Chapter 39 : Don't

3.6K 87 0
                                    

Bea's Pov

"Sure ka okay ka lang? Kaya mo ba talaga?" Alalang tanong sa akin ni Kev habang nagdadrive siya. Pauwi na kasi kami eh.

"Oo nga. Haha! Im fine." Masayang sagot ko sakanya. Okay lang naman kasi talaga ako eh. Masyado lang akong na-excite kanina, kaya ayun haha! Kinarma ako.

Flashback...

Inunahan ko na agad si Kevin kahit kasasabi ko pa lang. Namiss ko din kasing makipagrace. Sa ganitong paraan man lang ay magkaroon ako ng pagkakataon na mabalikan yung dati kong gawi.

Medyo malayo nadin ako kay Kevin, pero kita ko na humahabol siya. Kaya naman hinampas ko yung kabayo, pero napatingi ako sa kamay ko. Nararamdaman ko kasing parang may gumagapang doon eh.

Nang makita ko kung ano yun, nahila ko ang tali na nagkokontrol sa kabayo. Nagpanic ako kaya na-out of balance na ako. Ipinikit ko ang mata ko pero imbis na sa matigas na lupa ako bumagsak ay sa malagi na tubig.

The sad thing is I cannot think right. Kaya hindi ko alam kung dapat ko bang ikampay ang nga kamay ko o ang takot na kagatin ako ng gagamba. Hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Akala ko ay katapusan ko na, pero andoon si Kevin para sa akin. Well, he always do save me. Nagpapasalamat ako na siya ang kasama ko. May sinasabi siya sa akin pero wala akong marinig na maayos. Hanggang ngayon kasi ang bilis ng tibok ng puso ko.

End of Flashback...

Gagamba yun! Hayst! Oo may phobia ako sa mga spiders. Ever since bata palang ako takot na talaga ako, yun nga din ang dahilan kubg bakit nagka-asthma ako. Naghyperventilate ako nung ilapit sa akin ni Ate yung project niya sa science na gagamba.

Kaya ayun. Hanggang ngayon dala ko parin ang takot na yun. Pero kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit kay ate bella sa nangyari. Parehas naman kasi naming hindi alam na may phobia ako. Sinigurado na lang namin na walang gagamba makakagambala sa akin.

"We're here." Sabi sa akin ni Kevin at itinigil na ang sasakyan dito sa harap ng bahay namin. Tumango lang ako at bumaba na, pero mabilis ding bumaba si Kevin.

"Okay kalang ba talaga Bea?" Tanong pa niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ano ka ba ?! Oo nga okay lang ako. Sa totoo pa nga eh, nahihiya ako sayo Kev. Nasira tuloy 'tong araw natin. Hayaan mo babawi ako sayo ha." Sabi ko sakanya atsaka nag-ok sign.

Nagulat naman ako ng hawakan niya ang noo ko.

"Okay? Nilalagnat kana nga eh." Sermon la niya sa akin, habang nakapamewang pa.

"Lagnat laki lang 'to. Iinom nalang ako ng gamot sa loob. Sige na uwi kana gabi na oh. I'll just update you okay?!" Pagkumbinsi ko sakanya. Itinulak ko na siya papasok sa loob ng kotse niya at tuluyan na nga siyang umalis.

Pumasok naman na ako sa loob ng bahay at nakita kong nanunuod si Scott dito sa may sala. Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo sa itaas para magshower na. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang phone ko at itinext si Kevin.

To: Kev,
             Im fine now. Thanks again for this day!

Sent!

Bumaba naman na ako para maghanap ng gamot sa kusina. Nakita ako ni Scott na pababa sa hagdan at tinignan niya ako. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ngayon.

"Where have you been?" Tanong niya sa akin atsaka pinatay na ang t.v. Tinignan ko lang siya at kumuha ng gatas sa ref. Titingin sana ako sa may cabinet ng harangan niya ako.

"Sabi ko saan ka galing? Bakit maghapon kang wala yung cellphone mo cannot be reached." Dagdag pa niya. Nahahalata ko na nanaiinis na din siya.

