One..

334K 5.4K 294
                                    

Papunta na 'ko ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Claire Montero dahil nag papasama siya sa'kin do'n sa Audition niya para sa isang model search, kinakabahan daw kasi siya baka hindi siya matanggap samantalang pang model ang katawan niya at beauty niya.

Maganda at sexy siyang babae, kaya 'di ko alam kung bakit nag click kami bilang mag kaibigan samantalang ako, nerd at siya Ms. Popular. Ay teka, Ms. popular din pala ako... popular bilang Nerd.

Nang makarating ako sa bahay nila, nag doorbell na 'ko at ilang sandali lang pinagbuksan na niya 'ko ng gate.

"Oh Elli ang aga mo ah." She comments.

"Well, gusto ko lang masiguradong hindi ka malalate sa Audition mo at siguraduhing pupunta ka."

She laughed. "What are you, my manager?"

"No, your future photographer." Na pag-usapan kasi namin na kapag sumikat siya sa pangarap niyang maging model ako ang gagawin niyang photographer, 'yon kasi ang profession ko.

"Okay, Okay. Sige pasok ka." Ginawa ko naman agad ang sinabi niya. Pumasok kami sa napaka laki nilang bahay, nag tuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Kung saan sobrang kalat, paano naman kasi 'yong mga dresses niya nasa sahig lahat.

"Binagyo ka ba dito?" Pabiro kong tanong.

She sighed. "I don't know what to wear, kaya ayan kinalat ko." Hmm.. 'yan talaga problema lagi ng magaganda hindi alam kung anong isusuot samantalang ako, pantalon at T-shirt lang keri na walang ka proble-problema.

"Alam mo isuot mo nalang ang kahit na ano dyan, kesa ang malate ka."

"Alam mo 'yong mga advice mo hindi talaga nakakatulong!"

"Nerd ako, duh! Ano bang malay ko dyan?"

"Ikaw lang eh masyado mong pinupush ang mag pakanerd samantalang may beauty ka naman."

"Wala ako nun! Sige na mag bihis ka na sa labas na 'ko mag hihintay." Pagkasabi ko nun, lumabas na 'ko ng kwarto. Pumunta muna 'ko sa C.r nila dito sa second floor para makita ang itsura ko, may salamin kasi sila sa C.r eh. Sosyal diba? Wala kasi niyan sa Unit ko kaya sosyal. Haha.

Ang totoo wala naman akong titignan sa sarili ko kasi, 'yon at 'yon lang din naman ang nakikita. Babaeng nakapusod palagi, nakasalamin, walang make up, pulbo lang ayos na, ni wala ngang lipstick eh pero take note, may pagka-redish naman ang lips ko kaya 'di na kailangan ng make up.

Nang masiguro ko na Nerd padin ang itsura ko. I mean, nerd naman na talaga dinodoble check ko lang. Lumabas na 'ko ng C.r, isasarado ko palang 'yong pinto ng C.r nang may makita akong isang makapigil hiningang ka-gwapuhan at ka-sexyhan ng isang lalake. He's topless, kaya 'di ko maiwasang tignan ang perfect eight packs abs niya.

Shit! Sino siya?

"Are you done eye-raping me?" He asked, rudely.

"I uh... ah... eh... i'm not eye-raping you. I was just.. checking who you are." Pagpapalusot ko.

Seriously Ellison 'yan na ang palusot mo? I scolded myself.

"By checking my abs?" He amusingly asked.

"S-sino ka ba?" Diyos ko, paano kung boyfriend pala 'to ni Claire nagkasala pa tuloy ako sa pagtitig sa abs ng boyfriend niya.

"Ako dapat ang magtanong niyan..." He said walking straight to me wearing a sexy mirk on his handsome face. "Who are you?" He asked.

"A-ako s'si Ellison." Nauutal kong sabi dahil sa nerbyos. Paano naman kasi topless siya tapos nag lalakad siya papalapit sa'kin gustuhin ko mang lumayo, nakokorner na 'ko.

"Ellison? Hmm... kaibigan ka ba ni Claire?" He asked. Tumango lang ako ng napakabilis. Mas lalo siyang naka lapit sa'kin dahil wala na 'kong na atrasan pa kundi pader. Inilapat niya 'yong kaliwang palad niya sa pader malapit sa ulo ko habang nakatingin sa dibdib ko.

Loko 'to ah! Oo gwapo siya at sobrang yummy pero bawal ang tumingin ng ganyan, babae pa din ako kahit hindi halata.

Bigla niyang pinindot 'yong dibdib ko na akala mo botton lang sa elevator. "Akala ko pom lang, may laman naman pala." He comments, chuckling.

"Bastos!" I snapped glaring.

He smirked. "Buti nga hinawakan pa kita eh."

"Ha! Para namang nag makaawa akong gawin mo 'yon!" Sarkastiko kong sabi.

"Matapang na Nerd, i like that."

Plano ko sana siyang sipain sa binte niya pero di tumama. "Nice try, Nerd."

"Bwiset ka, umalis ka nga dyan!" I tried to push him on his chest.

"Ngayon, na nanantsing ka na!" He said smirking, chuckling a little.

Dali dali kong tinangal 'yong kamay ko sa dibdib niya. "Ang kapal ah!!"

"Let me guess Nerd, wala ka pang first kiss nu?"

"So?"

He laughed. "I knew it."

"Pwede ba, sino ka ba? Close ba tayo?"

"Hindi pa pero malapit na, kapatid ako ni Claire." Hinawakan niya 'yong kamay ko at hinalikan ito nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Carter Lawrence, at your service baby." He winks.

Kapatid ni Claire? Wait may nabanggit na siyang may half brother siya sa ibang bansa, siya na ba 'yon? Kita mo nga naman no'ng nag pasabog ng kagandahan at kagwapuhan gising silang dalawa samantalang ako nag lalaway sa unan ko at natutulog.

He bends down his face closer to mine, like super close. Half inches nalang ata ang layo ng mga labi namin.

Diyos ko Lord! Ano 'tong ginagawa niya?

He was about to kiss me nang marinig namin ang boses ni Claire. "Uh.. what are you guys doing?"

--

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon