Chapter 13

5.6K 298 25
                                    

AN: Ay sorry, dapat kanina pang 12mn 'to. Eto na sya. 😏

=============================

PINING'S POV:

"We're here na." narinig kong bulong sa akin ni Charlie kaya palihim kong pinunasan yung mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit kapag inaalala ko yon, nasasaktan pa rin ako. Diba dapat hindi na? Diba kaya nga ako lumayo eh para mas maging matapang? Pero bakit kailangang ganito yung nararamdaman ko? Ugh! Stop it Joey. Kailangang makita nila na iba ka na. Kailangang ipakita mo sa kanila na patay na si Pining at ikaw na si Joey.

"Ready?" tanong ulit ni Charlie.

Nagsmirk naman ako sa kanya bago sumagot.

"I was born ready." sagot ko sa kanya na pilit itinatago yung lungkot sa boses ko.

"Yeah yeah. Could've fooled me kung wala sanang trace ng luha dito." naiiling na sabi nya sabay pahid nung naiwang luha dun sa may pisngi ko. Damn! Bakit ba hindi ko nasaid yung mga luhang 'to?

"Namiss ko lang kasi yung Pinas. That's all. Kaya nagpakasenti ako." depensa ko pa.

"Whatever. Just get ready na dahil nandyan na daw sila Klangertz. Kanina pa daw nila tayo hinihintay." sabi pa nya sabay abot sa akin nung mga gamit ko.

"Tayo? O ikaw lang yung hinihintay nya? Yiee." well, I know naman na hanggang ngayon, may something pa 'tong kapatid ko sa best friend nya. Malas lang talaga dahil di na pwede si Klang. Taken na.

"Duh! Malamang ikaw. Ikaw yung kailangan ni Maybelle diba? At isa pa, stop teasing me kay Klangertz dahil baka nakakalimutan mo na may asawa na yung tao na sigurado ko na kasama nila ngayon." sabay irap pa nya sa akin.

"Jealous much?" tukso ko pa.

"Yeah right. Tingnan natin kung makapanukso ka pa ng ganyan kapag nagkita na ulit kayo ni CHARITY." at sya naman yung nagsmirk sa akin.

I just shrugged sabay ngiti sa kanya.

"I don't care. Wala na akong pakelam sa babaeng yon. And kahit ipangalandakan mo yung mukha nya sa akin, di na ako maaapektuhan no. Ibahin nyo 'tong Josephine 2.0." at lalo ko pang tinamisan yung mga ngiti ko.

"Ano ka, si Laida Magtalas? Tse! Wag kang ambisyosa." natatawang sabi naman nya.

Pero totoo naman kasi eh. Alam kong kapag nagkita kami ni Charity, wala na akong pakialam sa kanya at sa kung ano pa mang ginagawa nya. Tapos na yon. Nakaraan na. Past is past. I have moved on.

"Mas maganda ako sa kanya." sagot ko naman.

"Oo nga po." sabay naman kaming napatingin kay Kuya na kanina pa pala nakatingin sa akin. Hay, ang hirap talagang maging maganda no?

"Thanks Kuya." maarte kong sabi dito sabay kindat pa.

At halos matawa kami ni Charlie nang biglang napaupo si Kuya. O eh di ako na yung Dyosa.

"See Charlie, hindi lang ikaw yung maganda ngayon. Marami na rin talagang nabubulag sa alindog ko." bulong ko sa kapatid ko na amused na amused na nakatingin sa akin.

"I know. Nasa states pa lang tayo, iba na yung dami ng admirers mo. Pero kahit isa sa kanila, wala ka man lang sinagot. Bakit kaya? Hmmm, itago na lang ba natin sa pangalang Cha--"

"Stop, stop, stop. Wala syang kinalaman kung bakit hindi na ako nagseryoso sa mga lalaki or mga babaeng nakilala ko sa states no! Wala lang talaga akong matipuhan sa kanila." depensa ko ulit. Which is true naman. Oo, mga gwapo at maganda sila pero wala kasi yung magic eh. Wala yung tulad nung naramdaman ko kay, of course, sa kanya pa rin talaga yung balik nitong usapan na 'to.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon