Bea's Pov
"Haha. So paano ba yan kailangan mong makabawi sa akin ha." Tawang sambit sa akin ni Kevin habang nandito kami sa condo niya. Binilhan kasi niya ako ng guitara eh. And sh*t it's amazing.
"Sige. Kapag may ipon na ako." Sabi ko sakanya atsaka ulit nagstrum. Habang hawak ko ngayon itong bigay niya. Tumango lang siya atsaka sumandal sa sofa.
"Take your time." Sabi niya sa akin. Kanina pa ako nandito kay Kevin, wala kasi kaming pasok. Ayoko din namang umuwi sa bahay dahil si Scott at Manang lang ang dadatnan ko doon.
Simula ng nangyari sa amin ni Scott sa lahat ng mga sinabi niya sa akin, mas natutunan ko na dapat na maging matigas ako. Hindi ko dapat pinapalambot ang sarili ko, lalo na sa panahon ngayon na maraming manloloko.
Kung anuman yung nasabi sa akin ni Scott nang araw nayun, wala ng epekto sa akin. Simula ng sagipin ako ni Kevin sa pagkakalugmok ng arw nayun natutunan ko na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.
Flashback...
Itinigil ni Kevin ang sasakyan dito sa condo niya, pinababa na niya ako at inalalayan papasok. Hanggang ngayon kasi wala pang lakas ang bibig ko na magsalita. Iniupo niya ako sa sofa at kumuha ng tubig inabot niya sa akin iyon.
"So tell me what just happend?!" Alala niyang tanong sa akin habang pinupunasan ang mga luha ko. Napayakap naman ako sakanya at humagugol ulit. Niyakap din naman niya ako at hinagod ang likuran ko.
"Sige ilabas mo muna lahat yan Bea." Sambit niya, ramdam ko din ang paglungkot ng boses niya. Napakaswerte ko at nandito siya para sa akin.
Nang wala na akong mailabas na luha at uhaw na naman ako, uminom muna ako atsaka pinunasan ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim atsaka hinarap ng ngiti si Kevin, pero kita ko sa mga mata niya na nag aalala siya sa akin.
"Hmm. Kase... Nagkagulo sa school, tapos umawat ako sa away ni Scott. Then he told me that he does'nt really love me, and just played with my feelings. Haha." Sabi ko sakanya at tumatawa pa ako. Hindi ko kasi makaya na lumuha ulit.
"Napakagago talaga nyan! Sabihin mo lang kung kailangan banatan namin yan, gagawin ko para sayo Bea." Gigil niyang sambit sa akin at nayukom narin ang mga kamao niya. Hinawakan ko siya.
"You don't have to. Im just hurt right now. Lilipas din ito." Sabi ko sakanya at nag-okay sign. Nabigla naman ako ng yakapin niya ako, kaya naman naluluha na ulit ako.
"Bea, be brave. Tandaan mo itong sasabihin ko sayo, remember when I first meet you. Your so strong and unstopable, but now you became demure and soft. Kaya ka nasasaktan ng ganyan, nakalimutan mo na yata na wala kang pwedeng pagkatiwalaan sa mundo kung hindi ang sarili mo." Sabi niya sa akin habang hinawakan ang kamay ko. Lahat ng sinasabi niya dinamdam ko lahat. Nakalimutan kong ipagtanggol ang sarili ko, na-iyak naman tuloy ako.
Napatango ako sa bawat sinasabi niya, nawala na yung dati ako na hindi basta basta nagpapabuwag. Nawala na yung ilang taon kong pagrerebelde kay papa ng dahil lang kay Scott. Nawala yung mga panahon na hinubog ko ang sarili ko para maging matapang. Lahat ng yon dahil sa letseng pag-ibig na yan!
"Hindi naman masamang magpakita ng kahinahan Bea, pero sana kayari ne'to ay mas maging matatag kana. Tumayo ka. At ipakita sa kanila na kaya mong lumaban, na kaya mong bumangon at kaya mong makipagsabayan sa kanila." Dagdag pa ni Kevin kaya napasubsob ako ng kayap sakanya. He always knows what to say, Im so lucky I have him.
"Thanks Kev, Im ok now. Can you take me home, I wan't to show Scott that Im not affected." Matapang kong sambit sakanya atsaka nagpunas ulit ng luha. Tumango naman siya at ihinatid na nga ako sa bahay. Nagpasalamat ako ng marami sakanya at pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
My Life With Mr.Genius [COMPLETED] (Editing)
RomancePaano kung makatagpo ka ng isang tao na nuknukan ng katalinuhan? At hindi mo inaasahan na makakasama mo siya sa iisang bahay? Paano? Alamin! Samahan natin si Bea sa buhay niya kasama ang isang Genius.