"Im with Kevin. Sinamahan ko lang siya." Sabi ko sakanya atsaka naghanap na ng gamot dito sa cabinet.

"Why do you have to go with him?" Tanong pa niya sa akin.

"Why do you have to ask?" Balik kong tanong sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Cause your my wife." Sabi niya. Wow! Just wow! Wife mo yang mukha mo! Ang kapal din pala ne'to eh.

"K.fine." walang gana kong sagot sakanya at umakyat na ako sa taas. Ansama nadin kasi talaga ng pakiramdam ko at gusto ko ng mahiga sa kama.

Humiga na ako at ipinikit ang mata ko. Wala akong nakitang gamot kanina sa baba, nasan kaya yung mga yun. Bukas nalang ako maghahanap ulit baka kailangan ko lang ng pahinga.

Bago pa man ako tuluyang makatulog ay napansin ko ang isang bagay na nakatakip ng itim na tela. Baka project siguro ni Scott. Naiinis ako sakanya! Bakit ba ang bipolar niya!

Naiinis ako dahil sa pagpapanggap niya! Bakit ang dali lang sakanya na bumalik sa normal. Ang galing din niyang magpanggap. It's hard to be with him. I don't know what is he thinking about. But one thing is for sure I will not trust him again.

Ramdam ko na ang pagbagsak ng mga mata ko kaya marahan akong huminga ng malalim at natulog na.

Scott's Pov

"K.fine." walang ganang sagot sa akin ni Bea. The she moved upstairs. Ugh! I hate this! I know! From the start it was my fault, bur damn Im suffering now.

Since Bea and I argue about that thing, she never talked to me like before. She even became cold and did not care about me anymore. Kung pwede nga lang akong mamatay sa sobrang katahimikan niya malamang sa malamang.

Alam ko din naman na si Kevin yung kasama niya buong maghapon. Nakita ko pa nga siyang bumaba sa kotse ng lalaking yon. May kumurot sa akin na kung ano. And sh*t it kills me!

Naguguluhan na talaga ako kailangan ko ng tulong nila Chael. Hindi pwede na ganito, na lagi akong may nasasaktan. Kailangan ko ng malaman kung sino ba talaga ang mahal ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Chael,  pero f*ck hindi niya sinasagot. Kung kelan mo talaga kailangan 'to oh saka pa busy. Umakyat nalang ako sa taas para tignan si Bea kaninan kasing kausap ko siya ampungay ng mga mata niya.

Halatang may sakit siya, pansin ko din ang mabagal niyang pagkilos. Saan kaya siya dinala ng lalaking yun. When I found out what just happend I will make him pay. Umakyat ako at nakita kong nakahiga na siya at kumot na kumot pa.

Umupo ako sa kama at kinapa siya medyo ma-init nga siya. Mas ilalapit ko sana ang sarili ko para mas makapa siya bg magsalita siya.

"Don't get closer to me." Sambit niya atsaka nagbalot ng buong katawan. Umurong naman na ako at lumabas, dito nalang siguro ako sa sala matutulog.

Ayokong madagdagan pa ang galit niya sa akin. Nanibago kasi ako simula nung sabihin niyang wala lang yun, na okay lang siya at nagsmile pa siya sa akin. Sobra talaga akong naguilty doon. Wala nalang akong nagawa, ni hindi ko man lang siya nahabol.

Naduwag ako. Kasi ayoko siyang nakikitang ganoon, aminin ko man at sa hindi nasaktan ako ng makita ko siyang umiyak ng ganon. At oo ambakla ko dahil napaiyak ko na naman siya. Ugh!

Mababaliw na talaga ako kaka-isip. Ipinikit ko ang mga mata ko sa pag-asang makakatulog ako.

'Kahit gaano ka pa katalino, kapag nagmahal ka talagang mabobo ka."

Sorry po kung waley! Mesakit po kasi ako! HahaxD

Vote! Comment! Share!

My Life With Mr.Genius [COMPLETED] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon