybe may kiss di naman siguro mawawala yun lalo na't naadik na din akong halikan niya pero pipigilan ko siya.

Urgh! Bahala na!

Nang maipark ni Carter yung kotse niya, bumaba din naman agad kami. Hawak niya lang yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa sa Elevator.

Habang nasa loob lang kami ng Elevator, nakaakbay lang siya sakin at nararamdaman ko ang pag amoy niya sa ulo ko at pag halik. Ganyan kasweet si Carter, sa sobrang kasweetan niya di na niya napipigilan sarili niya.

Sa pag bukas ng Elevator, dumiretso na kami sa Unit ko papunta sa sala at umupo sa couch ng magkatabi. Tinangal ko muna yung eyeglass ko at inilagay to sa lamiseta ko tsaka isinandal ang ulo sa balikat ng boyfriend ko.

Busy lang siya sa pag tingin sa mga kuha niya sakin dun sa camera niya. Nadagdagan pa yung mga pictures kong nakuha niya dahil picture siya ng picture kanina habang kumakain kami.

Ngayong nakasandal ang ulo ko sa balikat niya, nakikita ko na lahat ng stolen shots niya sakin, lahat mukha akong.. ewan. Basta di maganda tignan.

"Burahin mo nga yan!" Pagaangal ko.

"Ayoko nga, camera ko to nu!"

I rolled my eyes. "Pag nahawakan ko yan, buburahin ko lahat ng pictures ko dyan."

"Subukan mo lang, kundi kukuhanan kita ng pictures habang naked ka." Pilyo niyang sabi kaya tinangal ko yung pagkakasandal sa balikat niya at hinampas ko siya sa braso.

"Sira ka talaga!"

He laughed. "Biro lang, baby." Para talaga siyang baliw.

"Matanong ko lang, uh.. may mga sample ka na ba ng landscape na nakuhanan mo dati?" Pagbabago ko ng topic, curious din kasi ako. Kung meron man, gusto kong makita.

"Meron, nasa laptop ko sa bahay."

"Pwede ko bang makita?"

"Oo naman, sarado naman yung studio bukas diba? Pumunta tayo ng bahay."

"Okay." Sumandal nalang ulit ako sa balikat niya, this time nakaakbay na siya sakin.

"Elli.." He called.

"Hmmm?" I just hummed.

"I'm thinking of going back at school, tingin mo ba masyado na kong matanda para dun?"

I looked at up at him suprised, my view was his perfect line jaw. He looked down at me and kisses my forehead. "What do you think?" He asked again.

"Tingin ko magandang idea yun, hindi naman basihan ang age sa pag aaral at hindi ka pa naman matanda nu." Pambihira 26 palang siya eh.

He smiles. "Okay, babalik ako sa pagaaral."

"Kailan mo planong bumalik?"

"Mmm.. I'm going fix my papers first, then.. let's see malay mo sa pasukan makapasok na ko." He pokes my noise. "May alam ka bang school?"

School? Kung school lang naman ang pag uusapan, bakit pa lalayo? Pwede naman sa school kung saan ako nag aral.

"Mmm.. gusto mo ba sa school na pinasukan namin ni Claire?"

He smiles. "Sige dun nalang."

Tinangal ko yung pagkakasandal balikat niya para makatingin ako sakanya ng maayos. "Bakit mo pala biglang naisipang bumalik ng pagaaral?" Tanong ko.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon