Chapter 15

6.2K 294 37
                                    

AN: (c) Villa Escudero

============================

PINING'S POV:

"So eto yung place kung saan gaganapin yung engagement party." proud na proud na sabi ni Maybelle pagbabang-pagbaba namin sa sasakyan.

Napanganga naman ako sa ganda ng lugar. Grabe, ganito yung gusto ko. Sa ganitong lugar ko gustong tumira. In fairness dito kay Clarence ha, ang bongga naman pala talaga ng pamilya nila.

"WOW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WOW." yun lang yung nasabi ko habang iniikot ko yung tingin ko sa hacienda nila Clarence.

"Same. Ganyan din yung naging reaksyon ko nung una akong dalhin ni Rence dito. Mas malala nga lang ako dahil napasukan ng kalapati yung bibig ko habang nakanganga ako." narinig kong sabi pa nya.

Hindi makapaniwalang napatingin naman ako kay Maybelle after nya sabihin yon. Baka naman kasi nagbibiro lang sya. Kalapati naman kasi. Maniniwala pa ako kung langaw eh. Pero pagtingin ko sa kanya, mukhang hindi naman sya nagbibiro at mukhang nirereminisce pa nya yung nangyari noon. Napailing na lang tuloy ako. Ibang klase talaga.

"So, ano ba yung gusto mong theme ng party?" tanong ko na lang sa kanya matapos kong makabawi sa sinabi nya.

"Yellow team. Favorite ko si yellow ranger eh. Ikaw, blue team? Favorite color mo yon diba?" mabilis na sagot naman nya kaya napangiwi ako. Mukhang mahabang paliwanagan na naman 'to.

"Meng, hindi team. Theme." pagtatama ko sa kanya.

"Sige, Ateneo na lang. Laglag na UP eh." sagot ulit nya kaya para gusto kong umiyak. Klarisse, nasaan ka nung kailangan kita?

Pero kailangan mong magpasensya Joey tulad noon. Pasasaan ba at magkakaintindihan din kayo.

"Meng. Ang ibig kong sabihin, ano yung tema ng party. Ano yung gusto mong designs, or kung ano yung gusto mong maging setting nung party. Kunwari gusto mo ba ng Hawaiian themed party, or gusto mo yung parang Rave or something." paliwanag ko sa kanya.

Tumango-tango naman sya habang nag-iisip. Well, sana yung common lang, or yung madali lang para hindi na ako mahirapan sa---

"Disney." kunot-noo naman akong napatingin kay Maybelle.

"Ha?" takang tanong ko sa kanya.

"Gusto ko kung ano yung paborito nating Disney Character, yun yung isusuot natin sa party." nakangiting sagot naman nya.

"Uh."

"Please?" sabi pa nya na parang nagniningning pa yung mga mata nya.

At syempre, makakahindi ka ba sa ganyang itsura?

"Fine. Your wish is my command." jusko, parang bata talaga 'to.

"Pangarap ko kasing maging si Shrek." nakangiting sabi pa nya kaya napa-facepalm ako.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon