PINING'S POV:
"Will you stop pestering me? Can't you see that I'm busy? Shoo!" naiiling na natatawa naman kami habang naririnig yung pagpapalayas ni Pamela sa Ate ko.
"I'm here to help you, Milady." pa-cute na sabi naman ni Charlie. Ew. Kelan pa sya naging corny.
"I don't need your help. Kaya ko 'to na mag-isa lang. Mas nakakagulo ka pa nga. Alis na kasi dyan! Dun ka na lang sa mga friends mo. You'r so annoying!" pagtataboy pa ni Pam.
"But---"
At dahil nakita kong sumenyas na si Cassy sa akin, tinawag ko na lang si Charlie. Baka kasi bigla na namang magwalk-out si Pam dahil sa kakulitan ng kapatid ko.
"Charlie, stop. Dito ka na. We need you here. Hayaan mo na si Pam dyan dahil keri na nya yan." sabi ko at nakita kong tumango sa akin si Pam na para bang nagpapasalamat sa ginawa ko.
Nakapout naman na lumapit sa amin si Charlie.
"Akazukin Cha-cha, that's so eewie! At kelan ka humabol-habol sa babae?" natatawang tanong ni Klarisse habang inaayos yung pinapagawa namin sa kanyang palasyo.
"Simula nung hindi ako gumawa ng paraan para mapasaakin yung first love ko. Yung bigla akong sumuko kaya mas lalo syang nawala ng tuluyan." sabay ngumiti ng malungkot si Charlie. Jusko, at talagang sinabi nya yon ha. Mabuti na lang at wala si JT dito.
Nakita ko naman na nag-soften yung tingin ni Klarisse at nawala din yung ngiti nya kanina.
Narinig ko din na nag-sigh sya bago nagsalita.
"Charlize, what did I tell you?" tanong nya sa kapatid ko.
"Yeah. I know. Si Justine lang talaga. At hindi ko na ulit babanggitin." sagot naman ni Charlie.
Nilapitan naman ni Klarisse si Charlie at niyakap ng mahigpit.
"You'll always be my best friend. Alam mo naman yon diba? At mas importante yon kesa sa kahit anong relasyon pa." napanganga naman ako sa boses na ginamit ni Klarisse. Alam mo yon, yun bang parang sobrang bait nya at sobrang sweet nya? Si Klarisse ba talaga 'to? Kahit kay JT, di ko pa narinig na ginamit nya yung ganon tono.
"Thanks Klangertz." narinig ko pang sabi ni Charlie.
"Wag na wag mong kakalimutan yon ha. Kayong tatlo nila Mama at Justine yung mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko at lahat kayo, pantay-pantay. Well, isama mo na si parrot kasi baka umiyak." nakangiting sabi pa ni Klarisse sabay halik pa sa noo ng kapatid ko.
Nakita ko naman na tumango-tango si Charlie.
Ang cute-cute nilang dalawa. Kung wala sigurong JT, baka gumawa ako ng paraan para silang dalawa talaga yung magkatuluyan.
"At Pining Garcia, isara mo yung bibig mo dahil may papalapit na kalapati. Magaya ka pa kay parrot." natatawang sabi pa nya habang nakayakap pa rin sa Ate ko.
Natatawa naman na kumalas si Charlie. At least, okay na sya ngayon. At in fairness kay Klarisse, alam nya lagi kung ano yung dapat sabihin. Para bang meron syang magic or something kaya ang bilis mawala nung lungkot or problema ng isang taong nakakausap nya.
"Kalapati talaga?" hindi makapaniwalang tanong pa nya sa amin ni Klarisse.
Tumango naman kami pareho.
"Yes. Ikinuwento ni parrot yon. Hindi sana ako maniniwala kung hindi sya nai-video ni Clarence." sagot ni Klarisse.
"Ang epic. Ang cute talaga ng pinsan mo kahit kailan."
