Nang matapos ang trabaho namin ni Carter..
Kausap ko lang ngayon si Marietta, yung client namin na schoolmate ko din dati.
"Salamat at tinagap mo to ah kahit napaka layo." She said.
"Wala yun, ipapadala ko nalang sa inyo yung mga pictures and congrats sa wedding."
She laughed, shyly. "Ikaw kailan ka ikakasal? Hindi mo ba boyfriend yung kasama mo? Iba kasi makatingin sayo eh." She teases. Tumingin ako kay Carter na busy sa pag babalik nung mga ginamit namin sa kotse ko.
"Paanong iba?"
"Ang lagkit."
I laughed. "Ganyan lang talaga yan."
"Okay, sige.. lilibot pa kami eh." Bumeso na siya saki tsaka nag paalam. Naglakad na ko papalapit kay Carter at pinag masdan lang siya sa ginagawa niya habang naka cross arms.
"Bakit?" Pagtataka niya.
"Wala lang, naisip ko lang na tama nga ata ang desisyon kong gawin kang assistant kasi.. ang sipag mo."
He grins, chuckling a little. "Well mukhang nakakaramdam ako ng bonus dahil sa compliment ng boss ko."
I laughed. "Oo ba, sige."
"Hindi pera ang sinasabi ko ah." Ngumisi na naman siya ng pilyo sakin.
"Ano naman?" Kunot noo kong tanong.
"Well, nasa malamig tayong lugar at.." Urgh! Alam ko na kung saan to papunta. "Gusto mong mag check in? Never pa nating nagagawa yun."
I roll my eyes. "Pagdating talaga sa mga ganyan, active ka."
Naglakad siya papalapit sakin at hinawakan ako sa bewang. "Syempre naman, ayaw mo ba? New experience yun. Mag iistay tayo dito hangang gabi bukas na tayo umuwi, libutin natin tong Baguio tapos.." He holds my chin and kisses my lips softly. ".. mamayang gabi tayo magpapainit."
Hmm.. lilibutin ang Baguio kasama si Carter? Mukhang masaya yun.
"Okay, sige gawin natin yun."
"Talaga?" Excited niyang tanong. Tinangal ko yung pagkakahawak niya sa bewang ko.
"Oo, kaya sumakay na tayo sa kotse bago pa mag bago ang isip ko."
Dali dali siyang tumakbo papunta sa driving seat kaya di ko na naiwasang matawa. Grabe, excited ang peg?
Nag simula ang paglilibot namin ni Carter, marami kaming pinuntahan tulad ng Wright Park, Burnham Park.. etc. Nag biking kami, boat and kumain ng kumain. Bumili din kami ng pang palit na damit dahil di naman namin naisip na mag iistay pala kami dito.
Syempre sa mga ganitong gala di mawawala ang pictures, siya ang tagakuha ng litrato namin gamit ang cellphone niya kaya ngayon, siya ang photographer at ako ang uh.. well, model daw niya kahit di naman ako photogenic.
It's like a perfect.. date!
Yah, it's a date for me kahit na para sakanya it's just a another fun experience.
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...