PINING'S POV:
"So, sasama ka din ha, Pining." kapag nga naman talaga sinuswerte ka, oo. Papa'no ko masusupil 'tong nararamdaman ko kay Charity kung lagi din naman kaming magkakasama diba? Ewan ko ba kasi dito kay JT kung bakit kailangang kasama pa kami sa kemerut nila sa Ilocos eh. Nananahimik na ako dito eh.
Kaya eto ako ngayon, kailangang magpaka-kaswal lang sa harap ng babaeng pilit kong kinakalimutan yung feelings ko para maging 'kaibigan' lang talaga ako.
Habang nasa byahe nga kami, pilit kong iwinawaksi kung ano man yung sakit na nararamdaman ko sapagkat kailangan kong magpakakaswal upang hindi mahalata ng kahit na sino man sa mga kasama namin yung feelings ko.
Kahit nga nung nagkapasweet pa si Charity at tinawag na Boo si Meng, ngumiti lang ako. Kunwari, kinikilig din ako sa kanilang dalawa. Hay buhay, minsan, napapaisip ako kung bakit ganito ako eh. Bakit walang pwedeng magkagusto sa akin dahil sa itsura ko. Nakakaiyak na lang talaga minsan. Hay.
"Hey." at tulad ng ibang tao, agad kong isinuot yung maskara ko pagharap ko sa taong nasa tabi ko ngayon. Nakangiti ko syang nilingon.
"Nyanini." nakangiting sabi ko sa kanya.
(Charity.)
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo dyan ah." nakangiti din naman nyang sabi.
"Mangen, nalunon nga ma? Hihi. Nganyan rin ngahe ngalalim yung milings ngo mara hayo." biro ko sa kanya. Oo, hanggang joke lang naman yung kaya ko eh. And wala din naman kasing magseseryoso sa akin. Sa itsura ko bang 'to diba?
(Bakit, nalunod ka ba? Hihi. Ganyan din kasi kalalim yung feelings ko para sa'yo.)
"Ayun naman eh, Josephine. Talagang kahit nandito ako, babanat ka kay Charity?" agad naman kaming napalingon pareho sa nagsalita. Ang mahaderang si Tasing pala.
"Hini ngo naman ngahe alam na nanyan nga no! Ano ma ngaheng nginangawa mo nino ha ngwarno namin?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
(Hindi ko naman kasi alam na nandyan ka no! Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto namin?)
Hindi sya nagsalita pero hinila nya kami palabas. Magtatanong pa sana ako pero agad nyang iniharap yung mukha ko sa may kabilang kwarto. Napa-'oh' naman ako at tumango-tango.
"Hindi ko alam na tanga pala talaga si Meng no?" narinig naming sabi ni Juling na nasa tabi na rin pala namin.
"Wow Julia, sa'yo pa talaga nanggaling yan eh no?" natatawang sabi naman dito ni Tasing.
"Totoo naman eh. Halata naman na gusto nya si Rence pero hinahayaan nyang maagaw sa kanya ni Jordan." palatak pa nya.
"Wow Juling. Aym imreh. An lin nangangahalata nga rin mala ha mga nganyan." sabay smirk ko sa kanya.
(Wow Juling. I'm impressed. At least nakakahata ka rin pala sa mga ganyan.)
Tumingin naman sa akin ng nakakaloko si Juling at pagkatapos ay kay Charity kaya nanlaki yung mga mata ko. Don't tell me. At paglingon ko kay Tasing, nakatingin naman sya kay Charity na malungkot na nakatingin kay Meng. Seriously? Kelan pa naging ganito ka-observant yung mga kaibigan ko?
At ayun nga, tulad ng inaasahan, nagpaubaya na naman si Meng kaya nilapitan namin sya at niyayang mamasyal. At tulad ng isa ko pang inaasahan, si Charity agad yung to the rescue sa kaibigan namin. Well, sya yung gusto nya eh. Ako, simpleng kaibigan lang talaga.
Kung matapang lang ako para sabihin kay Charity na ako na lang dahil wala naman syang pag-asa kay Meng, pero duwag ako eh. Natatakot na ma-reject na naman.
