Bea's Pov
Eto ako ngayon naglalakad papunta ng school, mag-isa! Haha! Ansaya diba!? Bakit kamo?! Wala eh! It's almost a week since magturo si Ate Bella dito. At isang buong linggo nang ganito ang set up ko. Actually namin. Hindi narin kasi ako gaanong pinapanasin ni Scott, mas isinubsob pa niya ang sarili niya sa pag-aaral at late narin siyang umuwi.
Hindi naman na ako nagtanong pa ulit sakanya, ilang beses ko na kasi siyang tinanong noon kaya lang puro tango at iling lang naman ang isinasagot niya. Si Kevin, ayun almost everynight ko siyang katext. Sobra kasi akong nanibago kaya naman ipinirisinta na niya ang sarili bilang maging call center agent. Haha!
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na andito na ako sa harap bg school. Pumasok na ako at dumiretsyo sa room ko, pero hindi pa man ako umaabot sa kalahati ay may mga babaeng harot na humarang sa dinadaanan ko. Tinignan ko naman sila at mga seniors na 'tong mga panget na'to.
"Uhmm. Excuse me." Sambit ko saka hahakbang sana, pero mas lalo silang humarang sa dinadaanan ko. "No can do." Mataray na sabi sa akin ng nasa gitna na'to.
Ugh! Masakit na nga ang paa ko, iinit pa ng mga 'to ang ulo ko oh! Pagminamalas ka nga naman oh!
"And why?!" Tinarayan ko nadin siya, kasi naman na-iinis na talaga ako. Hindi porket seniors sila ay pwede na nilang gawin sa akin 'to.
"Wala lang, trip ka lang namin. Feeling ka kasi eh." Sabi pa niya sa akin at nagpamewang pa ang espasol. Hayy. Naku!
"Please I don't have the time to argue with you three, so move your butts and let me pass." Atsaka ba nga ako humakbang pasulong, pero hinigit niya ang kamay ko.
"I said you cannot pass! Bitch! Asan ngayon ang yabang mo!?" Sigaw niya sa akin, at napangiwi naman ako sa sakit nang pagkakahawak niya sa akin.
"Pwede ba!? Ano bang kasalanan ko sayo ha!?" Saka ko inalis ang kamay niya sa braso ko pero malakas siya. Dagdag mo pa ang tawa nitong kasama niya.
"Gusto mong malaman kung ano?! Ha?! Flirt ka kasi!? You always stick to Scott, like your his girl. But your not! Malandi ka! Akala mo gusto ka ni Scott! But damn not! Kaya ngayon palang itigil mo na yang pag-aambisyon mo sakanya! Once I see you again near him, I'll make sure you'll pay!"
Sigaw niya sa akin, atsaka na umalis. Ugh! Pasalamat siya at wala ako sa mood kundi nakatikim sa akin yun. Napaka talaga! Aish!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at nagtungo na sa loob ng classroom ko. Late na kasi ako eh. Pagdating ko doon ay nakita ko na naka-upo na ang lahat at takte! Pagminamalas ka talaga oh! Si Ate first subject namin ngayon.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at umasang hindi niya ako mapapansin pero mali ako.
"So, why are you late my dear sister?" Tanong niya sa akin kahit na may isinusulat siya sa blackboard. Napahawak tuloy ako sa sentido ko.
"Uhmm. Kasi.ano.yung." ugh! Wala akong ma-isip na dahilan eh. Bakit ngayon pa pumalya ang utak ko! Kasalanan yun ng mga hipon na yun eh.
"K.fine. just go outside, report to the dean." Nanlaki bigla ang mga mata ko sa narinig ko sakanya. Ngayon ay hinarap na niya ako, at nakangiti pa siya sa akin.
"But," singit ko sana.
"No more buts." Ngiti pa niya. Teka?! Nang-iinis ba siya?
Wala na akong nagawa at pumunta na nga ako sa office ng dean. Binigyan lang ako ng slip at umalis nadin ako, pumunta muna ako sa canteen. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal eh.
This is a very bad day for me. Sana lang hindi na sumagad 'to hanggang mamayang hapon. Ayoko ng hassle. Umupo lang ako dito sa isang table at kumain na. Habang pinapanood ko ang mga estudyante sa labas.
Naalala ko na naman tuloy yung kanina sa hall way. Ganoon ba talaga kasikat si Scott, para ipaglaban siya ng mga babae dito? Hmf. Magtataka pa ba ako? Gwapo,matalino,mayaman at higit sa lahat cool. Perfect! Kung tawagin yan dito.
