Epilogue

9.4K 387 59
                                        

AN: At dumating na tayo sa huling chapter. Yay. Natapos ko na sya. Magbunyi tayong lahat. Ngayon, dun naman ako sa ABD at PSDLM magfofocus. So yon, salamat sa suporta sa PinYa. Mahal ko kayo. Mwah!

====================================

PINING'S POV:

"Girls, ano na? Kanina pa tayo hinihintay sa loob. Magsstart na yung movie nyo. Aba, premiere night 'to kaya kailangan kayo yung nandun sa may unahan no!" tawag sa amin ni Direk. Andito pa kasi kami sa labas ng RaStro, hinihintay namin si Charity. Kanina pa kasing on the way na sya pero hanggang ngayon, waley pa. Ano kaya yon? Dapat kumpleto kaming apat don no!

"Anak, halika na sa loob?" si Mama. Yes, ang saya kasi todo suporta talaga sya movie na 'to. Sa katunayan nga, habang nagsshoot kami, kasama sya. Stage mother ang peg. Tinotoo nya yung sinabi nyang babawi sya sa amin ni Charity. At ngayon nga, halos mas close na silang dalawa no. Sila yung laging magkausap. Minsan, ako na yung na-O-O-P. Pero okay lang naman. Hindi naman ako nagrereklamo dahil eto naman talaga yung gusto ko, hihi.

"Jops, kanina pa tayo nakatayo dito. Tara na. Baka magalit pa sa inyo si Direk." yaya naman ni Charlie. Well, kung magtatanong kayo about sa Ate ko, ganun pa rin naman. Kinukulit pa rin nya si Pam pero nakikita ko pa rin yung longing glances nya kay Klarisse. Oh well, pasasaan din ba at makakamove on din ng tuluyang yang kapatid ko sa best friend nya.

"Pining, tara na. Excited na akong mapanood yung unang movie nyo. Diba may cameo pa ako don." si Maybelle. Well, sya naman, ayun, kasal na sila ni Clarence. Jusko, kami din nila Cassy yung kinuha nyang organizers at ilang araw din namin pinagtalunan na hindi bagay na Glee yung theme nung kasal nila. Nakakaloka. Si Clarence naman, ayun, sunud-sunuran lang sa gusto ni Maybelle. Aba'y pwede naman kasi syang magdecide din diba? At kung gusto nyong makibalita sa kasal nila at bridal shower nila, basahin nyo yung story ni Aerin or yung story ni Yana, chos! Haha.

"Oo parrot, ikaw yung mangkukulam. Bagay na bagay nga sa'yo eh." at sino pa nga ba? Si Klarisse. Well, kahit naman ganyan si Klarisse, sya pa rin yung isa tumulong sa akin nung time na kailangang-kailangan ko ng karamay. At isa pa, sya din yung knight in shining armor naming lahat. Tagapagtanggol namin sa iba pero sya mismo yung mahilig mambully sa amin. Ang labo lang diba? Pero ganyan talaga sya eh at tanggap naman namin. At kung tatanungin nyo naman, well, going strong sila ni JT kaya nga hindi na rin ako umaasa para sa kanila ng kapatid ko.

"Pero kasi si Charity, wala pa rin hanggang ngayon. Dapat kanina pa sya nandito eh. Baka may masamang nangyari na don. Baka sa sobrang pagmamadali---" nagpapanic na ako. Hindi ko rin kasi matawagan at hindi sya sumasagot sa mga messages.

"Wag kang OA, Pining Garcia. Baka natraffic lang yon. Padating na yon. Hindi soap opera 'tong istorya nyo na maaksidente sya tapos makakalimutan ka tapos may part 2 yung story nyo, asa ka? Hala, pumasok ka na don at ako na yung maghihintay sa pipino. Sasabihan kita agad kapag nandito na sya." at bago pa ako makatanggi, tumango na sya sa kapatid ko. "Cha-cha, dalhin nyo na yan sa loob at ako na yung bahala dito." utos pa nya sa kapatid ko kaya wala na lang akong nagawa nung yayain ako nila Charlie at Mama sa loob.

"Hay salamat naman at nandito ka na. Akala ko wala kang planong pumasok eh." salubong agad sa amin ni Direk.

"Sorry po Direk, hinihintay ko kasi si Charity kasi diba, movie namin 'to kaya dapat, kumpleto kaming apat dito." sabi ko naman pagkaupong-pagkaupo ko.

"Parating na yon. Male-late lang daw sya ng kaunti pero papunta na daw. Sya nga yung nagsabi na simulan na yung movie. At nang malaman na daw nya yung JKSDHkjsadhkd" ha? Ano daw?

"Direk?" takang tanong ko. Nag-alien language eh.

"Wala." naiiling na sabi pa nya. "Hay nako, bakit ba laging sa pelikula ko kailangang mangyari ng mga ganito." sabi pa nya sabay senyas dun sa nasa technical area.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon