Chapter 27

5.9K 302 29
                                    


PINING'S POV:

"Why do I have this feeling that you won't be able to continue that 'paghihiganti' thing?" nakangiting tanong sa akin ni Charlie habang nagreready kami para sa party.

And yes, hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakakalimutan yung nangyari kahapon ng tanghali. Everytime na nag-uusap-usap kami, lagi nilang inuulit-ulit yung eksena ko kahapon. Ang mga bwisit na 'to, nagrere-enact pa minsan. Lalo na yang sila Anastasia at Julia. Nako talaga, kapag sila naman yung nasa ganitong katayuan, makakarinig din talaga sila sa akin. UGH!

Nakataas naman ang kilay na humarap ako sa kanya.

"If this is about the thing that happened when we were having lunch yesterday, please stop. I did that because I was---" shet, ano nga ba dapat yung isasagot ko don?

"Worried?" nakangiti pa rin nyang pagtutuloy sa sinasabi ko.

"Of course not. Why would I be? DUH. I was just being nice. And it's uhm, part of my plan. Right, kasama yon sa plano ko." sabi ko naman na parang yung sarili ko yung kinukumbinsi ko. Oo tama, yun yung dahilan non. Hindi tulad ng iniisip nila na nag-aalala ako. Oo, hindi ako nag-aalala.

"And that's not because you still care about her?" tanong pa nya.

"Nope. Tulad ng sabi ko sa inyo noon, wala na akong pakialam kay Charity." depensa ko pa.

"Well, that's not what I saw yesterday. The way you run para lang makuha agad yung gamot nya. And naramdaman ko yung kaba mo non." hay nako, ayaw pa ring tumigil.

"Ang kulit mo naman eh. Wala nga yon. Gusto ko talagang isipin nya na hanggang ngayon, nagcacare ako sa kanya para mas lalo syang mahulog sa akin. Para if ever sasabihin ko na sa kanya na it's all part of my plan to get even with her, eh di mas lalo syang masasaktan. Korek?" sabi ko pa.

Tumingin naman ng seryoso sa akin si Charlie na para bang may gustong sabihin pero umiling na lang sya at nagsalita.

"Yeah. Right. Whatever. Kung saan ka magiging masaya eh." sabi na lang nya sabay labas ng pintuan ng kwarto. Naiiling na sumunod na lang ako sa kanya. Hay nako, minsan talaga naiisip kong may itinatago sa akin 'tong kapatid kong 'to eh. Pero pasasaan ba't malalaman ko din yon.

Paglabas namin, nandun na rin yung iba naming friends and may mangilan-ngilan na ding bisita.

"Naks naman, gaganda ng costume natin ah." nakangiting bati ni Klarisse sa aming dalawa ni Charlie paglapit namin sa kanya.

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa ni Charlie at napakunot ng noo. Nakangiti kasi silang nag-apir.

Papa'no kasi,si Charlie, naka-kung anong makulay na dress at may hipon pa ata or kung ano mang pagkain na design-design yung headband nya. Tapos si Klang,  naka-pants lang sya and white na v-neck and black leather jacket, tapos naka-boots. Character dapat ng Disney diba? Bakit parang di ko naman sila kilala?

"Sino kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Tiningnan lang  naman nila ako na para bang sinasabing 'seriously?' sabay labas nung wand ni Klarisse na nasa bulsa nya sa likod.

"Alex Russo. Duh!" naiiling na sabi nya kaya napatingin ulit ako kay Charlie.

"At ikaw si Harper?" paninigurado ko.

Tumango naman sya nang nakangiti.

Ah, kaya naman pala. Ngayon alam ko na. Magbestfriends pa rin sila kahit dito sa costume party na 'to. Eh di sila na.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon