Nasa parking ng Club na kami ngayon nila ni Claire, siya nag reretouch ako.. wala nakaupo lang sa loob ng kotse niya. Ito kasi ang ginamit namin at iniwan ang kotse ko sakanila. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Carter, kaya nakakainis! Hindi ko tuloy alam kung magiging maganda ba tong gabi ko sa Club. Ngayon palang kasi nakakaramdam na kong masisira to eh.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah!" Claire asked.
"Oo, ayos lang ako." I reassured.
"Okay, pumasok na tayo. Hinihintay na tayi nila Carl." Excited niyang sabi. Ngiti lang ang response ko sa sinabi niya.
Sabay na kaming bumaba ng kotse ni Claire, inangkla niya yung kamay niya sa braso ko tsaka sabay kaming pumasok ng Club. Ingay agad maririnig sa pag pasok namin, mula sa malakas na patugtog ng DJ.
Urgh! Ayoko ko talaga sa maiingay na lugar.
Pinag patuloy lang ni Claire ang pag hila sakin dahil mukhang alam na niya kung saan kami pupunta, hanggang sa finally mukhang nahanap na namin ang Carl na tinutukoy niya na talaga naman palang ang gwapo kaya pala ganun nalang ka excite at kakilig tong kaibigan ko. Paano kong nalaman na siya na yung Carl, nilapitan niya kasi agad kami pag kakita niya.
Yung guy next to him naman na tingin ko ay yung isinama niya para sakin ay, gwapo din naman.. mas gwapo nga lang si Carter. Shocks! Pati ba naman sa mga ganitong sitwasyon iniisip ko yung mokong na yun? Bwiset!
"Hi, akala namin di na kayo pupunta eh." That i think Carl said.
"Pasensya na medyo, traffic lang." Claire explained. "By the way this is my best friend, Ellison." Pagpapakilala niya sakin.
That i think Carl, offered his hand for a hand shake. "Hi, I'm Carl." Inabot ko yun at nakipag shake hands. Inakbayan naman niya yung kasama niya at pinakilala din ito samin.
"Siya si Vince, barkada ko."
"Hi, im Vince." He offered his hand on me.
"Im Elli." Inabot ko yun at nakipag shakehands din sakanya. He showed me his cute smile, staring deeply in my eyes. I just smile back, not breaking the eye contact. Di ko akalaing kaya ko na palang makipag eye contact.
Claire cleared her throat, making us all look at her. "Simulan na natin?" She asked us. Tumango lang kami sakanya. Nauna ng umupo ang boys, pero kami ni Claire bago pa umupo may binulong siya sakin.
"He's into you." Napatingin ako sa binulong niya at napataas ng isang kilay. Kumindat siya sakin at nag simula ng umupo katabi ni Carl, si ako no choice kundi umupo sa tabi ni Vince.
He's not into me, no choice lang siya dahil ako ang kasama mo. Yan sana ang gusto kong sabihin sakanya pero di ko na ginawa dahil baka marinig pa kami ng boys.
Sinimulan na namin ang umorder ng beer at nung dumating yung order namin sinimulan na namin ang uminum. Silang tatlo lang ang maingay samin kasi naman ako, hindi naman talaga ako madaldal lalo na't ngayon ko palang nakasama yung dalawa. Kaya ang ginawa ko, uminum nalang.
"Ang tahimik mo naman." Vince comment making me face him, he smiling at me.
"Hindi lang ako sanay sa mga ganitong lugar." I honestly said.
He chuckled. "Halata naman sayo eh. Do you want to dance?"
"I don't know how to dance too."
He stands and offered his hand on me. "Subukan na muna natin bago ka tumangi." Naramdaman ko ang biglang palihim na pag sipa ni Claire sakin sa ilalim ng lamesa. Tumingin ako sakanya at binigyan niya ko ng pagbigyan-mo-na look.
BINABASA MO ANG
Nerd With Benefits
RomanceI'm Nerd, what else.. uh.. funny? That's all. And i met this hottest, sexiest, handsome, arrogant, moody, and playboy jerk. Half brother siya ng kaibigan ko. Mula nang makilala ko siya ang simpleng buhay ko bilang Nerd ay nag bago at naging wild. Wa...