Since High Scool naman naririnig ko ang pangalan niya, kaya kang hindi pa ako interesado sa mga nakapaligid sa akin noon. Sarili ko lang kasi ang iniintindi ko eh. Hindi naman ako kailangan sabihan ng higad na yun na iwasan si Scott, siya na kasi mismo ang gumawa noon.
Yung totoo?! Nalulungkot ako! Namimis ko ba siya?! Tae! Syempre Oo! Nasanay ako eh! Ugh! Nababaliw na ako! Praning na ako! Masyado ko na nga siyang iniisip! Tama si Kev, may feelings na ako oara sakanya!
Nagulat ako ng may panyong biglang sumulpot sa lamesa, napa-angat naman ako ng tingin. Kilala ko 'to eh! Nagkita na kami noon, pero hindi ko matandaan kung saan. "Wipe your tears." Ngumiti siya atsaka tumabi sa akin, bumalik naman ako sa wisyo ko at pinunasan ko ang mga luha ko.
Pero hindi ko naman ginamit ang panyo niya. Tinitigan ko lang siya habang kumakain, I saw him already. Naalala ko yung panyo niya na nasa tapat ko parin kaya inusog ko iyon at ibinalik sa kanya.
"Thanks." Sabi ko sakanya. Pero tumango lang siya at hindi man lang ako tinignan. "Aish! Ano ka ba?! Wag mo kong titigan ng ganyan. Oo maganda na ako mabait pa." Sabi niya sa akin at natawa naman tuloy ako. Ang cute niya kaya.
"Ako si Macey Perez,18, transferee. Sa Tourism Building ako. How about you?" Patuloy niyang pagsubo sa kinakain niya. Kaya naman napaayos ako ng upo.
"Im Bea Go,18. Sa Educ. ako." Sagot ko sakanya at uminom ng tubig. Hindi parin niya ako tinitignan, na aamaze naman ako sakanya. Ang cute kasi niya eh.
"Nice to meet you." Hinarap na niya ako at kinamayan. Ang cute talaga niya, chinita dib siya. I wonder if she is korean or chineese. Tumango lang ako sakanya at kinamayan ko din siya."So bakit ka nandito? Vacant mo?" Tanong niya sa akin at nagpunas sa gilid ng labi niya. Umiling naman ako.
"Na-late ako. Kaya andito ako. Haha. Eh ikaw?" Tanong ko sakanya at tumawa sa hiya, feeling ko kasi ang buti niyang babae.
"Nagditch ako! Badtrip kasi yung prof. namin eh." Sabi niya habang tinitignan ng mabuti ang I.D ko. Literal naman ako napanganga sa sinabi niya, talaga lang?
"Haha. Oo na! Bad girl ako! Wala pa akong kilala dito so ano friends!?" Sunod-sunod na sambit niya. Ang daldal niya. I think we might be good friends.
"Sure!" Sagot ko naman sakanya at nag-apir pa kami. Kinuha namin ang number ng isa't-isa, para keep in touch kami.
Nagpaalam na kasi siya sa akin na hahabol sa next subject niya kaya naman umalis na siya. Ako din ay tumayo na at naglakad pabalik sa classroom ko. Wala naman sigurong masama kung makakaibigan ako maliban kay Kev.
Syempre iba parin naman yung girl friend. And she's in my same genre so we might bond together. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may matanggap akong txt.
From : New Friend (Macey)
See you later!Napangiti naman ako bigla doon. Agad naman akong nagreply ng smiley sakanya, malapit na kasi ako sa room. Itinago ko na agad ang phone ko at na-upo na sa desk ko.
Tumunganga naman ako sa may bintana dito sa upuan ko. Hanggang sa matanaw ko ang mga lalaking nagkukumpulan sa labas. Na-usisa naman ako kaya itinuon ko pa ang tingin ko sa baba.
Napatayo ako bigla ng makita kong si Scott!
May kasuntukan siya!
Abangan!
"There is always an new friend!"
Sorry waley 'tong update na 'to.
Vote! Comment! Share!
BINABASA MO ANG
My Life With Mr.Genius [COMPLETED] (Editing)
Storie d'amorePaano kung makatagpo ka ng isang tao na nuknukan ng katalinuhan? At hindi mo inaasahan na makakasama mo siya sa iisang bahay? Paano? Alamin! Samahan natin si Bea sa buhay niya kasama ang isang Genius.