AN: Tulad ng ipinangako ko, tatlong chapters yung ipopost ko. Di ko na sya inedit ha, so sabihan nyo na lang ako kung may mali para mabago ko. Salamat. Enjoy.
================================
PINING'S POV:
"Hi." agad naman akong napangiti pagkarinig na pagkarinig ko ng boses nya. Nandito kami ngayon sa location ng taping nila para dun sa teleserye nilang tatlo nila JT and Maybelle.
"Hi." nahihiyang bati ko din sa kanya sabay ipit nung buhok ko sa tenga ko. Oo na, ako na yung pabebe. Hindi nyo naman kasi ako masisisi. Ang ganda-ganda kasi talaga nung babaeng nalingunan ko eh, hihi.
"I'm glad na nakasama ka kila Klarisse sa pagdalaw dito sa set." sabi pa nya habang ngiting-ngiti na nakatingin pa rin sa akin.
"Ngahe ano, wala ngahe angong ano ngaya umano ango ng ano." ay pucha! Hinahayaan ko talaga yung sarili ko na magmukhang tanga sa harap ni Charity.
(Kasi ano, wala kasi akong ano kaya umano ako ng ano.)
Napasimangot naman ako nung narinig kong tumawa ng mahina yung magandang babae sa harap ko.
"Hey, don't frown. Natawa lang ako dahil I know na cute ka na pero may i-cu-cute ka pa pala." sabi pa nya kaya eto, nag-ala kamatis naman talaga yung kulay ko. Alam mo yung feeling na parang lahat ng dugo mo, umakyat sa bandang mukha mo?
"Uhm. Ano." sabi ko sabay ipit naman nung buhok ko sa kabilang tenga.
"Oh GODS! Will you two stop? You're too cute and it's annoying!" sabay naman kaming natawa nung marinig namin yung sinabi nung taong nasa likod namin.
"Wow, si Klang ba talaga yan? Sinabihan nya kayong dalawa ng cute." natatawa din na sabi ni Maybelle na nasa likuran din pala namin.
"Hindi sila yung cute. Yung pinaggagagawa nila. Masyadong nakakaumay at parang gusto kong sumuka dahil sa sobrang sweetness nila. UGH!" depensa naman ni Klarisse.
"Nah. I heard you. You said that we're cute." sabay smirk ni Charity sa kanya.
Agad naman syang sinamaan ng tingin ng katipunera.
"Hindi ka kasali. Mukha ka pa ring pipino para sa akin!" ayan, magsstart na naman yung sagutan nilang dalawa. Pustahan? Ewan ko ba sa dalawang yan. Parang silang mag-ex na hindi pa rin nakakamove-on sa isa't-isa kung magbangayan.
Naiiling na hinila na lang ako ni Maybelle palayo dun sa dalawang nagsasagutan.
"Hay, kelan kaya sila titigil dyan sa nakakasawa nilang away?" tanong ni Maybelle habang nakatingin dun sa dalawa.
Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam. Ang alam ko lang, kahit ganyan si Klarisse, sya pa rin yung magtatanggol sa amin sa huli.
"Pero maiba ako. Medyo nagtatampo pa rin ako sa'yo dahil kay Klang mo unang kinwento yung about sa inyo ni Cha. Akala ko ba, ako yung 'BESTEST' best friend mo." nakahalumbabang sabi nya sa akin. Eto talagang si Meng, kung anu-anong salita na naman yung pinag-iimbento.
"Hami ngo naman hayo nima? Hayo ngo naman nalanga naman hahamihin. Eh ngaho, nung naym na yon, naha neyming nga. An yang mangaling mong minhan, hini ango minaalih hangang hini ngo hinahami ha nganya. Minanaan nya ango nulan ng mangmamana nya nung naym na minanguweno nya ango nungol ha inyo ni Nen." paliwanag ko sa kanya. Totoo naman eh. Naalala ko pa yung banta ni Klarisse nung time na yon. At halos ilang oras akong nagpaulit-ulit ng pagkukwento sa kanya dahil reklamo sya ng reklamo na hindi nya maintindihan kung ano man yung sinasabi ko. Eh di sana kasi, sa iba sya nagpakwento diba?