Chapter 42: Enjoy!

3.9K 87 1
                                    

Bea's Pov

"Alam mo parang wala din akong kasama dito. Ang tahimik mo naman." Reklamo ni Macey sa akin habang naglalakad kami.

"Sorry, nagugutom na kasi ako eh." Pagdadahilan ko. Sa totoo lang wala talaga ako sa mood lumabas ngayon. Ayoko lang talagang makasama si Scott buong maghapon.

It's been 1 week since then. Since saktan ulit niya ako, physically and emotionally. Ngayon tanggap ko na. Tanggap ko na, na kahit kailan hindi ako mananalo kay Ate Bella. She always win over me in everything.

Kahit sa puso pa ng taong mahal ko na mahal siya. Oo, mahal ko si Scott. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi ko siya mahal eh. I won't get affected if that is just nothing.

"Huy! Anong order mo!" Alog sa akin ni Macey. Hayst! Tulala na naman ako. Tumingin lang ako sakanya atsaka nagkibit balikat.

"Kahit ano. Bahala ka." Sagot ko sakanya atsaka nagsmile. Umalis naman na siya at pumila na, andito kami ngayon sa Mcdo.

Lagi naman dito kami kumakain eh, favorite kasi ni Macey dito. Buti nga nandito siya para sa akin kung hindi nagsuicide na ako. Nagpapasalamat ako na may mga taong nagmamalasakit parin pala sa akin.
Alam nadin ni Kevin ang nangyari kaya lang hindi siya maka uwi asa bussness trip kasi siya kasama ang papa niya. Next week pa ang uwi niya. Pero may substitute naman siya eh. Mabait si Macey. Super!

Nung nalaman nga niya yung ginawa sa akin ni Scott gusto niyang sumugod sa bahay para daw patikimin ng jujidsu itong si Scott. Forte kasi niya yun. Bata palang daw siya ay i-nenroll na siya ng Dad niya sa ganoong klaseng self-defense class.

Galing din siya sa mayamang pamilya, sikat sa buissness at traveling. Nag-iisang babae lang siya sa mga anak ng parents niya and sad thing is bunso siya kaya naman lagi siyang nabubully ng mga kuya niya.

Hindi ko nga ba ma-intindihan kung bakit siya nagrebelde samantalang okay naman sila ng parents niya at wala siyang problema sa buhay. She's free to do so. Nakukuha pa niya yung atensyon ng buong family niya kahit hindi siya gumawa ng kung ano-anu.

Hindi rin naman kasi gaanong nagkukwento si Macey about sa naging life niya, basta kapag may ma-isapan akong itanong about sa buhay niya sinasagot naman niya. Minsan kasi ako ang tahimik, siya lang yung dada ng dada ng mga kung ano-anung bagay.

Parehas sila ni Kevin at Kurt. Naalala ko na naman tuloy yung Kurt na yun....

Flashback...

Umalis na si Scott. Ako na iwan dito sa kama umiiyak. Ganoon ba talaga ako kasama para maranasan ko ang lahat ng ito. I did not even know that it is his project. Ginusto kong tumayo, pero ramdam ko yung sakit ng braso ko.

Na kanina ay dakma ni Scott. Pinagmasdan ko sandali iyon at kitang-kita ko ang pamumula noon. Naawa ako sa sarili ko. Kaya napahagulgol na naman ako. Iminukmok ko lang ang sarili ko at umiyak.

I hate him! I swear! Sobrang sakit! Sabi ko na nga ba pakitang tao lang lahat ng iyon. Hindi niya talaga ako mahal, It's just part of his game. Nahihirapan na akong huminga kaya umayos ako ng upo pero sh*t I can't see clear.

Siguro heto na yun. Katapusan ko na, sinusumpong na naman ako ng sakit ko. Wala man lang tutulong sa akin, siguro kapag nawala ako magiging masaya na silang lahat. Matutuwa sila na wala na ako. Magagawa na nila ang mga gustuhin nila ng hindi ako iniintindi.

I was about to close my eyes when someone entered the room, akala ko nga si Manang eh.

"Hey?! Bea?! Wake up?! Wheres your inhaler?" Lalakeng boses ang tumawag sa akin, kaya kahit hindi ko imulat ang aking mata itinuro ko ang bag ko.

My Life With Mr.Genius [COMPLETED] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon