Bea's Pov
Lunch time na namin, kasama ko ngayon si Macey. Eto siya ngayon lamon ng lamon. Hindi ko na nga makausap ng maayos eh. Parang construction worker din pala 'to kung lumamon. Tinitignan ko lang siya habang matiman akong sumusubo ng pagkain ko.
"Dahan-dahan lang." Sambit ko sakanya pero tinignan niya lang ako atsaka nginitian. Pasalamat siya at mabait ako, nilibre ko kasi siya. Isa pa wala din akong ganang kumain eh.
Medyo masama parin naman kasi ang pakiramdam ko. Ugh! Ayoko talaga ng nagkakasakit. Malakas kasi ang resestensya ko, kaya kapag nagkakasakit ako nakakabigla. Hindi kinakaya ng katawan ko. Wala din naman kasing nagmamalasakit sa akin.
Ayoko namang istorbohin si Kevin sa shop niya, alam kong mas kailangan niyang unahin yun. Saka sigurado kapag nalaman niyang hindi pa ako magaling aligaga yun. For sure he will take me to the hospital, and I don't wan't that.
"So how's your life with him? Did you already did it?!" Malokong tanong sa akin ni Macey, napakabaliw talaga ne'to. Jusko! Masyado na akong nahohot-seat eh!
"It's hell. What do you mean?!" Tanong ko pa sakanya para kasing timang. Taas baba yung kilay niya.
"C'mmon. Did you have sex!" Sigaw niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at nabato ko siya ng muffin!
"Ano ba yang mga tanong mo!" Sigaw ko sakanya habang pinipigilan naman niya ang tawa niya.
Pansin ko na nag-iinit ang pisngi ko, kaya naman napayuko ako. Baka lalo akong pagtripan ne'to.
"So you like him huh?!" Tanong niya sa akin, pero this time her tune become serious. Napatingin ako sakanya, wala akong nasagot tinitignan na niya ako ng kaka iba.
"Gusto mo siya noh! Sabagay sino bang hindi. Pero ang tanong gusto ka ba niya?" Diretsyang sabi niya sa akin kaya napatingin ako sakanya.
Sa mga narinig ko ngayon kay Macey para ulit akong nata-uhan. The fact that she is right about us. That Scott do love other girl than me. Sh*t! It just kills me! Nasasaktan ako hanggang ngayon. Hanggang ngayon hindi ko tanggap na natatalo paron talaga ako ni Ate Bella.
"Ohh. Hwag kang iiyak! Ganyan talaga!" Tinignan ko lang siya at tumingala. May nagbabadya kasing mga luha sa mata ko eh.
"Baliw! Hindi ko na iiyakan yun! Tara na! Oras na!" Sambit ko sakanya at ngumiti. Sabay naman kaming uminom ng tubig at tumayo na.
Naglakad-lakad lang kaming dalawa sa may park ng campus. Kung ano ang madaanan namin ay siyang pinagtitripan namin. Sarap talagang kasama ne'to.
"Bea kanina ko pa napapansin parang ang init mo tsaka ang tamlay mo. Are you alright?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Wala din kasi akong maisagot, nangangalambot ako.
"Siguro, papaalam na lang muna ako kay Ma'am. Gusto ko ng magpahinga eh." Sabay hawak ko sa ulo ko, maghahalf day nalang muna ako. Tutal hindi pa naman nagsisimula ang next subject namin.
Naghiwalay na kami ni Macey at napaalam ako na itetext siya kapag nasa bahay na ako. Kumuha nalang ako ng slip sa advicer ko at umalis na. Nagcomutte nalang muna ako ngayon, dahil wala akong balak na magpahatid kay Scott.
Tsaka baka busy yun sa studies niya, ayoko magkaroon ng utang na loob sakanya. Agad naman akong nakarating sa bahay. Dumiretsyo ako sa kusina para maghanap nga ng mga gamot. Pero bakit kaya wala dito yung mga gamot?
"Manang?! Manang?!" Tawag ko kay manang dun sa may kwarto niya, baka kasi itinago lang niya eh.
"Ohh. Bakit ang aga mo ata ngayo iha?" Tanong agad sa akin ni manang, tumango lang ako sakanya.
"Manang, nakita niyo pu ba yung medicine kit?" Tanong ko sakanya habang umiinom ng tubig.
"Diba? Asa kwarto niyo iyon ni Scott? Paki tignan mo nalang doon at ipaglulugaw kita ha." Sambit niya saka na nagtrabaho sa may kusina. Ako naman au dumiretsyo na sa kwarto namin.
