PINING'S POV:
"Ang creepy mo, Bes. Why'd you have to stare at me like that? May dumi ba ako sa mukha? Kulangot or anything?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Charity. Hindi ba nya alam kung ano yung nararamdaman ko every time na tumitingin sya? Lintek na puso kasi 'to, masyadong suwail. Ayaw sumunod sa sinasabi ng isip ko.
Bigla naman syang namula at nahihiyang ngumiti sa akin.
"I just can't believe that--"
"You are mine now. You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can't compare you with anything in this world, you're all I need to be with forevermore." ang hinayupak na Charlie na 'to, biglang kumanta. Epal. Nakikinig ng usapan ng may usapan.
"Uy naalala ko yan, kanta yan dati ni Pining kay Cha diba? Kasi sabi nga nya, pangarap lang daw nya noon si Charity kaya nung naging sila, hindi sya makapaniwala." at kahit wala naman akong kinakain o iniinom, nasamid ako dahil sa sinabing yon ni Anastasia. Pakyu talaga 'to kahit kelan.
Natatawang inabutan naman ako ni Charlie ng tubig. Ayoko ring tumingin kay Charity dahil ipupusta ko yung patay na kuko nyang si Anastasia, nakatingin sya sa akin ngayon at pipilitin na basahin kung ano yung nararamdaman ko. Nako, kilalang-kilala ko yang babaeng yan. Lagi nyang ginagawa yon noon sa akin eh. Binabasa nya ako sa pamamagitan ng pagtitig lang sa mga mata ko.
Nagulat kaming lahat nang biglang magtatalon si Julia. Aba, nasiraan na yata ng bait ang bruha.
"Sige tama! Jamming na lang muna tayo tulad nung dati. Gela, may gitara ka dyan?" double pakyu talaga 'tong mga kaibigan kong 'to kahit kelan. Ipapaalala na naman ba nila yung laging naming ginagawa kasama si Charity noon?
"Wala eh. Nasa bahay. Di ko dinadala dito sa condo." napangiti naman ako sa sinabi ni Angela. Buti naman. Kala nyo ha.
Mayabang na tiningnan ko yung mga kaibigan kong halatang disappointed dahil don. Duh, nasa akin ang huling---
"Ako meron. Teka, kunin ko lang sa kabila." okay Joey, iyak. Talo ka na naman ng mga mababait mong kaibigan.
Nakita ko naman na nag-apiran na naman ang mga loko kaya sinamaan ko sila ng tingin LAHAT. Oo LAHAT dahil pati si Charity, nakisali sa apiran.
At mukhang excited din si Alexis dahil nagmamadali syang bumalik dala-dala yung gitara nya.
Tuwang-tuwa naman itong kinuha ni Anastasia.
"Game, game. Namiss ko 'to. Mula nung nawala kasi si Pining, hindi na tayo nakakapagjamming ng tulad noon."
"Hindi na sya babalik. Wala pa rin sya hanggang ngayon." singit ko kaya lahat sila, seryoso lang na tumingin sa akin.
Tinaasan ko naman sila ng kilay.
"What? Totoo naman eh. Di na babalik yung tangang yon." sabay kibit ko pa ng balikat.
Narinig kong nag-sigh si Charity pero hindi ko sya pinansin. Pakelam ko naman diba? At nagsasabi lang naman ako ng totoo. Wag na nilang hintayin yung Pining na yon. Mamumuti lang mga mata nila kakahintay.
"Why do you have to spoil the fun?" naiiling na tanong sa akin ng kapatid ko.
"What did I do? I was just stating a fact. Ayoko kasing maghintay at umasa kayo sa wala. Masakit yon, naranasan ko yon eh." sabay pakawala ng pekeng tawa.
"Kung puro ganyan yung sasabihin mo, just shut up okay? We're trying to have a good night here and you don't have the right to ruin it." mahinahon pero alam kong galit na si Charlie kaya tumahimik na lang ako. Eh di okay. Shut up kung shut up. Bahala silang magjamming dyan.
