The One That Got Away

19.8K 548 67
                                    

Alam nyo ba yung feeling na walang nagpapahalaga sa'yo? Yung kahit sarili mong pamilya, ikinakahiya ka dahil sa itsura mo or dahil sa kapansanan mo? Yun bang kapag aalis sila, hindi ka isinasama dahil ayaw nilang pagtawanan sila ng mga tao kapag nakitang kasama mo sila?

O kaya naranasan nyo na ba na laging ikumpara sa kapatid mo? Lahat na sila sinasabing hindi halatang magkapatid kayo dahil sa itsura nyo. Dahil mas maganda, mas talented, at mas matalino sa'yo yung kapatid mo. Yun bang lahat ng sa'yo, kayang-kaya nyang agawin sa isang iglap lang.

At nung akala mo na nakita mo na yung taong magpapahalaga at magmamahal sa'yo, bigla mong malalaman na hindi naman pala totoo lahat ng ipinakita nya sa'yo. Na sa huli, sasabihin nya na hinding-hindi sya magkakagusto sa isang katulad mo. Oo nga naman, sino nga naman kasing magkakagusto sa isang tulad ko diba? Bukod sa simpleng tao lang ako, may kapansanan pa. Kaya siguro, tanga na lang kung sino man yung magkakagusto sa akin diba?

May mga tao siguro talagang malas sa lahat. At isa na ako don. Ganito lang siguro talaga yung buhay ng isang Josephine Garcia.

Pero minsan naisip ko, May pag-asa pa kaya na maging masaya ako kahit minsan lang?

================================

An: Hola amigas! Sisimulan ko 'to pagkatapos na pagkatapos ng So It's You. Nawa'y suportahan at subaybayan nyo rin sya. Salamat ng madami! Mwah.

PS: O ayan, para sa mga laging nagrerequest ng story ni Pining, ayan na, pinagbigyan ko na kayo. ✌️

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon