Bea's Pov
Nataranta ako! Kitang-kita ko ngayon ang pagbibigayan ng suntok nilang dalawa. Hindi ko naman kilala kung sino yung kaaway ni Scott! Parang gusto ko nang tumayo dito ar tumalon pababa, may kung anong kumukurot sa akin.
Kailangan kong mag-isip ng paraan para makalabas dito, I have to help him. "Ahh! Aray! Hindi ko na talaga kaya!" Sigaw ko, at nakuha ko naman ang atensyon ng lahat.
"Okay kalang Bea?" Tanong sa akin ng isa kong classmate. Umiling ako at umarte na hawak ang tiyan ko.
"What's happening here? Are you alright Bea?" Lapit nadin sa akin ng Prof. namin, kailangan ko la ng arte.
"I really have to go to the Comfort Room sir, I can't take it." Arte ko pa at mas hinigpitan ang kapit sa tiyan ko. Kaya nakapagdesisyon ang prof. namin na palabasin na muna ako.
Lumabas na nga ako pero hanggat hindi ako nakakalayo sa classroom ay binagalan at ibartehan ko ang paglalakad. Hanggang sa tuluyan na akong makalayo ay patakbo na akong pumunta sa kinaroroonan nila Scott.
Pagdating ko doon ay halatang lahat ay nanonood at walang gustong makiaalam. I was shocked! Pumasok ako sa pulungan ng mga lalaki at ipinagsiksikan ang sarili ko upabg makita abf kalagayan ni Scott.
Pero nataranta ako ng makita ko siyang punaibabaw sa lalaking kaaway niya at pinagsusuntok na niya iyon. Kaya naman nilapitan ko siya at inawat na. I thought I did the right thing but not.
"Ano ba?! Pwede wag kang makiaalam dito!!" Isang malakas na sigaw ang natangap ko galing sakanya at nakitingin na silang lahat sa akin. Natigilan ako.
Nakita ko naman na nakatayo na yung lalaki kanina at nagpunas ng dugo sa gilid ng labi niya. "Ha! Ano hanggang doon kalang ba Scott?! Sino yan?! Third party niyo?!" Sigaw din ng lalaking yon kaya naman napasugod ng suntok si Scott sakanya.
Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito. I never see him this mad. Sa tingin ko malalim na dahilan kung bakit siya nagkakaganito. At aalamin ko iyon. Nakita ko naman bigla ang pagsuntok niya sa tagiliran ni Scott, dahilan para mapayuko siya.
Agad naman akong lumapit para tulungan at awatin na sila, pero isang malakas na tulak ang natanggap ko kay Scott. "Ang kulit mo ha!! Sabing doon ka nga diba!!" At itinulak naman niya ako. Kaya naghiyawan yung mga tao. Nangingilid na yung mga luha sa mata ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko!? Bakit ganito siya bigla?! Ibang Scott 'to eh. Nagsimula na naman silang magsuntukan habang ako andito parin sa lupa naka-upo. Dinadamdam ko parin kasi yung paglagapak ko kanina.
Hanggang sa dumating yung mga barkada ni Scott, agad naman siyang nagpapigil. Itinayo naman ako nung isa, at inalalayan patungong clinic.
Andito ako ngayon sa clinic habang ginagamot ng nurse, tulala lang ako. Hindi parin magsink in lahat ng ito sa akin.
"Punasan mo yan. Walang magagawa yan." Saka inabot sa akin ang panyo, anidto parin siya. Isa sa mga kaibigan ni Scott. Hindi ko naman sila kilala, dahil hindi sila pinakilala sa akin ni Scott.
Kinuha ko lang yon at pinunasan ang mag luha ko. Grabe ang iyakin ko na talaga! Kainis! Matapos akong mabigyan ng first aid ay tumayo na ako para malaman ang kalagayan ni Scott. Sa totoo lang kasi siya dapat ang dinala nila dito, hindi ako.
"Kaya mo ba?" Tanong sa akin nitong kaibigan ni Scott, tumango lang ako at dumiretsyo na ng paglalakad. Pero natigil naman ako ng mapagtanto ko na hindi ko rin pala alam kung nasan si Scott ngayon.
"Uhmm! Hoy!" Tawag ko sakanya nakita ko kasi na nag iba na siya ng direksyon. Agad naman siyang lumingon at lumapit sa akin.
"May pangalan ako. Im Kurt, kaya wag mo kong i-hoy jaan." Sabi niya agad sa akin kaya naman napangiti ako.
BINABASA MO ANG
My Life With Mr.Genius [COMPLETED] (Editing)
RomancePaano kung makatagpo ka ng isang tao na nuknukan ng katalinuhan? At hindi mo inaasahan na makakasama mo siya sa iisang bahay? Paano? Alamin! Samahan natin si Bea sa buhay niya kasama ang isang Genius.