Oo nga pala, nung mga ilang araw si Scott ang may sakit. Tinignan ko sa may side table ang box and finally! Nakita ko din! Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan. Natabig ko tuloy itong bagay na nakatakip ng itim na tela.
Scott's Pov
"What the?! Anong ginawa mo?!" Sigaw ko kay Bea. Napakatanga naman kasi niya eh. Natabig niya yung project na ipapasa sa Ate niya, sira yung propeler.
Nakita ko naman na natameme siya, naiinis ako!
"Hoy! Bakit hindi ka makasagot ha! Tignan mo! Antanga mo! Nasira mo na!" Sambit ko sakanya atsaka siya tinabig. She's so clumsy!
"Im sorry. Im just getting some medicine. Hindi ko napan---."
"Ang sabihin mo, tanga ka! Alam mo bang project ko 'to kay Bella and you ruined it!" Dagdag ko pa sakanya! She deserve's it!
"Aba teka lang ha!? Sumusobra kana! Hindi ko nga sinasadya dba? Nakakagulat ka kasi. Sorry ha." Sabu niya at naiiyak pa siya, akma siyang lalabas ng pintuan pero hinigit ko siya.
I can feel that she is really hot. But the hell I care! She destroy it! Every part of it! Humanda ka ngayon sa akin.
"Aray nasasaktan ako ha!" Sigaw niya at hinawakan ang kamay ko. Naiinis talaga ako sakanya, kahit kailan talaga. Hinigpitan ko pa ang hawak ko sakanya, dahilan para mas lalo pa siyang mapangiwi.
"Na-iinis ako sayo! Sinira mo! Ginagantihan mo ba ako ha?! Pwes! Tandaan mo 'to Bea! Subukan mo pang gumawa ng mga bagay na ayaw ko! I'll make you pay." Hinigit ko siya dahilan para mas mapasigaw na siya sa sakit. Nagdidilim na ang paningin ko sakanya.
"T-tama n-na. P-please." Natigilan lamang ako ng marinig ko siyang taimtim na umiiyak. Hawak niya ang kamay ko at kita ko kung paano siya manghina. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko siya.
Tinayo ko siya atsaka itinulak sa kama. Lumabas na ako at bumaba sa sala. Ugh! Nababaliw na ako!
"Iho? Nag-aaway ba kayo? Okay lang na ba si Bea?" Tanong sa akin ni Manang habang naglilinis siya. Hindi ko sinagot si Manang, kumuha lang ako ng malamig na tubig at uminom.
Bigla namang nagtxt sa akin si Kurt.
From: Kurt,
Hey! Where are you?Tinignan ko lang at isinara agad, hindi ko na siya nireplyan atsaka na ako pumasok sa kotse ko. Bumalik lang ako sa school, at kita ko na silang dalawa sa harap ng room namin na naghihintay sa akin.
"What took you so long?" Tanong sa akin ni Chael atsaka nakakunot pa ang mga kilay niya.
Sumandal lang ako sa pader at hinilamos ang palad ko sa mukha ko. Hanggang ngayon nanggigigil parin ako. Siya lang ang ka isa-isang babaeng kinaiinisan ko ng ganito.
Kinuwento ko na nga sa dalawa ang nangyari kanina sa bahay, at nagulat ako ng bigla akong sinapak ni Kurt. Kumaripas siya ng takbo paalis. Parehas kaming nagulat ni Chael sa ginawa niya, nagtinginan kaming dalawa.
"Your such a jerk. Hwag kang magagalit Scott, kung may taong magtatanggol para kay Bea." At iniwan narin niya ako. Na-iwan akong mag-isa dito, tulala. Ako yung tanga! Hindi ko dapat siya sinaktan! Ugh! Sh*t!
Pinagsusuntok ko na ang pader na sinasandalan ko. For sure Bea will hate me more. Nagpakatanga na naman ako para kay Bella. Nakasakit na naman ako ng ibang damdamin. Maybe they are right! But damn! Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina, masyado akong nadala.
Hindi rin naman ako bobo, kaya alam ko na nag-aalala si Kurt para kay Bea. He won't punch me if that is nothing. For sure ngayon nandon na sa bahay si Kurt at pinapagaan ang loob ni Bea.
'Take care of what you have, before someone else steals it!'
Vote! Comment! Share!
BINABASA MO ANG
My Life With Mr.Genius [COMPLETED] (Editing)
RomancePaano kung makatagpo ka ng isang tao na nuknukan ng katalinuhan? At hindi mo inaasahan na makakasama mo siya sa iisang bahay? Paano? Alamin! Samahan natin si Bea sa buhay niya kasama ang isang Genius.